Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Sabado, Enero 24, 2009

Debed KoK ng Amerikin Aydol

Concert nong isang gabi tingnan niyo na lang mga katuto .....











Todo ngiti bihira lang to.... si Debed to Boy! hehehe


Drummer nila at si Partner ko pala yang maliit sa kabila ko heheheh


Awtograp!Awtograp! plis!!


Rhythm Guitarist and Back up Vocal,Bomzz,Bass Guitarist,Lead Guitarist



Ayus na ayus diba? sa Iraq lang yan...hehehe
Di naman ako Big fan ni Debed , ni isa nga ala akong alam na kanta maliban sa Always be my baby lol's ala daw! kasi revival lang nman yun. sa totoo lang talaga wala kahit ni isa ( i search ko pa hehehe) iba kasi ang genre ng mga sounds ko na trip, Pero what the heck! sikat na sikat yan eh sino bang hindi manunuod huh? eh sa states nga pinagkakaguluhan,tinitilian, milyon milyon ang bumuto kahit nga sa pinas nakigulo rin sila lol's sikat nga eh! sa iraq pa kaya...


Kong ang iba nga mag bayad pa para mapanood lang kahit don na sa kasuluk sulokan makita lang aydol nila kahit gamonggo na sa layo ok na ,eh dito libre lang OO! di ka nagkakamali ng pandinig Libre lang mga katuto USO TOUR kasi yan eh kumbaga Support the Troops sila, kaya di ko pinalampas ang pambihirang pag kakataon nato. kita nyo nman lol's
Sulit na Sulit ang concert mga humugit kumulang more or less 10 ang mga kinanta niya ayus din pala mga Kanta niya gusto ko na nga sana syang aydolin eh pero ayoko! parin , aydol na aydol ko pa rin ang mga BisRockers (Bisdak Bands Bunal mga Sho!), at si Andrew E. hehehe


Bahala na lang kayo kong isipin niyo Photoshop yan o hindi dahil sabi ng kaibigan ng kaibigan ko na ka Opismate ko baka raw Photoshop. heheheh yung mukha ko sana gusto ko i photoshop umapila ang Photoshop ayaw mag bukas di yata kaya i photoshop mukha ko pagtiisan ko na lang lol's...di rin kasi ako marunong .... yun lang po mga katuto..



Salamat sa lahat ng Dumaan,Tumambling,Nagpasabog,Umepal maraming sandamukal uli na Tank'z! yo!










Miyerkules, Enero 14, 2009

Still


Wala akong naiisip na I posti kundi makiki epal muna ako yaman din lang isa din daw akong bayani daw!!??? na OFW pero sa mata ng buwakanang bits!! na gobyerno natin ako ay isang illegal worker “BAN eh ”, kahapon wala akong masyadonng ginagawa sa aking tambayan ,nag kalikot ako kay Kapuso Pinoyabroad talagang binutingting ko ang kanyang arkivo,sa aking pag kakalikot at pagbutingting kay pinoyabroad ang dami kong nakita, nabasa,napansin,napuna ang dami na palang nanawagan, sumulat,umapila,umepal, mula sa mga kapwa ko OFW dito sa Iraq , nag pahayag sila ng kanilang samut saring saloobin, patungkol sa lintik na “BAN” ang iba naman kong pano umangat ang kanilang buhay dahil sa pag tatrabaho dito , ito naman ang aking saloobin iisa isahin ko ang aking mga nakalikot at eepalan ko isa isa din lol’s

Sugal ng buhay sa Iraq- ito at sulat ng OFW na taga IZ- o mas kilala sa tawag nag GREENZONE, ang aking epal naman sa araw2x ng ating pakikipagsapalaran sa mundong ito ang buhay talaga ay isang sugal, minsan ikaw panalo minsan ikaw talo, pag punta ko dito sa iraq hindi man ito sugal dahil choice ko ito eh! oo andun yung takot at pangamba pero haharapin ko yun para sa aking pamilya , haharapin kong kasama si papa lord, dahil siya ang alas ko sa buhay. kong ako ang hari ang luvs ko ang aking queen at ang aking dalawang chikiting ang Par Jack, teka teka baka mapunta pa to sa Pusoy hehehehe.

Meron din silang website mga kabayan natin sa Greenzone atin pong bisitahin ang taga
Barangay ELPI . shout! out to all Brgy. ELPI members and to the ADMIN mabuhay po tayo!

Biyayang nakamit sa Iraq-ang sumulat nito malakas ang kutob at vibration mas matindi pa sa hokuspokus ni madam auring, kilala ko ang sumulat nito dahil sila lang ang kauna una unahang mga Pinoy (non-american citizen) na galing sa aming company na biniyayaan na ma direct hire , at kumita ng tumataginting na $$$$$ kilala ko sa mukha at pangalan ang isa dahil galing siya dito sa TAJI ,
Di man ako nabiyayaan nag ganung kalaking limpaklimpak na datung Masaya pa rin ako kahit papano kumikita din ako at naiiraos ko ang pang araw araw na pamumuhay. paulit ulit kong sasabihin mas maraming pang kababayan sana natin na makakamit ng biyaya na yun kong walang again again linktik na BAN na yan!

Pinalad sa pagpunta sa Iraq-ito naman mejo para sa akin naka inspired ang wento niya isipin nyo 3rd year high school lang natapos niya pero asan siya ngayon basahin nyo na lang wento niya, sa Pilipinas kaya merong ganito? mag aaply ka nga lang tindera/tindero college graduate pa ang kilangan ! leche with pleasing personality pa! nakaka relate ako kasi di rin ako tapos sa pag aaral oo ngat nakatungtong ako sa kolehiyo. iba parin ang may BS ,kakanta na lang ako ng “kong natapos ko ang aking pag aaral “DOON LANG”, hehehe

Ganunpaman mapalad parin ako katulad sa palad ng sumulat nito, napadpad at nakapagtrabaho sa opisina, kasi sa mga amerikano kahit tinitingnan din nila ang school background mo ang rason naman kasi ng mga puti as long as magampanan mo ang trabaho ng maayos at kaya mo i handle ang position na ibinigay sayo at nag titiwala din sila sa kakayahan ng pinoy basta susundin mo ang bawat rules and regulation ng company ok sa kanila. kaya mapalad ang karamihan dito sa iraq. kaya ang kasabihan sa bisaya “ pila ra may pad sa unggoy di ba moy? lol’s"

Apila ng OFW sa Afghanistan- di man ito sulat ng taga iraq iisa ang aming semento, este ah! sentemento dahil may again! again! and again! may lintik na “BAN” din ang Afghanistan. ramdam ko rin yung himutok at sintimento niya, yung sinabi nyang lagayan sa immigration di na ikaila yan lahat naman ng OFW siguro alam na natin kong anong klaseng tao ang mga nasa immigration natin.di nila inisip yun na di madali ang buhay OFW sana maintindihan niyo rin kami! please wag na kayong manghingi ng lagay pakainin po ninyo pamilya niyo na mula sa inyong pag babanat ng buto sa maayos na pag hahanapbuhay. (pasintabi po sa mga mabait,makatao, may puso at may takot sa diyos ng mga empleyado sa immigration wag kayong pahawa sa iba plissss?)

Di na rin ika ila dahil halos lahat ng mga kaibigan at ka kilala ko dito na bumalik galing bakasyun, lahat sila nag lagay sa escort service nila, akala ko nun ang mga politikong buwaya lang ang kukuha ng escort service pati pala sa immigration meron na rin. lol’s

sa personal ko naman na experience nong akoy nagbakasyun at bumalik dito, di ako nag bayad o naglagay nasa tamang proseso ang lahat pero nag isip din ako baka kasi kong anong kaik ikan ng mga taga immigration wala pa nman akong baon na pera para pambayad kong sakali magka abirya, baon ko lang lakas ng loob at tiwala dahil wala namang masama kong sabihin mo ang katotohanan ,naalala ko pa ang sinabi ng taga immigration sa akin

habang binulatlat niya ang passport ko nakadungaw ako sa kanya sa booth nakita niya passport ko na may tatak na entry ng iraq. tumingin siya sa akin di ko lang alam kong anong nasa isip niya, tiningnan nya ako siguro naawa dahil kaawa-awa din siguro ang mukha ko lol's naalala ko pa rin ang suot ko lang nun t- shirt na may tatak na CEBU, naka short at naka tsinelas lang. parang gagala lang ako sa kapitbahay sa ayus ko. o kaya yung gusgusing OFW hehehe.

nagtanong siya sa akin

immigration-anong gagawin mo sa Dubai?

ako- mag tatrabho po

immigration- anong trabaho? eh visit visa ka lang

ako- pag dating ko don mam mag babantay muna ako sa anak ng pinsan ko habang wala pa silang makuhang katulong bago ako mag aaply sa iba,(sempre kasinungalingan na lang yun dahil iraq naman ang punta ko)

immigration- wag ka lang mag illegal don.

Sabay tatak sa passport oopsss lusot ako walang abirya O sadyang mabait lang talaga yung matandang babae na yun hehehe, sana marami ang tulad pa sa kanya na kahit may nakitang tatak ng iraq sa passport hindi pumagting kaagad ang bulsa di pera agad ang sasagi sa kukuti. (bisaya ang aming usapan dahil sa Cebu Airport ako dumaan buti na lang di sa NAIA) dahil magtatagalog ako sa manila hahahaah LOL"S talaga!



Walang silbi/kwenta ang BAN- oo nga naman walang silbi o wenta ang uli! lintik na "BAN" na yan dahil maraming paring mga kabayayan natin ang labas pasok sa iraq. dahil na rin sa mga buwaya sa atin na binabayaran, pero mas masarap pa rin mag bakasyun ka at may babalikang trabaho.

Hanggang ngayon wala pa kaming naaninag o kahit kunting pag asa o maramdaman man lang na ‘BAKA?OX? o at least ma feel mo na meron ngang pag asa! na ma lift ang again! lintik na BAN na yan, buti pa sa mahjong sigurado pag sinalat mo ang petsas! at nasalat mo magulo oh ito bolbol (grass ba yun?), o kaya pag na feel mo matulis ito dager saksak niyo sa kuyukot nyo at least sa mahjong may sinasalat pa lol’s pero sa gobyerno natin wala, lawa,talo,olats, walang masalat wala kang mahita kahit katiting na dumi man lang sa koko nag mag sabi na may pag asa pa, talagang wala aahhhh!! isa pang aaaaaahhhhhhhhhhhh!!!,


OO alam ko! nabasa ko na rin yun sa pinoyabroad na sasabihin nila pinapangalagaan lang nila aming kapakanan at safety sa mga OFW oh really? unahin nyo muna ang mga kababayan natin na nag tatrabaho sa bahay sa ibang lugar ng middle east dahil sila ang mas kilangan pag tuonan nag pansin, sila ang pinakamaraming karahasan natatamasa sa kanilang mga walang pusong mga amo.

teka mahaba na yata ang epal ko tama na siguro ito tanggap ko naman na STILL NOT ALLOWED TO TRAVEL TO IRAQ pa rin dahil ek ek lang nman yan eh! lol's

Sabi ko eepal lang ako diba? opinyon ko lang po to ha bilang isang O-IP-DOBOLYO din.

Linggo, Enero 4, 2009

Time to go!

Sa pag aabroad o pangingibang bansa ang tanging mong malingunan o sandalan ay ang mga taong naging malapit sayo, yun ay ang iyong mga kaibigan, dahil sa buhay O-IP-DOBOLYO ang kaibigan mo lang ang una mong matakbuhan ang kaibigan mo ang iyong instant na pamilya dahil malayo ka sa tunay mong pamilya, kong kilangan mo anjan ang kaibigan para damayan ka, kasama, kaagapay sa kasiyahan at sa problima.

Kahapon umalis na aking ka tropang trompong si rockingworms pauwing pilipinas at tutungo rin siya sa kanyang bagong hamon sa buhay at kanyang carreer, mag kahalo ang aking naramdaman andun na yong Masaya na malungkot,masaya ako dahil makikita niya na pamilya niya. malungkot dahil sa tagal ng aming pagsasama sa arawaraw sa trabaho . wala na akong ka buddy at mabawasan na naman ang tropang astigpinoy paunti na ng paunti ang tropa, ganun pa man talagang ganun ang buhay parang layf :) may kanya kanyang guhit ng bayag lang yan may aalis at may maiiwan.


Sa kanyang pag alis may iniwang magandang bakas at alaala sa aming mag ka tropa. sa kanyang pagiging mabait na bata at masunurin na makulit na matanda hehehe,matagal na ring ang aming samahan dito sa iraq mag ka kilala na kami ni rockingworms noong 2006 pa, mula non naging malapit na magkaibigan na kami at magka tropa kami sa Tropang Astigpinoy ,siya ang aking ka buddy sa gym sa pag lalakad tuwing summer mula sa trabaho hanggang sa aming hooch, maasahan siya lalo na sa mga kasiyahan o salosalo ng tropa. kaya nalungkot din ang tropa at semperds, siya din nakikita ko sa kanyang mga mata niya dahil mangiyak ngiyak na hehehe namumugtong mata na nga,Men ma mimiss ka namin
..

Mga alala at makabagbag damdaming mensahe mula sa tropang Astigpinoy

Mula kay Marlon "Rockingworms"



Mula kay Bomzz


Mulay kay Joel

Mula kay Richie rich

Mula kay Dodong Manny

Mula Kay Dodong Len2x


Mula kay Rio of Dammam KSA



Mula kay Raul ang Drummer na maluffit :)


Mula kay Astig na Susan (Pinas)



(Please clik the Pics for larger view)

Naging totoong kaibigan ka sa lahat maayos kang makisama, nakikibagay sa bawat isa at isa siyang malaking instrumento sa pag tigil ko sa paninigarilyo kahit di niya ako pinapayuhan or pinipigilan yung presensya niya na di siya na nigarilyo malaking tulong na rin sa akin yun, ika nga kong gusto mong iwasan ang bisyo sumama ka sa mga taong walang bisyo,tahimik siyang tao, mahiyain, soft spoken pero natural na kalog madaling maka isip ng kalohohan kaya don nag klik ang aming pagkakaibigan, sa pag hihiwalay ng aming landas pareho kaming may natutunan sa bawat isa.


Men Maraming salamat good luck! no good bye's ....I will see you later

(Wag mo kalimutan ang application ko follow up mo ha! hehehehe)
mga blog kana rin pagdating mo don



Senti na sana ang lahat sa kanilang mga mensahe ng biglang nag Pop-up ang email na to..

Nagutom tuloy ako oy! Lucky Me! Pancit Canton sa Iraq hmmm utangin ko na to bihira lang kasi to mapadpad ang pancit canton dito.... kaya cantonin kona to hehehehe
Happy three Kings!!!!




Lagot ka! - Layouts and Images