Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Linggo, Enero 4, 2009

Time to go!

Sa pag aabroad o pangingibang bansa ang tanging mong malingunan o sandalan ay ang mga taong naging malapit sayo, yun ay ang iyong mga kaibigan, dahil sa buhay O-IP-DOBOLYO ang kaibigan mo lang ang una mong matakbuhan ang kaibigan mo ang iyong instant na pamilya dahil malayo ka sa tunay mong pamilya, kong kilangan mo anjan ang kaibigan para damayan ka, kasama, kaagapay sa kasiyahan at sa problima.

Kahapon umalis na aking ka tropang trompong si rockingworms pauwing pilipinas at tutungo rin siya sa kanyang bagong hamon sa buhay at kanyang carreer, mag kahalo ang aking naramdaman andun na yong Masaya na malungkot,masaya ako dahil makikita niya na pamilya niya. malungkot dahil sa tagal ng aming pagsasama sa arawaraw sa trabaho . wala na akong ka buddy at mabawasan na naman ang tropang astigpinoy paunti na ng paunti ang tropa, ganun pa man talagang ganun ang buhay parang layf :) may kanya kanyang guhit ng bayag lang yan may aalis at may maiiwan.


Sa kanyang pag alis may iniwang magandang bakas at alaala sa aming mag ka tropa. sa kanyang pagiging mabait na bata at masunurin na makulit na matanda hehehe,matagal na ring ang aming samahan dito sa iraq mag ka kilala na kami ni rockingworms noong 2006 pa, mula non naging malapit na magkaibigan na kami at magka tropa kami sa Tropang Astigpinoy ,siya ang aking ka buddy sa gym sa pag lalakad tuwing summer mula sa trabaho hanggang sa aming hooch, maasahan siya lalo na sa mga kasiyahan o salosalo ng tropa. kaya nalungkot din ang tropa at semperds, siya din nakikita ko sa kanyang mga mata niya dahil mangiyak ngiyak na hehehe namumugtong mata na nga,Men ma mimiss ka namin
..

Mga alala at makabagbag damdaming mensahe mula sa tropang Astigpinoy

Mula kay Marlon "Rockingworms"



Mula kay Bomzz


Mulay kay Joel

Mula kay Richie rich

Mula kay Dodong Manny

Mula Kay Dodong Len2x


Mula kay Rio of Dammam KSA



Mula kay Raul ang Drummer na maluffit :)


Mula kay Astig na Susan (Pinas)



(Please clik the Pics for larger view)

Naging totoong kaibigan ka sa lahat maayos kang makisama, nakikibagay sa bawat isa at isa siyang malaking instrumento sa pag tigil ko sa paninigarilyo kahit di niya ako pinapayuhan or pinipigilan yung presensya niya na di siya na nigarilyo malaking tulong na rin sa akin yun, ika nga kong gusto mong iwasan ang bisyo sumama ka sa mga taong walang bisyo,tahimik siyang tao, mahiyain, soft spoken pero natural na kalog madaling maka isip ng kalohohan kaya don nag klik ang aming pagkakaibigan, sa pag hihiwalay ng aming landas pareho kaming may natutunan sa bawat isa.


Men Maraming salamat good luck! no good bye's ....I will see you later

(Wag mo kalimutan ang application ko follow up mo ha! hehehehe)
mga blog kana rin pagdating mo don



Senti na sana ang lahat sa kanilang mga mensahe ng biglang nag Pop-up ang email na to..

Nagutom tuloy ako oy! Lucky Me! Pancit Canton sa Iraq hmmm utangin ko na to bihira lang kasi to mapadpad ang pancit canton dito.... kaya cantonin kona to hehehehe
Happy three Kings!!!!




23 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kanya-kanyang guhit ng bayag? hehe. :)

Bomzz ayon kay ...

@ oy si ma'am Josh oo kasi uuwi siya tapos aalins at pupunta sa ibang lugar at may nag aantay magandang position trabaho at semperds ang sweldo heheh kaya kanya kanyang guhit ng bayag lang yan ...swerte...

yAnaH ayon kay ...

wala akong masabi kundi .. parang nalungkot din naman ako...
iniisip ko, ganyan din kaya ang sasabihin ng mga kaibigan ko dito kapag ako naman ang umalis o baka marelieve sila dahil mawawalan na sila ng sakit ng ulo hahaha

Kosa ayon kay ...

oo nman.. nakikiisa ako sa pagka-miss nyo sa isa ninyong kakosa..

kinikilabutan ako habang binabasa ko yung kwento mo.. taena.. ganyan na ganyan yung nangyari sa trabaho namin nun... kung kelan ka-close mo na yung isang katrabaho tsaka nman sya aalis...

pero tlad nga ng sbi mo idol, kanya kanyang guhit yan... my dumadaan sa shortcut at meron din nmang dadaan liko-likung daan..

well, buhay OFW eh sobrang masaya na malungkot na ewan.. basta ang buhay ofw eh parang bahaghari yan! makulay pa sa sinabawang gulay ni nanay!!!!

smile lang ng smile idol

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Yanah sa ko di nman siguro mabait na makulit ka ring matanda. kaya ma miss ka nila.. hehehe


@ Aydol Kosa- oo nga ganun talaga buhay o-ip-dobolyo.. kasi kami talagang dalawa ang mejo mag kalapit na tropa kaya mejo nalungkot din ako.. ays lang yan may chikka at YM nman hehehehe
salamat Aydol kosa sa pag dalaw mo at comen

PaJAY ayon kay ...

Uuwi rin tayo dre balang araw...lol

lang buwan pa ba bubunuin mo jan?

Bomzz ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Bomzz ayon kay ...

@ Pajay hahaha oo nga uuwi rin tayo, may walong buwan pa akong bubunuin Bai (hopefully)

ikaw ilang buwan na lang din?

I am Bong ayon kay ...

ang sweet naman nila kahit mga barako. hehe

happy new year parekoy.

friends come and go but the friendship and memories stay!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ I am Bong - mga barakong bata pa kami hehehe ganun talaga buhay OFW.
salamat sa pag dalaw at pag comen

poging (ilo)CANO ayon kay ...

nakakalungkot naman, sa totoo lng naluha ako sa kwento mo, na mis ko tuloy ung family ko sa pinas..

ganyan tlga buhay ofw, parang lyf din may lungkot at saya!

basta lagi nating tatandaan kabayan, pogi tayo san man sulok ng mundo kahit tayoy iniiwan ng ating mga kaibigan.hahaha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

naku nagliliwaliw na siguro ngayon sa pinas yong kaibigan nyo.

iba talaga ang samahang barkada.

Bomzz ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Bomzz ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Bomzz ayon kay ...

@Poging Ilocano naluha ka ba? hehehe
kaibigan lang talaga ang ating sandalan sa abroad, lahat nman tayo uuwi sa ating bayan may mauuna nga lang.. heheh salamat sa pag comen, mabahagian na ako pagka pogi mo.. POGING BISAYA NA AKO ehehehhe


@ Eli unang una salamat ng marami sayo sa laging pag dalaw at comen nasa baghdad pa siya di pa daw dumating yung sarter plin .. stranded pa..

RJ ayon kay ...

May natutunan ako ngayon: guhit-bayag.

Malungkot na nga ang kanyang pag-alis dinagdagan pa nitong mga mensaheng ipinaskil mo pa rito. Whew! =,(

Kailan ba ang Parti, Parte, Partae, Part 2?

Bomzz ayon kay ...

@ oy! Wow napadalaw si Doc
para kasi mapaskil ang mga kanilang semento este sentimento..

ang part 2 papalipasin ko muna na mejo di na napaguusapan ang pasko para maiba hehehehe

abe mulong caracas ayon kay ...

dont worry magkakaguhit din ang bayag mo parekoy pabalik ng pinas!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Ka mulong hheheh oo nman uuwi din ako.. salamat sa dalaw at comen

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Boss, pinaiyak mo ako.
Sana ikaw naman ang umuwi dito. Pero syempre, kailangan munang kumayod para sa pamilya.
Kapag magaling makisama at walang ipinakisamang masama, nakakamiss talaga diba? Ganyan din siguro ang mararamdaman nila kapag ikaw naman ang umuwi. Good luck on your endeavors!

Ingat pareng Bomzz!

Heto yung itinatanong mo na mga blog ko. Tatlo lang muna ang inilagay ko. Hehehe. Baka bumaha dito pag inilagay kong lahat.

http://quit-drinking-alcohol.blogspot.com/

http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/

http://isangplatitongchopsuey.blogspot.com/

Siyangapala, balak kong gumawa ng isang blog na pang OFW. Pwede ko bang gamitin yung "O-IP-DOBOLYO" mo as title?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Bro Mike salamat sa pag dalaw
mabait kasi yung tropa kong yun tahimik na ugag ganun yun hehehe


Sure Bro mike gamitin yang O-IP-DOBOLYO ayus yan naisip mo tatambayan ko yan salamat ng marami uli

pusangkalye ayon kay ...

grabe---laking pagkakamali ko---binasa ko uli ng maayos at dipala ikaw ang uwi ng Pinas kuya Bomz---nacarried away akong masyado ng title last time~~~~

yun pala---katrabaho mo yun.
hmmm....what can I say?
sad---pero ganun nga talaga buhay. kailangan lang tanggapin na di lahat ng kakilala at kasamahan natin ay makakasama natin habangbuhay kasi iba iba tayo ng destinasyun at circumstances sa buhay. and importante---yung magandang pinagsamahan. kai nakatatak na yun at dina mawawala kelanman~~~~

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Pusang Gala - hahahaha ganun ba may 8 month pa ako bubunuin pra ako nman ang uuwi hhehe salamat sa dalaw

Lagot ka! - Layouts and Images