Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Martes, Oktubre 28, 2008

80 Sayd Epeksz! Pagtratrabho Bilang Admin sa IRAQ..

1. Dahil halos di na kayo nagkikita ng kakwarto mo, nag iiwan ka nalang ng post it na hiniram mong portable dvd nya...

2. Pag nag ye -yes ka habang tumatawag sa kaibigan sa pinas, roger o copy na gamit mo....

3. Eksperto ka na sa power nap, yung mga 15 min break nyo, itinutulog mo na lang...para fresh maya na yung 1 hour nap...

4. Sa mga pang gabi...di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang bus dun sa north gate....

5. Pag tawag mo sa mga barkada mo sa pinas...dude, bro, howdy, sup, ang tawag mo sa kanila

6. pag nag tenk you ka may "i appreciate it a lot" na! aba sosyal!

7. Tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati materials used ng department nyo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kakwarto mo dahil nagsisigaw kang P1! P1! P1!

8. Pumuputi ka na dahil di ka na lumalabas ng opisina.

9. Sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng hooch nyo.

10. Kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

11. Sanay ka na sa mga bunkers at mga red alert...sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito araw araw sa trabaho eh.

12. Di ka na sanay sa traffic. pero sanay ka na sa convoy...

13. Di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.....disorient ed na ang body clock mo...(naytshift)

14. Alam mo na paano i type ang ........ò.

15. Nangangarap ka na baka dumating ang araw ma absorb ka nga bilangKBR.....

16. Nasusuka ka na pag nakita mo ang laptop sa kakwarto mo..

17. Pag CASH delay/advance day or a-21 ng buwan... all roads lead to PX & POPEYES..PIZZA,CINNABON,TACO BELL.. sa mga pasosyal Green Beans Coffee.

18. Updated ka sa mga bagong artista at latest tsismis....kasi palagi sa abs-cbn.com or gma.net.tv

19. Kaso hinde mo na alam itsura ng mall...

20. Sanay ka na umeebs sa porta john

21. May kano din palang batangueòo... ......... electric 15!

22. Puro kalyo na wrist at daliri mo.

23. Marunong ka na ding mag espanyol. don federico munchado conquistador! leche!eeheh

24. Sanay ka ng kumain sa harap ng PC mo...

25. Papasok ka sa office na naka-jeans, tshirt and cap (astig!)

26. Mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila ....

27. Puro expats mga ka-opisina mo, walang mga asungot pero puro kupal din yung iba...

28. Nagpapadala ka ng perfume, caps o t-shirt sa mga expats na nag R & R

29 Nag papa order ka rin sa expat pag may gusto kang bilhin sa online

30. Pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

31. Na inlove ka na sa kape at iced tea...o tea lang

32. Marami ka ng naipon na microwavable popcorn at MRE (meal ready to eat)

33. At ketchup galing burger king at pizza hut

34. Pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng P3 or Work order..of kaya SRD

35. Bumibimili ka ng mga DVD o Baladiya sa lahat ng indiano na makita mo.. hehehhehehe

36. Pag gumagamit ka ng cr.... di ka na nagpa-flush. . kc akala mo nasa porta john ka.

37. Sawa ka na sa internet kasi sa trabaho panay ang browsing at surfing..

38 At least may natutunan ka sa weekly meeting dati, unforgettable yun kasi natutunan mo ang word na ............ ..redundant or stuff like that....syeettttttttttttt!

39. Pag may problema ka sa PC mo, una mong ginagawa ay clear history at cookies.. saka nagdadalawang isip kung may buburahin dun sa may control panel....he he he!

40. Bihasa ka na masyado sa internet.... ....updated ang profile mo sa yahoo members gallery! nag ba blog kana ngayon hehehe

41. Nag ho-hoard ka na din ng tissue kung sino man mga house keeping on duty

42. Umaasa ka na lang na sana pagdating ng panahon na magdala ng breakfast ang mga kupal mong X-pat...

43. Libre parking mo sa building, kasi hinahatid ka ngbus....hahahaha

44. Pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na may hot at cold...

45. pinapahanap ang mga kapitbahay mo sa pinas na penpal na kano....

46. naka ID ka pa kahit nasa cr

47. pagtinatanong ka ng mga tropa mo kung ano ang sinusupport mo...sinasabi mo LOGCAP III!

48. Kahit may malaki kayong component sa hooch nyo gusto mo pa din naka-earphones!

49. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng "love moves in mysterious ways" ni Nina! at Pinoy ako.. Balut Kayo hehehehe

50. Nung nawalan ng kuryente, magsisigaw ka ng PowerGen!!! PowerGen!!!

51. Oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo ang right click ngayong ctrl C at ctrl V.

52. Dati 1 word per minute ka kabilis magtype, ngayon 2 words per minute. sanay kc copy and paste lang kya na SF.

53. Kahit sa cheesebox, iniisp mo pa rin ang Text Twist, Jewel Quest, Pyramids at Backgammon.. .

54. Sanay ka nang matulog ng dilat ang mata...kasi di pwede pahuli

55. Lahat ng style ng pagtulog.... maiisip mo...

56. Walang christmas vacation, holy week, pero may summer kasi most of the time mainit

57. Umiihi ka na lang sa bote ng Nova Mineral water kasi mainit kong summer lamig pag tag lamig at malayo ang cr..

58. Lahat ng holiday pumapasok ka kasi yun ang nasa kontrata.

59 Dito ka na sa opisina nakabili lahat ng gamit mo..

- Gerber

- Applegate

- Camelback

- Phone card

- VCD/ DVD
- iPod
- PSP
-Lop Top

60. D2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

61. Dami mo na naiipon na stirrer(red) kakatimpla ng kape.

62. Di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa . bad trip!!

63. Ice tea o orange juice at soda ka lang, mga barkada mo sa pinas.. red horse beer, gin bilog o tequila!! syet!

64. Sumasama ka pa sa email chat miski wla ka na sa *****... shift pa nila! ayus move on with your life....

65. Lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

66. Dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

67. Dito lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap...lalo na pagdating sa mga babae

68. Kapag may gusto kang bilhin...titingin ka muna sa ebay... o kaya walmart

69. The word for the day and everyday is spreadsheet. . or everyday is Monday hayzzz!

70. May kasama ng f&*k! at Damn! ang mga salita mo...

71. Akala mo dati pag yumayanig ang tubig sa baso, si T rex sa jurassic park.....controlled blast lang pala

72.Pag incoming dead ma na lang sanay kana hehehe

73.Nakatatak na rin sa utak mo ang salitang How u Doing ng mga Puti.

74. Pag Winter gabi ka na maliligo dahil lagi ka ng nauubusan nag mainit na tubig sa umaga hahahha (tinanghali ng gising)

75. Sanay kana sa mga dumadagunding na tunog ng Blackhawk,Chinook ,Apache at Tanke di Gira!

76.Faborit Chichiria mo ang Cheetos at Doritos o Lays

77 .Sanay ka ng mangutang ng pambili ng phone cards

78. Dinamdam mo masyado nong pinatangal ang Skype.. (Loser!)

79.Sa Ofc kana mag putol ng koko mo pati sa paa

80.Pang huli wala kang ibang kinatatakutan kundi mga IT lang....ha ha ha ha



............ ..at ito na po ang kabuuan ng lahat ng karamihan ng kaututang tae ng mga Admin Personnel ng Iraq..tama na pewde? lol's

Martes, Oktubre 21, 2008

AstigPinoy Party

Nakaraang byernes may na dagdagan na nman ng edad sa aming tropang Astigpinoy si astig Marlon at astig Ritchie. ibig sabihin non tumanda na naman sila ng isang taon pero hindi ang isip ha, matandang batang isip pa rin tong mga to na katulad ko lol ,kaming mga astigpinoy pag may birthday di lang simpleng kainan lang ang mangyayari at tapos na, its should be one heck of a night.. hmmm dahil likas na makukulit,maharut at malikhain kaming mag ka tropa kaya kilangan may sayawan di man ito katulad sa ibang bansa o jan pilipinas na disco bar o club na magara here in iraq we do it in our own way kahit ano na lang basta may kumukutitap na ilaw yun na yun ang importante ay sempre ang mahalaga :) at maging masaya lang ang lahat ay ayus na....

let's party!!!!


Birthday party always held in our music room
and yes! we do have on and off lights (tingnan nyo sa taas ng pics)
Food is good luto ng tropa , nag tutulongan ang lahat sa pag hahanda lutong may hagod ng pagmamahal ek ek hehehe.


To astig Marlon & Ritchie mula sa inyong mga ka Astig at mula sa aming kaibuturan ng aming mga bituka at gamonggong kulangot binabati namin kayo ng maligayang maligayang..... hapi- birthday sa inyo mga Pare!!



"Sabado"

Sempre pag katapos ng kasiyahan kilangan din nating mag pasalamat sa ating poong may kapal kahit makukulit kami nag sisimba din naman kami, upang mabawas bawasan naman ang aming kunting kasalanan at baka yong iba uusok na pag pasok pa lang sa simbahan joke lang hehehe.. di naman im sure papa Jesus labs us all..

ito po church namin dito
Manny on Vocals & Guitar,Bomzz on Bass Guitar, Raul on Drums

"Linggo"

Isang birthday party na naman ang dinaluhan ng tropang astigpinoy sa ngayon ay nakikikain at nakiki buraot lang kami at semperds nakikiparty kilangan imbitado ang tropang astigpinoy dahil ang tropang ito ang nag bibigay buhay sa bawat kasiyahan, hindi kami yong tipong nakiki Eat and Run lang ,not for astigpinoy well be there to have some fun that's what party is ayts, dahil sadyang pinagtagpo kami dito sa iraq na pareho ang hilig sabi nga ng mga tambay ang buhok ng wetpaks natin at kilay ay mag ka rugtong ang tropang astigpinoy ganun din...lol.



Party was of the hook!!
Papormahan time.. hehehe



sa tropa talaga may naiiba hehehehe
and of course whenver there's a party there's always a DJ..... "DJ Boomzz"



"Lunes"
Pagkatapos nag lahat lahat ng harutan at pakipagbayuhan sa dance floor kilangan na namin mag pa fresh o kaya mag pa cool kahit mejo may kalamigan na ang tubig but that wont stop us.. hala sige! talon... ligo..dive.. it's swimming time.

Parang wala sa iraq ano? kong titingnan mo di ka mag kakaroon ng ideya na sa Iraq ang lahat ng ito diba? iraq its not what it looks like in the news ayt, at sa pamamagitan ng maikling kasiyahan panandaliang naiwawaglit namin sa aming isipang ang realidad sa aming kapaligiran dahil tayong mga Pilipino ay likas na masasayahing tao.. ito po ang isang linggong Trip/Tambay/Lakwatsa/Party ng Tropang Astigpinoy Iraq





Huwebes, Oktubre 16, 2008

AstigPinoy Iraq History



HISTORY THAT GAVE LIFE TO ASTIG PINOY



Astig Pinoy was conceptualized based on the on common goal of “be heard and be recognized” in midst of collective issues arising from discomfort working in the middle of on-going Iraq in 2006.



Everyone then was seeking solutions to a simple problem of how one could express his grievances without putting himself in a difficult position afterwards. Help is too far and out of hand; internet communication to sought help from the embassy is second to impossibility, the fact that our presence in Iraq is actually illegitimate due to existing travel ban to Iraq for Pinoys. And of course, the fact that we know how our embassy usually address to OFWs problems.



I still believe in the power of unity, camaraderie and integrity as I learned during my cadetship in the Philippines. Unity for positive cause can never fail, as long as the objective is for common good and not to suppress the standard righteousness.



From the first day of my life in Camp Taji, I have heard stories of failed dreams and expectations, from the first boom sound of my first-ever experience of incoming mortar attacks from Iraqi rebels, I heard hearts of good pinoys who want to do something different that no MWR (Moral, Welfare & Recreations) could give. Pinoys in Camp Taji were so divided by regionalism, fraternity affiliation, dialects, faith and personal principle. We must bridge these divisions.



Although, all kinds of comforts are available to everyone courtesy of the US Military, the way Filipinos were treated was not so acceptable, sometimes even by fellow Filipinos who were assigned to juicy position or we say “has the power to decide your plight”. And since we believe that the power of Filipino skills and talents may cause defeat in everyday US operations as far as civil augmentation is concerned, we seated and exchanged ideas, even argued to make something that would answer issues that could give relief to our conditions that time.



BE HEARD is the common goal. Almost year ago, a simple protest on the Prime Project International (PPI) camp was took place to address the same problem on the issues of living conditions. Almost a success, but failed later on due to luck of solidarity during actual actions. This incident is our main basis of “lesson learned” system in conceptualizing an all-pinoys group.



Sometimes, in October 2006, if I am not mistaken, Astro, Jong, fellow Philippine Guardian brother Bro Mike, Marlon, and Vanny were enjoying $50 vodka from Pareng “Source” Danny, R.I.P. (Rest in the Philippines). There is a strict policy from the General Order Number 1 that drinking intoxicating beverages is prohibited by the US Military. Since Pinoys are really risk-takers by-nature, we violated that. In the police and military parlance way back in my heyday in police service we called it “take life”, since what were doing may cause our “lives”. Well, actually everyone does in PPI Camp.



From that gathering, we discussed problems, failures, possible solution and rewards that await everyone. The very first reward was the feelings we felt that everyone who shared for that bottle of vodka was already a brother by-heart. Grouping of people to achieve certain goal is actually the best subject that I got from my cadetship, I found no hard time in convincing everyone that from our small group we can have a big, fun, happy and cooperative group bigger that we imagine, longer than we imagine. I suggested the name Astig Pinoy, no one disagreed.



Why Astig Pinoy? Astig Pinoy is structured by all-Pinoy intellects and most-willing, and we are Astig because of the very nature of danger around us and yet we still manage to stay for our families and for money. Astíg- (as-tig) adjective- tough, firm, compact, solid.





We started targeting the use of email system because most of us were Admin Personnel who use PC in everyday work. The purpose is to invite everyone who was also an admin to join the idea of having a solid pinoy group. The motivation is group bonding, chatting, sharing comedy of life, fun events, and of course unity to BE HEARD when we need to be heard. Luckily, everyone who received the emails agrees, so I suggested creating a distribution list in our email address book under the name Astig Pinoy, but I think only few created their own. This is to avoid a loose email message in Tagalog to non-Pinoy, and non-organic of Astig Pinoy that might prejudice the goal. From there we started a simple morning greetings, and we address everyone as Astig followed by their pseudonym.



We started the so-called birthday sharing because it was really hard to spend money to celebrate one’s birthday. So, we shared money for on Astig’s birthday and let the celebrant to sit and relax as he was treated the most privileged mammal of that day while everyone is busy to prepare the party. We also started contribution to generate monetary assistance, community activity, sharing knowledge especially how everyone could have full internet access, where KBR IT really found hard time to block. But we always remind each and everyone not to be abusive in the use of internet because we could be in the loosing end later on. We must show the KBR that we are responsible internet users since this is the only way we could connect with our family back home at every moment everyday, free of charge. Cellphone use is strictly prohibited also for us Foreign Nationals (FN).





The first successful event of Astig Pinoy and we considered the official launching was December 11, 2006 during Astig na Astro’s Birthday celebration. And from then on, activities that will spread the news about Astig Pinoy has come to existence were started. We were the first all-Filipino group to have courtesy call with Camp Taji Mayor during Philippines Independence Day celebration in 2007 and were given privilege to use KBR swimming pool, as PPI is actually prohibited to use such facility. Now we can feel something is really moving forward from that Cabin 80 meeting. This can be considered remarkable footstep as we are in middle of war where strict military policy rules. Nevertheless as we keep on saying, if we go for common good and stay in the rules, who will go against us? Policy can be bent over sometimes to break the ice.





We always carry the Astig Pinoy for sports, contests and big events and of course for our own goal of being HEARD and be recognized. We defended rights against unfair treatments. We unite to uplift fellow Astig and non-Astig, even against work termination, although we do have some failures also but of course that was normal.





Astig Pinoy also introduces the attitude of group honesty and transparency as we were kept updated by Astig na Susan when it comes to our fund up to the last coin and POG. We have man to man everyone for all possibilities. We are safe to eventualities, since one could warn everyone about his office’s plans to do what could affect an Astig’s welfare. We used our charms and power of brotherhood and friendship to gain hearts of our American bosses. So we could have the best and hardest wall we could lean on, if we tires out. We have Astig na Gus, who shares everything from money to baladiya as we call it Customs Inspections Items. Astig Pinoy taught everyone the correct work attitudes and proper interaction to avoid issues the will compromise other Filipinos and might affect the way other nationalities’ confidence to Pinoy workers. We watch each other backs, although sometimes like ordinary family we have feuds. We used to caution one who sometimes does things that will jeopardize the image of the group.



We even tried hard to convince the Filipino Goverment to lift travel ban to warzone to give opportunities to other Pinoy risk-takers. We believe that there is so much more to get in being a risk-taker rather than staying in the Philippines with all the risks only but without chances. We succeeded for 3 days only, and then died out. DOLE Department Order 86-07 was revoked after 3 days.



Now, Astig Pinoy has bloated to some proportions, US Army specially the Fil-Ams recognized Astig Pinoy. But still the low-profile attitudes remain. It has mutated but still the ideas were carried on, some are gone physically but remain in contact and still interacts. I was amazed to hear news that we excel in sports while others we given big job opportunities in other countries because of skills and work attitudes that guides all Astigs. We have revived our strong faith to God by actively participating in War Zone Christians Fellowship, after all God is the final answer.



Astig Pinoy now as we can see, virtually a group of Pinoy that has heart and each Astig member is its blood. We are still looking forward to seeing the Astig Pinoy lives on after Iraq war. And in the hands of current Astig enthusiasts like Astig na Jhimbo "Bomzz",Astig na Gus,Astig na Marlon and others, we can see from the outside of Iraq Astig Pinoy will remain standing from the ruins of Camp Taji.



Were proud. . . we are Astig Pinoy and we will remain until the end.

Martes, Oktubre 7, 2008

Anong Taytol ?

Mejo matagal na di ako nakipagtamblingan dito sa blog ko ah! lampas na sa aking mga daliri ang bilang ng araw sa huli kong mag ba-un ng posti sa blog ko ,marami akong gustong isiwalat,I blog,I posti,I tae, hehehhe pero parang dinalaw ako ni John Lazy,(Asin su-ka! na nasa US of A na siya) parang yung sa Rap Gusto kong umutot pero tae lumabas yung tipong ganun ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw napapansin ko rin, mejo nasubsub ako sa inidoro, este! sa trabaho nag bise-bisehan muna ako maraming pinapagawa ang mga bossing hehehe eniway sa lahat nga dumaan,sumimplang, nadapa at sumigaw sa halongsigaw(shoutmix). Hmmmm tinking2x me..ah di muna ako mag pasalamat sa inyo baka di na kayo iipot o dadalaw uli sa mantion ah! sa blog ko ang masasabi ko lang sa inyo WelComE!!!tanananantanannnnnnnn… may sawnd epeks pa.. :)

Noong linggo a Singko buwan ng Oktubre taong kasalakuyan nangungulit ang tropa sa akin na mag Haw-I 2x daw muna kami kasi na mi miss na nila ang pag tambay sa tambayan at ang mga huntahan na walang wenta , at kong ano ano pang ka bulastugan, on total request kasi kaya email ko ang lahat ng tropa para ipa alam sa kanila ang plano ito email ko sa kanila.

EMAIL ko: Mga feeling panget! mag ihaw ihaw tayo mamaya mejo matagal na rin kasi na di tayo nakapag HAW-I2x maraming nakalkal sa basura si Bro-G na pag kain kaya tirahin na natin…(joke lang galing sa source yan hehehe)

Raul pakikuha mo na lang kong anong karne makita mo sa Fridge ko mauuna nman kayo umuwi,di kasama ang tinapay ha! para sa hari lang yun hehehehe May manok don buo di watak watak yun hehe kunin mo rin at may pang sangag din..(minced beef) kunin mo na rin, para pagdating namin ni marlon tirahin na lang namin.. at nakababad na ayt?

Paroroy gaya ng dati kilangan natin yang talent mong pag hihiwa ng mga rekados, hasain natin ng maiigi yan dito habang libre pa , baka sa susunod may talent fee kana hirap na baka mahal ,di ka mura kamukha mo lang silang dalawa (Mahal at Mura) hehehe tatlo pang he-he-he

Pakisabi kay Cris Artis siya na bahala sa sangag talent ng mga illonggo yan (nambola pa eh!Artis for short ng Arthritis kasi tumatanda na kumikir0t na lagi hehehe)

Mike Nginig balita ko lagi kana nanginginig na nman jan bakit kaya? Hmmm anong meron jan ha.. coming English now? Hehehhe joke3x punta ka don mamaya sa tambayan.

Lyn wag masyadong mag chat pula na mata mo kala mo makakaligtas ka sa akin hahahahahheheheh (Opis meyt ko to eh hehe)

Ayt! Mga ka Astig Ang kilangan natin Lungto2x ay ayus na…kunting effort para sa lahat bilang ka tropa .. at kapwa (OFW) Overseas Filipino gWAFFUUUU!!!ay…ayosss patosss payongggg!! sungkit!! Sinampay lol

As usual ang mga mababait na bata di mawawala don sa tambayan at you know what to do na.. at sa mga pasaway na mga bata intindihin na lang natin heheheh kaysa ipa kain natin sa buwaya mejo Brutal! kasi yun hehehehahahahah see u there mga panget!!!!

Ang Sumagot:

BADONG- WALA TAYONG ULING NAUBOS NA ANG STOCK NATIN

AKO -Na asikasu na ni GUS yan LaWa na tayong problima jan andito na sa Opis ko dinala na kanina Sangkatirba to Dalhin ko mamaya

MIKE NGINIG- OK, MGA KAPATID SO MAGTIPON TAYO MAMAYA DIBA, PAG UUSAPAN NATIN ANG DAPAT PAG UUSAPAN ,IRAL NATIN ANG KAPAYAPAAN SA ATING MGA PUSO BLESS U GAYS.
(Ang haba ng sinabi nito sa totoong email niya eh alaw's din namang sense (joke) deletedeletedelete ko na ang iba, napasirku ako sa tawa sa huli ng email BLESS YOU GAYS!! What the H***L ginawa pa kaming Badinggzz! hayyzzz si nginig talaga kahit kilan.. nginig!! Parin..)

RITCHIE BISAYA- Pagusapan lang natin mamaya yan ano ang pwede maitulong natin jan para sa masa hehehhehe.. grabe oyyyyy!!!!!

Merong ibang email na di ko na isama dito para sa kapakanan ng lahat at di na dapat pang banggitin pa dito mejo sensord ang dating o may dating siyang mejo sensord (parang binaliktad lang ah) dina pag usapan pa at sabi ko nman HoleSome :) akong tao ayokong haluan pa ng kabiikan ang blog ko at dahil blog ko to hayaan nyo na lang ako hehehe ayt! Poks


Kinagabihan in english Sunday Night:



Sa wakas nakasama rin ako sa picktyuran may mabait na nag boluntaryo oo! ako na yan, yan na ako ang Pinaka?
A.POGI
B.GUAPO
C.Magandang Lalaki
D. ALL of the ABOVE
Sagutin ng maayos, wag nyong i jack en poy o kaya i-pompyang di pede yan LOL,ang di sasagot pipingutin ko sa singit! oh wag kanang mag react jan wag ng kokontra hayaan muna ako simple lang yan eh(pagbigyan nyo na ako sa munting hilig ko Gary Granada :).. )

Ang Pag kain in english the Poop, the Food pala..


At pag katapos ng aming kainan tyempong may Festival ang mga kasamahan naming mga INDIANO na tinatawag nila na DEWALI 0 DEEPAVALLI "Festival of Lights" nakinuod kami muna nag mamasid masid at sa aking nalalaman ito ay sampong araw na selebrasyon nag simula sila nong Sep 30 at matatapos ngayon Oct 9, gabi-gabi ito nila ginagawa malakas na tug-tug at lahat sumasayaw paikot-ikot tila walang silang kapaguran at nasa gitna ang kanilang sinasambang diyos napakasayang tingnan ang lahat



At dahil busog ang Tropa at naing-ganyo kami sa sayaw nila dito namin ibinuhos ang lahat para magutom uli at gulatin kong ano mang nilalang na meron sa ilalim ng aming tiyan..ayun! sumali kami nakisawsaw, nakisayaw.... ang saya saya! di pala madali ang ginagawa nila isipin mo ba naman ang isang kanta halos isang oras bago huminto hayyyzz ngalay ang aking mga nerves sa aking binti at isa mo na ring yung i smell something.. bunos na yun hehehe ayan ako para akong tokmol sa likod nag hahabol sa steps nila hehehe ng nakuha ko na steps panis sa akin hanggang may nag sabi na Indiano good dancing you.. :) ha? hehehe




Tuwang tuwa ang aming mga kasamahang mga Indiano ngayon lang daw kasi nangyari na nakihalo ang mga Filipino sa kanila at nakisaya sa kanilang Dewali "festival of light" Celebration..(supersawsaw kasi ang tropa namin) it was fun after all may pa singit na english hehehe ayt! Poks yan ang kaganapan mula dito sa tambayan ni Bomzz.. hanggang sa uulitin..



Note: di ko alam kong ano i taytol ko nito.. kaya yun na lang anong taytol? :)






Lagot ka! - Layouts and Images