Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

Pasko na Gayak Tayo


"Pasko Na Gayak Tayo"


Mag papasko na! mga kaibigan malamig na ang simoy dahil winter taym na hehehe kanya kanyang palamuti at decorasyunes sa mga kabahay bahayan lalo na jan Pinas at kahit sang mag sulok ng mundo pag may Pilipino (wowowee! hehehe) nag handa na lahat at sigurado gumagala na ang mga bata,matanda, may uhog o wala na mga kumbancheros ay nag insayo na sa kanilang mga pamaskong awitin na kay sarap pakinggan,hayzz! isa na nman tong malungkot na yugto sa buhay ng mga OFW sa tuwing sasapit ang pasko,nakakahomesick,nakakamiss nakakaiyak,nakakainis nakakainggit sa mga makakauwi... lahat ng mga nakaka! kasama na! lol's .sa kabila nun wala akong magawa kundi i motivate ang sarili ko "ok lang yan bomzz ganyan talaga ang buhay as always parang life" oo nga naman sabi nga life is not always today there's also tomorrow hehehe


Kaya nman sinikap ko na kahit papano mag karoon ng espirito o diwa ng pasko ang hooch/bahay/cabin namin ganyan naman tayong mga pinoy kahit gaano kahirap ang buhay ang Pasko ay di pedeng lumampas na di maging masaya o walang mga nakabit na parol sa bahay ang kawalan ay hindi hadlang sa pag diriwang natin . kaya ako kahit ano gawin ko upang lang mabigyan buhay ang aming pasko dito sa iraq at maging ka aya aya tingnan ang aming Hooch/Bahay/Cabin kaya (ninakaw) inuwi ko ang mga pang decorasyon na sana para sa Opis namin. lol (Mam DB sowee! hehehe) kaya niyaya ko ang dalawa kong kumag na ka room mates na mag gayak kami, matagal narin namin tong plano kaso nga lang ang mga ungas! (kami yun lol) kunwari nag bisebisehan pa, marami pang aktibidadis mga ka ak ek ik ok uk sa buhay!hehe kaya kagabi nataon din wala rin kaming praktis sa aming banda rito banda roon kaya tumpak mag gayak kami, pag dating ko sa hooch namin andun na ang dalawang kumag nag aantay na "kumag ka! kanina pa kami rito nag aantay sayo asan na yong mga pang gayak tagal mo!" hehehe napagalitan pa tuloy ako, ini mail ko pala siya kanina na mag gayak tapos ako ang nahuling umuwi hayun nabulyawan tuloy hehehe ito na kumag ka! di ka nag kasi naghanap! jan lang O! sa ilalim ng kama ko! o sha sha! mag gayak na tayo wag ka mag alala i post ko to sa blog ko hayun! ang kumag kumaripas mabilis pa sa pagong heheh..

Dah Kumag'z!



1 , 2 , re ge do! smell!!!! lol pormahan time heheheh

Kumag Staylzz!


Dah 3 moskitos again! Bomzz,Kumag Nap, Rolly boy

ayusin mo nga jan yan isabit mo jan sa gitna ! oo nga yan na nga oh! hehehe


lagyan kaya to ni santa claus (open) ang medyas natin ? hehehe



Jarannnnzz! yan na finish product ehhehe di ba may diwa at espirito ng pasko na kami?


ayus na ayus daw sabi ni Mr. Ong kaya ang laki ng ngiti niya sabay dila pa! hehehe
siguro nakita niyo na siya?....
oh! bongga rin ang mga taga Iraq hehehe ayus na tu pag natulog kami naka turn-off ang ilaw na ploresin, at tanging paskong ilaw lang ang nakabukas sabay patugtug "pasko na nman o kay jet plane ng araw hehehe"solb na siguradong may luhang papatak sa unan namin at pagising sandamukal na Atum. lol




Semperds sa bahay namin (Pinas) buwan ng Octobre pa lang nag decorasyunes na ang luvs at chikitings ko..yan nman tayo mga pinoy pag patak pa lang ng ber months umpisa na yan mag labasan mga naka imbak na pang decorasyun.

Mana talaga sa Fader nila mahilig pumorma sa harap ng kidlat ng camera hehehe lyk father lyk daughter talaga ( sorry ka na lang Luvs bawi ka na lang hehehe)

di po bahay namin to ha sa Mall po ito (Gaisano Butuan) hehehhe sinama ko lang kasi may Christmas tree at anjan ang pamilya ko. blog ko to ayt! hehehe


Adbanzzz!!!

Maligayang Pasko sa inyong Lahat




Lunes, Nobyembre 17, 2008

And Selebrasyunes!!

Sinabi ko sa nakaraang poste ko na dito sa iraq lalo na sa tropa namin dito sa baryo Taji pag may tumanda na nman ito ay aming ginagawan ng paraan na maging masaya,maligaya, at memorabol ang bday yung kasing memorabol sa pag kapanalo ni Osama este Obama! na buong mundo nag lumpasay sa saya kahit ang pinas nakisaya rin wala naman konesyon walang namang mahihita sa pagkapanalo ni Obama hirap pa rin si Juan hehehe ..tekateka10x bago mapunta sa kong saan saan ituloy ko na ang hmmm! basta basahin mo na lang lol ,kilangan maging masaya ang araw ng debutante este! kaarawan pala tsk..tsk ano vaaahhh! laging mali! hehehe ,dahil pag may B-day ito na rin ang aming pag kakataon na makipag bunuan sa sayawang sahig, at semperds sa kunting handa ay oks na...

"ang tumandang bata"

ang pag hahanda tulong2x yan kami parang bayanihan

mga bisita si sarge at isa pang sarge hehehe (Mga Bisdak)

mga Tropa e eksena muna sa kidlat ng camera bago sumubo..

Kainan na... sige kain lang kayo walang hiya hiya tigidigtigidid... lol


mga pag kain na buraot at mga nahingi kahit sang tabi tabi lang hheheheh


ang pakipagbunuan sa sayawang sahig pawis ang lahat ng ka singit singitan tindi!hehehe



At ang Papormahan taym uli tungga ng beer na walang espirito ng alak heheh ano daw?




Ito mga ka roomates ko pasingit daw pictyurs namin dito sa blog

" dah three moskitos !"




Semperds nag Selebreyt din ang aking pa la Luvs at chikitings and my biyenans , brother in laws.
@ Same Place Restaurant





sa likod ng aming kasiyahan sa aking debut ay kaarawan pala mali na nman! lol di ko pa rin maiwasan ang pag kalungkot dahil hindi ko kapiling ang aking mga mahal sa buhay (ang luvs ko at chikitings ko)tanggap ko man sa sarili ko na ganun talaga ang realidad ng buhay abroad di mo talaga maiwasan ang pakiramdam na may kulang pa rin sa kabila ng lahat lalo na sa mga okasyong ganito.ngunit ganun paman nag papasalamat parin ako kay Papa Lord sa lahat lahat na binigay niyang biyaya sa akin sa luvs ko at chikitings ko at sa Tropang Astigpinoy di ko man kayo mai isaisang banggitin dito sa blog ko hhehe maraming salamat sa inyo. at kay Ate Mary na pa oo na gawan niya ako ng cake na ang kapalit ay wala!.. sa madaling sabi naka buraot na nman ako hehehe..

Maraming Thank you uli sa lahat......
At sa lahat ng mga Blogger na Bumati sa akin maraming sangkaterbang Thank you din sa inyo...


Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

It's my DAY!!!!

Hayyyzzz! di na talaga mapigilan ang pagtakbo ng panahon di na talaga mahabol..hehehe tumatanda na rin pero as usual di ang isip lol..dahil araw ko ngayon sempre pag bibigyan nyo ako hehe .. nagpapasalamat ako sa poong may kapal sa mga biyayang binigay nya sa akin sa pamilya ko sa pala-Luvs ko at chikitings ko.. at sa lahat ng aking mga kapamilya kapuso ka tribo hehehe maraming salamat sa inyo...


ibabahagi ko lang po sa inyo ang mga taong nag mahal sa akin nakss! ang kanilang mga makahabag damdaming litanya hehehe at pag bati sa akin... (Screen Shot ang lahat ng piktyurs)

Greetings From My PalaLuvs the love of my life my wife my best friend,my lover,my enemy sometimes hehhehe..(rekados sa buhay mag asawa ang di pag kakaunawaan minsan)and my girlfriend for 8 years and many years to come , luvs thank you so much, your the best of everything.. salamat din napagtiisan mo ako at sa aking mga kapalpakan sa buhay but beside all that your still beutiful inside out... love you..

From my Chikiting Ate Issa susunod sa yapak kong maging dancer... EB babe.. u beta! watch out.. hehehe


Greetings From Chikiting MayMay ito ang susunod sa yapak ko maging alaskador,makulit impernes may beauty an brain to. singer someday mana sa mga Lolo niya love my own.. of course sino pa ba?buti di nag mana sa amin dalawa ni luvs... sablay kami sa singing pero di nyo kami mapigilan pag may micropono heheheh.



Mga Pag Bati ng mga Ka tropa ko..

From RakingWorms ito yung kahuntahan ko lagi sa outlook mail.. tsismisan lang..
From Dodong Manny kasama ko to sa banda sa church kolokoy din to eh hehehe

From Sis Gemma ang bisayang dako na illongga...

From my Pakners sa opis si dodong Lyn iwan ko magkasama naman kami sa opis araw2x di parin niya alam spelling ng name ko... hahahhaha (jamboooo daw!)


From Badong ito naman sumubra din sa spelling di na ako boy.. Man na ako hehehhe

From Mike Nginig iwan ko sa tropa na to mabait nman to nakakalito lang talaga minsan ano ba talaga mike? laban o bawi?! hahahhaha

From Dodong ritchie ito pyur bisdak jud.. may ebedesya! talaga...





From Pareng Joel alang alak eh bawal..hehehhe


From Malou its unexpected asawa siya ng Pinsan kong Kuya ko nasa dubai bossing ng lahat naming mag Pinsan wala kaming lahat sa abroad kong wala si Kuya namin.. Mat sala arbab..

From Jowey ang supervisor sa MWR namin pag may party kilangan coordinate ka sa kanya para di ka sasablay heheheh.. salamat Jowey...


From Rodel Bang2x at Chris 1&2 mga dakila ng Iloilo to magaling ang mga to sa kusina...hehe


From Pareng Raul malufit naming drummer kong promakatakataktakatak! matindi

From Arutzzki! ito ang pinakamulupit na bati sa lahat mula sa reyna ng mga basura este! baladiya..hehehe nakiliti talaga ang buhok ng wet paks ko dito dahil totoo ( 2 days before may b-day na search ang room ko buti na lang di nagkaproblema)


marami pa rin po ako narereseb na pag bati! i hahabol ko na lang yung iba ha pede ba? oo alam ko pag bibigyan nyo ako baka lalagyan ko kayo ng Bomzzz! jan heheh eniwey,muli po maraming salamat sa inyong lahat....and happy Birtday to me! :) hehehe See you on the Dancee!! Floorrr!! hehehe






Martes, Oktubre 28, 2008

80 Sayd Epeksz! Pagtratrabho Bilang Admin sa IRAQ..

1. Dahil halos di na kayo nagkikita ng kakwarto mo, nag iiwan ka nalang ng post it na hiniram mong portable dvd nya...

2. Pag nag ye -yes ka habang tumatawag sa kaibigan sa pinas, roger o copy na gamit mo....

3. Eksperto ka na sa power nap, yung mga 15 min break nyo, itinutulog mo na lang...para fresh maya na yung 1 hour nap...

4. Sa mga pang gabi...di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang bus dun sa north gate....

5. Pag tawag mo sa mga barkada mo sa pinas...dude, bro, howdy, sup, ang tawag mo sa kanila

6. pag nag tenk you ka may "i appreciate it a lot" na! aba sosyal!

7. Tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati materials used ng department nyo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kakwarto mo dahil nagsisigaw kang P1! P1! P1!

8. Pumuputi ka na dahil di ka na lumalabas ng opisina.

9. Sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng hooch nyo.

10. Kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

11. Sanay ka na sa mga bunkers at mga red alert...sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito araw araw sa trabaho eh.

12. Di ka na sanay sa traffic. pero sanay ka na sa convoy...

13. Di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.....disorient ed na ang body clock mo...(naytshift)

14. Alam mo na paano i type ang ........ò.

15. Nangangarap ka na baka dumating ang araw ma absorb ka nga bilangKBR.....

16. Nasusuka ka na pag nakita mo ang laptop sa kakwarto mo..

17. Pag CASH delay/advance day or a-21 ng buwan... all roads lead to PX & POPEYES..PIZZA,CINNABON,TACO BELL.. sa mga pasosyal Green Beans Coffee.

18. Updated ka sa mga bagong artista at latest tsismis....kasi palagi sa abs-cbn.com or gma.net.tv

19. Kaso hinde mo na alam itsura ng mall...

20. Sanay ka na umeebs sa porta john

21. May kano din palang batangueòo... ......... electric 15!

22. Puro kalyo na wrist at daliri mo.

23. Marunong ka na ding mag espanyol. don federico munchado conquistador! leche!eeheh

24. Sanay ka ng kumain sa harap ng PC mo...

25. Papasok ka sa office na naka-jeans, tshirt and cap (astig!)

26. Mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila ....

27. Puro expats mga ka-opisina mo, walang mga asungot pero puro kupal din yung iba...

28. Nagpapadala ka ng perfume, caps o t-shirt sa mga expats na nag R & R

29 Nag papa order ka rin sa expat pag may gusto kang bilhin sa online

30. Pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

31. Na inlove ka na sa kape at iced tea...o tea lang

32. Marami ka ng naipon na microwavable popcorn at MRE (meal ready to eat)

33. At ketchup galing burger king at pizza hut

34. Pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng P3 or Work order..of kaya SRD

35. Bumibimili ka ng mga DVD o Baladiya sa lahat ng indiano na makita mo.. hehehhehehe

36. Pag gumagamit ka ng cr.... di ka na nagpa-flush. . kc akala mo nasa porta john ka.

37. Sawa ka na sa internet kasi sa trabaho panay ang browsing at surfing..

38 At least may natutunan ka sa weekly meeting dati, unforgettable yun kasi natutunan mo ang word na ............ ..redundant or stuff like that....syeettttttttttttt!

39. Pag may problema ka sa PC mo, una mong ginagawa ay clear history at cookies.. saka nagdadalawang isip kung may buburahin dun sa may control panel....he he he!

40. Bihasa ka na masyado sa internet.... ....updated ang profile mo sa yahoo members gallery! nag ba blog kana ngayon hehehe

41. Nag ho-hoard ka na din ng tissue kung sino man mga house keeping on duty

42. Umaasa ka na lang na sana pagdating ng panahon na magdala ng breakfast ang mga kupal mong X-pat...

43. Libre parking mo sa building, kasi hinahatid ka ngbus....hahahaha

44. Pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na may hot at cold...

45. pinapahanap ang mga kapitbahay mo sa pinas na penpal na kano....

46. naka ID ka pa kahit nasa cr

47. pagtinatanong ka ng mga tropa mo kung ano ang sinusupport mo...sinasabi mo LOGCAP III!

48. Kahit may malaki kayong component sa hooch nyo gusto mo pa din naka-earphones!

49. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng "love moves in mysterious ways" ni Nina! at Pinoy ako.. Balut Kayo hehehehe

50. Nung nawalan ng kuryente, magsisigaw ka ng PowerGen!!! PowerGen!!!

51. Oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo ang right click ngayong ctrl C at ctrl V.

52. Dati 1 word per minute ka kabilis magtype, ngayon 2 words per minute. sanay kc copy and paste lang kya na SF.

53. Kahit sa cheesebox, iniisp mo pa rin ang Text Twist, Jewel Quest, Pyramids at Backgammon.. .

54. Sanay ka nang matulog ng dilat ang mata...kasi di pwede pahuli

55. Lahat ng style ng pagtulog.... maiisip mo...

56. Walang christmas vacation, holy week, pero may summer kasi most of the time mainit

57. Umiihi ka na lang sa bote ng Nova Mineral water kasi mainit kong summer lamig pag tag lamig at malayo ang cr..

58. Lahat ng holiday pumapasok ka kasi yun ang nasa kontrata.

59 Dito ka na sa opisina nakabili lahat ng gamit mo..

- Gerber

- Applegate

- Camelback

- Phone card

- VCD/ DVD
- iPod
- PSP
-Lop Top

60. D2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

61. Dami mo na naiipon na stirrer(red) kakatimpla ng kape.

62. Di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa . bad trip!!

63. Ice tea o orange juice at soda ka lang, mga barkada mo sa pinas.. red horse beer, gin bilog o tequila!! syet!

64. Sumasama ka pa sa email chat miski wla ka na sa *****... shift pa nila! ayus move on with your life....

65. Lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

66. Dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

67. Dito lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap...lalo na pagdating sa mga babae

68. Kapag may gusto kang bilhin...titingin ka muna sa ebay... o kaya walmart

69. The word for the day and everyday is spreadsheet. . or everyday is Monday hayzzz!

70. May kasama ng f&*k! at Damn! ang mga salita mo...

71. Akala mo dati pag yumayanig ang tubig sa baso, si T rex sa jurassic park.....controlled blast lang pala

72.Pag incoming dead ma na lang sanay kana hehehe

73.Nakatatak na rin sa utak mo ang salitang How u Doing ng mga Puti.

74. Pag Winter gabi ka na maliligo dahil lagi ka ng nauubusan nag mainit na tubig sa umaga hahahha (tinanghali ng gising)

75. Sanay kana sa mga dumadagunding na tunog ng Blackhawk,Chinook ,Apache at Tanke di Gira!

76.Faborit Chichiria mo ang Cheetos at Doritos o Lays

77 .Sanay ka ng mangutang ng pambili ng phone cards

78. Dinamdam mo masyado nong pinatangal ang Skype.. (Loser!)

79.Sa Ofc kana mag putol ng koko mo pati sa paa

80.Pang huli wala kang ibang kinatatakutan kundi mga IT lang....ha ha ha ha



............ ..at ito na po ang kabuuan ng lahat ng karamihan ng kaututang tae ng mga Admin Personnel ng Iraq..tama na pewde? lol's

Martes, Oktubre 21, 2008

AstigPinoy Party

Nakaraang byernes may na dagdagan na nman ng edad sa aming tropang Astigpinoy si astig Marlon at astig Ritchie. ibig sabihin non tumanda na naman sila ng isang taon pero hindi ang isip ha, matandang batang isip pa rin tong mga to na katulad ko lol ,kaming mga astigpinoy pag may birthday di lang simpleng kainan lang ang mangyayari at tapos na, its should be one heck of a night.. hmmm dahil likas na makukulit,maharut at malikhain kaming mag ka tropa kaya kilangan may sayawan di man ito katulad sa ibang bansa o jan pilipinas na disco bar o club na magara here in iraq we do it in our own way kahit ano na lang basta may kumukutitap na ilaw yun na yun ang importante ay sempre ang mahalaga :) at maging masaya lang ang lahat ay ayus na....

let's party!!!!


Birthday party always held in our music room
and yes! we do have on and off lights (tingnan nyo sa taas ng pics)
Food is good luto ng tropa , nag tutulongan ang lahat sa pag hahanda lutong may hagod ng pagmamahal ek ek hehehe.


To astig Marlon & Ritchie mula sa inyong mga ka Astig at mula sa aming kaibuturan ng aming mga bituka at gamonggong kulangot binabati namin kayo ng maligayang maligayang..... hapi- birthday sa inyo mga Pare!!



"Sabado"

Sempre pag katapos ng kasiyahan kilangan din nating mag pasalamat sa ating poong may kapal kahit makukulit kami nag sisimba din naman kami, upang mabawas bawasan naman ang aming kunting kasalanan at baka yong iba uusok na pag pasok pa lang sa simbahan joke lang hehehe.. di naman im sure papa Jesus labs us all..

ito po church namin dito
Manny on Vocals & Guitar,Bomzz on Bass Guitar, Raul on Drums

"Linggo"

Isang birthday party na naman ang dinaluhan ng tropang astigpinoy sa ngayon ay nakikikain at nakiki buraot lang kami at semperds nakikiparty kilangan imbitado ang tropang astigpinoy dahil ang tropang ito ang nag bibigay buhay sa bawat kasiyahan, hindi kami yong tipong nakiki Eat and Run lang ,not for astigpinoy well be there to have some fun that's what party is ayts, dahil sadyang pinagtagpo kami dito sa iraq na pareho ang hilig sabi nga ng mga tambay ang buhok ng wetpaks natin at kilay ay mag ka rugtong ang tropang astigpinoy ganun din...lol.



Party was of the hook!!
Papormahan time.. hehehe



sa tropa talaga may naiiba hehehehe
and of course whenver there's a party there's always a DJ..... "DJ Boomzz"



"Lunes"
Pagkatapos nag lahat lahat ng harutan at pakipagbayuhan sa dance floor kilangan na namin mag pa fresh o kaya mag pa cool kahit mejo may kalamigan na ang tubig but that wont stop us.. hala sige! talon... ligo..dive.. it's swimming time.

Parang wala sa iraq ano? kong titingnan mo di ka mag kakaroon ng ideya na sa Iraq ang lahat ng ito diba? iraq its not what it looks like in the news ayt, at sa pamamagitan ng maikling kasiyahan panandaliang naiwawaglit namin sa aming isipang ang realidad sa aming kapaligiran dahil tayong mga Pilipino ay likas na masasayahing tao.. ito po ang isang linggong Trip/Tambay/Lakwatsa/Party ng Tropang Astigpinoy Iraq





Lagot ka! - Layouts and Images