“Anak ang Baon mo sa skol nakahanda na wag mong kalimutan”
Diba kay sarap pakinggan?
Nakaka miss ang mga ganong salita sa tuwing umaga pag pinaghahanda tayo ng baon ng ating ulirang ilaw ng tahanan lalo tayong excited, ganadong ganado, papasok sa skol lubusang gaganda ang ating umaga lalo’t sa bawat baon na ating bitbit kasama na rin ang pabaon ni inay na pagmamahal,pag-aaruga,pag-aasikaso at baon na rin ang kanyang payo na magpakabait sa skol wag makulit para di mapingot ni teacher “uso pa pingot non” yan ang pabaon ni inay na di natin makakalimutan
Di ko man lubos naranasan ang ganong mga tinig ng aking inay sa tuwing papasok ako skol noon, dahil binawi na siya sa amin ni papa lord ng maliit pa lang kami, subalit ito’y binunuan naman ng kapatid ng mama ko siya na ang pumuno sa kawalan ng aking inay. gumabay at ginampanan niya ang lahat maging ina sa dalawang pamilya ang sarili niyang pamilya at kami..sa kanya ko ulit narinig ang “anak ang baon niyo sa skol nakahanda na” at ngayon akoy may sarili ng pamilya ang aking luvs naman ang magsasabi sa aking dalawang chikitings “anak ang baon niyo sa skol nakahanda na”
Di ko lang akalain sa pag aabroad ko at sa edad kong ito at sa panahong ito manumbalik ang lahat maririnig ko muli ang mga linyang ito “oh! mga baon niyo sa skol wag kalimutan” ang pag kakaiba nga lang wala na yong malamyus na tinig ni inay wala na arin ang salitang “ANAK” napapalitan na ito ng “Pare!Kabayan! mag baon ka sa skol para bukas sayang to maraming sobra!

Tirahin na natin ito baka tirahin pa ng iba ,sabay kanya kanyang hakut at balut ng babaunin. para may mabogchi sa trabaho kinabukasan minsan nakakahiya pero kabayan isang plato pa umapaw na eh. lol’s
Nag umpisa ito sa dahilang para rin kaming mga estudyante dito sa iraq pag papasok sa umaga hinahatid ng bus at pag katapos ng trabaho sinusundo ng bus at para ding mga batang nagkukulitan sa loob ng bus o madalas tsismisan lol’s minsan pag binabalaan ng driver na wag ilabas ang mga kamay sa bintana baka mahagip! hahaha, ako man sa sarili ko pag pasok ko sa skol este! sa trabaho may daladala akong baon,para di gutumin habang tumu-nganga sa harap ng PC,
Ito ang naging word of the Town dito sa iraq lalo na sa tropang astigpinoy pag may handaan, kainan “ang baon sa skol wag kalimutan”
Sa tuwing may birthday o handaan dito sa Iraq ka kilala man o hindi basta Pinoy, imbitado ka basta pumunta ka your in!, semperds ang inyong lingkod ay malakas ang apog, at makapal ang _____? kayo na bahala kong ano idugtong niyo hehehehe (wag lang brutal ha).
lagi kong iniimbita ang sarili ko sa ganitong okasyun at pag may nag tips sa akin na may handaan, on the way na kaagad yan at dahil akoy likas na palaboy at maraming ka achukaran-kaibigan,-katutu-katropa- kakilala kahit hindi! basta pag dating sa venue ng Party. batiin mo kaagad ang celebrant at ipangalandakan kaagad ang Universal name ng mga Pinoy ang Kabayan!
Happy Birthday!
Happy Birthday!
anong balita jan.??