Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tag. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tag. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Abril 27, 2009

Pito-Pito bago mag Walo-Walo...

basta may otso yun na yun..hehehe



Kumalat na to sa blogesperyo na parang epidemya..ang Walo-Walo.....walo walo fever. na yata? kahit. saan ako mag punta 8 nakikita ko..kahit nagkadulingduling na ako 88 pa rin nakikita ko....well pinoy ako eh kaya kong anong IN sakay na!...lols...sa lahat ng tag sa akin maraming salamat...... aheemmm...
Bhing,Jen of Apshie,Kape at Yosi,Tsariba,.....daghan kaayong salamat......tapos na kuaresma pinahirapan niyo pa ako sa tumang.. kalisod heheh binisaya tuloy!!..heto na.. tama na sa mga paserko balentong kong intrada....

8 things I'm looking forward to:

1. Bilang isang O-IP-DOBOLYO tinatanaw lagi ang MAKA-UWI sa Lupang Sinilangan
2.Makasama ko Luvs at Chikitings ko
3.Mapinturahan ko ng sarili munting ang bahay namin.at kunting re-touch kunting ayos..
4.(tapos na ang #3) Lilipat na kami sa Pinapangarap naming munting tahanan ng Luvs ko,(Proud to Say it’s our Home, katas ng Iraq)
5.Magpahangin sa biranda ng aking munting tahanan..
6.Magtayo ng Munting Kumikitang kabuhayan
7.Kumain ng SUTOKIL……
8.Looking Forward na kumain kami sa Jobee at sa favorite restaurant ng luvs ko ang Same Place Restaurant don sa bayan namin

8 things I did yesterday:

1.Tinanghali ng gising kaya.. 5 minits ligo 5 minits bihis 5 minis papunta ng Bus Parking area (patakbo nakahabol pa rin)
2.Bukas PC text si Luvs….bukas Outlook kunwari.......bukas Blog..... hop….hop…hop…(Routine)
3.Kunting trabaho sa trabaho (uwian n!a)
4.Nagsimba (Pasalamat muna)
5.Naki eat and run sa isang kainan…(sabay greet happy birthday!…)
6.Umuwing busog palakad lakad sa hooch muna para matagtag ang kinain..(may sipol pa yan)
7.Bukas TV (AFN)..nuod basketball NBA sabay ngat ngat ng paboritong tsetserya… cheetos...
8.Naglaro sandali ng Etitstation…… maya-maya…ZZZZZzzzzzzzzzzz…


8 things I wish I could do:

1.Nakawin ko ang magic carpet ni Aladdin para sakyan pauwi ng pinas kahit sandali at balik agad.. masiil lang ng isang halik ang luvs ko.and. So….on…. So… Forth…..(grin lol’s)
2. shhhhh
3.shhhhh
4.shhhhh
5.shhhhh
6.shhhhh
7.shhhhhh
8.Balato niyo na lang sa akin to..……God knows sa iba kong mga Winiwish …I grant niya yon.. for sure……



8 shows I watch:

1AFN Sports
2.AFN Movie
3.AFN Spectrum
4.AFN Extra
5.AFN News
6.AFN Music Channel
7.AFN…..nakalimutan ko…
8.AFN…. I Forgot ko….hehehe

ARMED FORCES NETWORK Kumpletos rekados na halos lahat ng Shows sa Isteyts... anjan sa mga channels na yan..


wala ako papasahan uli nito…kasi epidemya na eh… pag may pag kakataon gaganti din ako lol’s…..

di ko na ni link lam niyo na....yun na yun...hehehe


Salamat

Bomzz

Sabado, Marso 28, 2009

Halo-Halo Lang...

"Masama ang aking pakiramdam pilit kong ayaw pakiramdaman itong aking naramdaman dahil mahirap ang may dinaramdam eh talagang nagpaparamdam”

Ang gulo enoh? nito kasing mga nakaraang linggo,araw ,oras,minuto at segundo nawala sa wesyo ang matsong matso na payat na mataba kong katawan at lalong nawala ako sa ta-mode lol’s (na naman!) dahil narin siguro ito sa pag palit ng panahon dito sa malawak na lupaing deserto nag uumpisa ng mag hari-harian si haring araw.kaya hayun rumanpa,sumemplang,tumambling muna ang apat na magka berks si sipon,sakit ng (bayag) ulo,lagnat, at ubo.. ubo! ubo!,.. naubo tuloy ako... Alak-san wer na u? me sakit me! lol's.

Ito pa naman ang hirap sa buhay ng mga
O-Ip-Dobolyo mag isa ka lang sa ganitong laban walang asawa,anak o magulang at kapatid na mag aalaga,your on your own ika nga (inenglish ko lang hehehe) sa ganitong karamdaman at sitwasyun di ko maiwasan maalala at ma miss ang uminon ng royal tru-orange (family size) at may kasamang skyflakes o kaya marie sabay inom ng medikol.(puntong bisaya) na tinununaw at ilagay sa kutsara pag di kinaya ang pait sabay sundot ng isang kutsaritang asukal lol’s (naalala mo noh?) eh! nasa poder tayo ng ameriki kaya sangkaterbang taylanol at adbil ang tinugga ko, ooppss!! nasa poder nga pala ako ang ameriki it's not adbil it's eeeyyyddddViyellllll!!!!!! kunting slung at may kasamang landi hahahah......


Pag ganitong masama ang pakiramdam pag kasarap sarap pa namang humilata ng magdamag... dito naman kasi tsk! tsk! kahit me sakit pilit bumangon kilangan hilahain ang katawan palayo sa higaan kilangan pumasok sa trabaho eh di naman pedeng mag padala ng excuse letter o kaya I text na lang si Bossing.na bossing me no coming work today me sick teka-teka nahahawa na ako sa english itik ah! lol’s(bawalditoangcelepono). at sempre ang ugaling pinoy laging tayong may salitang Sayang!....sayang din kasi! proud!



Sa kasulukuyan po habang sinusulat ko ito mejo okay na ako humupa na at umaayus na ang aking wankata. sa shortcut na sabi na re-charge na ako o kaya na right klik refresh na ako! huking huki na at bagong hasa pa ang ulo ko (bembol roco na lols) at lumipat ako ng bagong room at semperds bagong roomates rin ( mga bisaya) kaya oks na oks....

Ganunpaman kahit wala man sa tabi ang mga mahal ko sa buhay para alagaan ako alam ko nman kasama ako lagi sa kanilang mga panalangin. at alam ko kaya ko rin menor de sakit lang ang mga ito yakang yaka to'its sempre sa gabay din ni papa lord....


Sa aking pag muni-muni pag papahinga at pag kawalasatamode, dito sa mundo ng blogesperyo wala parin akong nakaligtaan sa mga banat niyo palihim pa rin akong dumadalaw, nagmamasid at semperds basa basa (di nga!?). oo naman aking ngang napag alaman na kinasal na si Alma Moreno kay Mayor...di kay Mayor Joey kundi yong Mayor ng Marawi, ang hilig niya sa Mayor baka susunod niyang pakasal yong Mayor na ng Bilibid hahaha.oh! alam ko yun! sa mga ka bloggers ko pa kaya?

Nga pala pag paumanhin po sa lahat ng Tag sa akin, kay POPE ang bagong nating kabayan,kaibigan sa mundo ng blogesperyo, Poging Ilocano , Apshie pasensya na po kayo mejo natagalan ito, heto gagawin ko na lol's (di ako napilitan ) hehehe sabi nga huli man daw at magaling salary deduction pa rin niyahahahaha..

TAG/Sulat kamay/Graphology sabi ni Pope/Vandalismo/ ito ang tawag nila pero ang tawag ko dito ay Kudigo lol's dito ko sinusulat ang mga sagot noong hay skollayf ko hahahaha.







Wag ng OA sa tranlation ko! at penmaship ko huki? sabi nag ni pareng LordCM masyado na tayong seryus kaya wag ng mag KJ yaan na lang natin yan sabayan pa ng Why so Serious? ni POGI!.. at baka mag tanong kayo baka lang naman yang "keep the faith" jan ko talaga isinulat sa ring finger kasi jan tayo sinusubukan ng ating Faith sa mga asawa natin heheh.... di dahil wala ng espasyo hehehehe palusot pa eh pis!!....

Wow Eggs! este! Legs pala...ito nman ang tag ni Poging Ilocano sa akin....








Wag ng OA! uli ha! yan na lang ang pics ko na di makikita at di halata ang mala dos pesos na coin na mga peklat ko. isang alaala na lang din ang pics na yan sa dati kong room. at sa roomate kong feeling cameraman (otographer hehe) kahit sa pag suot ko ng sapatos kinunan feeling ko tuloy model ako ng nike niyahahahaha..... hayyyy sa wakas tapos na ako sa aking mga ka Tag tagan...



Bago ko tapusin ang mga ka ek ek kan inimporma ako ng luvs ko na Earth Hour pala, mag uumpisa ngayong alas otso ymedya ng gabi local time kahit saang sulok kaman ng mundo ngayon, kong gusto mong makiisa sa panawagan nato patayin mo lang ng isang oras ang inyong kuryente/ilaw/ref/tv/ercon/fan-naelektrik/calculator/celpon/kaaway/kapitbahay isang oras lang nman eh wag KJ! wag lang patayin sa sindak si barbara niyahaha, ito'y bilang pagsusuporta at pag bibigay kaalaman patungkol sa usaping Global Warming teka teka tunog manunulat na yun ah. lol's basta yun na yun,wala man lang akong kamaymalay sa mga pangyayari sa mundo lol's tinanong ko mga ka opis mate ko baka sakali sila may alam tungkol dito naku! napatunganga pa ano daw yun? pareho kami walang alam hehehe( luvs thank you). sa tingin ko at malamang di pede maki isa ang buong Iraq sa panawagan na yandahil baka yan pa ang magiging metsa sa pag hasik ng lagim ng mga teroringsta!



Nakikiisa din ako kahit di ako mag tuturn off ng lights kasi nasa simbahan ako ng mga oras na yan....hehehe pag uwi ko na lang, ang sabi naman ng luvs ko di daw siya mag turn off ng lights kasi natatakot ang chikitings namin, at saka naka ilaw pa rin daw ang mga nasa kapitbahay namin pinaburan ko na lang. Happy Earth Hour.......


Sa lahat ng mga dumaan,tumambling,bumisita o was here maraming salamat sa inyo, pinag tyagaan niyong bisitahin ang blog ko kahit inaamag na hehehe sa lahat ng mga katutu ko sa mundo ng Blogesperyo at sa mga darating pa na maging katutu ko rin maraming salamat.... nakikiisa rin ako sa pahabaan ng post ni Proff Pajay at Lord CM lol's Pis!..... salamat din sa bumasa.....



Keep the Faith...........


Bomzz




Huwebes, Pebrero 19, 2009

Sa Blog nga Naman

Sa Blog nga naman......................... kala mo kong ano na hehehe taytol lang yan kaibigan.. di yan ang totoong pakay ko o tema ng aking wento, nitong mga nakaraang araw kasi may mga taong nag aamok sa aking mga kapitbansa.

Habang ako namay atubili sa aking mga gawain at pag asikaso sa kunting aberya sa buhay buhay (kunti lang naman napawi din). di ko napansin ang kapitbansa kong nag amok na si Pogi at Yanah nasa likod ko na pala.. may dala dalang Itak at winawasiwasss! hayunnnn! bigla na lang! Tag!!!-(a) ako.. kaya ito gagamutin ko muna.. gaganti din ako.Lintik lang ang walang Linta! lol's

Tag Name Game daw may batas pa! nga naman "OO!" hehehe, Ilista ko daw ang pangalan na tawag sa akin ng mga tao at isulat ko kong sino ang (salarin) taong tumawag sa akin ng pangalan na yun.. yun ba yun?? ewan! basahin niyo na lang tsk tsk sensya nagulo utak ko english kasi yun rules nila eh! heto na ..baka nalilito na rin kayo.. hano? sensya na uli hehehe..

Lang- yan ang tawag sa akin ng Ismi ko, yan ang pinaiksing salita ng bisaya na (Langga o Palangga) pag naglalambing hmmm..

Luvs- tawag din to sa akin ng Ismi ko ( yan ang aming tawagan)

Boom- Ang tawag rin ng aking Ismi pag galit! na siya sa akin.pag narinig ko na yan gawa na ng Alibi lol's.

Bombet- Ang tawag sa akin ng Erpats at mga kapatid ko. at sa mga taong malapit sa buhay ko O! ayan may idea na kayo kong bakit ang blog ko Bomzz-in-Iraq ang pangalan . tama lang talaga kasi nuon dito mejo maraming pang pa Bomzz! ang mga teroring! (mortar madalas! kaya yun naisip ko, parang yung sa Komiks noon Pratatatatatatt tattatattt boomzz bomzzz! hiya!!! tigidig tigidig..hahaaha)

Jhim- Ang tawag sa akin ng mga tamad.ayaw tapusin pangalan ko

Jhimbo- Ang tawag sa akin ng mga ka tropa ko dito sa iraq (astigpinoy)

Bo-Ang tawag sa akin ng kaibigan kong Fil-Am na sundalo dito eh tamangtama Ilonggo siya (Toto), pag tinawag niya ako BO!! TO! bakit? sagwa noh?..hehehe

Pareng J o Pare- Ang tawag sa akin ng Pakner ko sa opis na si engot Dodong Len2x lol's( len wag ka makialam blog ko to gaganti ka? Mag Blog! ka lol's)

Bong-Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko nong nag layas ako sa Leyte (back in the day)

Dodong Jhimbo- Ang tawag sa aking kaibigan kong si Dodong Manny Lead guitarist at Lead Vocalist namin sa Church. (mga bisaya kasi)

Bombeto- Ito ang tawag sa akin ni Mama Berling ko nong maliit pa ako,

Big- J- Ang tawag sa akin ng isang americano naming kasama sa Dept,


KuyaBomzz,Tito Bomz,Pareng Bomzz- Ang kadalasang tawag sa akin dito sa Blogesperyo. ma respeto lang talaga at profesyonal ang mga tao sa blogesperyo. o talagang Welcome to the Club na ako lol's

Ito nagamot ko na ang isang Tag(a) sa akin may isa pa... heto...

Mag sulat daw ako ng sampung bagay tungkol sa aking sarili ang siyam nito ay kasinungalingan isa lang ang Totoo teka2x baliktad yata.. hmmm?? kayo na bahala... the readers will digest the story wat??? hehehehe. sige gagamutin ko to uli, mejo malalim ang pagka taga kaya malalim din ang pag tatahe ng wento.

Babala lang: Mamula ka hanggat gusto mo! Tag ko To! In English Read at ur own Risk Tag ko To!

1,May Asawa at dalawang anak na ako. ipagyabang ko na magaganda sila mana sa Papa nilang Guapo (gamit na masyado sa blog ang Pogi lol's), Luvs sensya na Blog ko to ako ang Bida dito, wag kang mag alala ikaw naman leading lady ko eh. hehehe

2, Paborit ko ang SuT-To-KiL...... relaks di ako mamamatay tao, yan po ang tawag sa bisaya sa putaheng Inihaw na Isda,Tinolang Isda, at Kinilaw na Isda. (sarap lalo na ang kinilaw at templa ng luvs ko hmmm gutom tuloy...ako)


3,Mahilig ako sa hip-hop clothing,nag koleksyon rin ako ng Football Jersey.mahilig din semperds sa Hip-Hop music (di yung mga nagmumura na lang),R&B, Reggae,Old Skol,Love Song Music pero I love BisayaRockers!.(nasabikonato)

4,Membro at Founder ako ng pinakasikat na Dance Group noon (The Shaker Boys) sa lalawigan namin 15 Years ago.(kaibigan walang iwanan kahit malaki na ang mga tiyan tuloy ang sayawan .our iwa motto)

5,Two time's Table Tennis Champion ako (2008) at isang Second (2006) dito sa Campo namin,(nakatsamba lang)

6,Merchandizer ako sa LadysChoice at Selecta Ice Cream, noong di pa ako sumuong sa buhay O-IP-DOBOL-YO!

7,Naging kaladkaring waiter ako sa Dubai at naging isang taga Kiskis-pakinis sa isang furniture company sa Al Quos Dubai noon.

8,Gusto kong mag Aral at Matuto sa trabaho ng mga Astig! na Graphics Designer o tapusin ang pagiging Teacher ko.di pa huli yata hehehe

9,Muntik ng makulong dito noong 2005 dahil naiwanan ang ID ko,buti na lang mabait ang mga MP napakiusapan (naubusan ako ng english sa paliwanag ko nun No malom english!hehehe).wheewww!

10. Dahil ayokong mag sabi ng kasinungalinagan (nakss) ito na lang pangsampo ang magiging kasinungalingan ko. this is a Lie! i repeat this is A lie! (brek! dah Rowls yo! lol's)

Sa wakas natapos din..ang mga Tag-(an) nato,pinahirapang ako sa Tumang kalisod (bisaya lang ka intindi) olrayt's that's all poks. kayo na bahala uli wala ako sinabing kasinungalingan. kayo na ang mag pasya...

hayyyy ang Blog nga naman.........di ko ito ipapasa makikisuyo na lang ako...salamat sa mga Nag TAG!......nahalukay ubi tuloy ako heheheh.

Pakisuyo ko to sayo
DODONG LEN2x Mangarap ka Pare walang Bayad to.







Biyernes, Pebrero 13, 2009

WAGIS!!



AAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaAAAAAAAAAAA
AAAAAAAAhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!




Gulat ka ano???


ito pa...





AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHRRRRGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!



Tamang tama ang pag ka Tag(a) sa akin ni Pareng LordCM sapul talaga, kilangan na kilangan ko to ngayon, matagal ko nang gustong ilabas ang dapat na ilabas heto na ang pag kakataon AaaaaAAAAAhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!


relax po kayo di ako nababaliw.... bigyan ko kayo ng rason bat ako napasigaaawwwwwwwwwwwww!

1.Limang taon ko ng hindi naka date ang LUVS! kooooooooooooooo!!!!

2.Pinalayas ako sa aking Home na malayo sa home takte!!! na miss ko room ko.. more than 2 years ako don napalayas pa.. sino bang di mapasigaw? Haaaaaaaaa? sinooooooooooooo!!!!!!!!!!!

3.Hindi mayaman ang O-IP-DOBOLYO lalo na ako!!.. wag na kayong mag text ng mag text!!munaaaaaaaaa!!!!!



i feel good!! tanananananattttt....


Relief..... Relieve.....

ayus ang Tag mo Pareng LordCM back to work na......



Tag-ain ko rin si PogingCano oo alam ko nataga kana mas maigi na yung doble lol's (sensya na Pogi ) ikaw lang muna ha? hahaha nga pala!baguhin mona ang rules ... gawa ka ng rason na nakakasigaw talaga hehehe.....

Happy HEART!! sa ating lahat........





Lagot ka! - Layouts and Images