Noong linggo a Singko buwan ng Oktubre taong kasalakuyan nangungulit ang tropa sa akin na mag Haw-I 2x daw muna kami kasi na mi miss na nila ang pag tambay sa tambayan at ang mga huntahan na walang wenta , at kong ano ano pang ka bulastugan, on total request kasi kaya email ko ang lahat ng tropa para ipa alam sa kanila ang plano ito email ko sa kanila.
EMAIL ko: Mga feeling panget! mag ihaw ihaw tayo mamaya mejo matagal na rin kasi na di tayo nakapag HAW-I2x maraming nakalkal sa basura si Bro-G na pag kain kaya tirahin na natin…(joke lang galing sa source yan hehehe)
Raul pakikuha mo na lang kong anong karne makita mo sa Fridge ko mauuna nman kayo umuwi,di kasama ang tinapay ha! para sa hari lang yun hehehehe May manok don buo di watak watak yun hehe kunin mo rin at may pang sangag din..(minced beef) kunin mo na rin, para pagdating namin ni marlon tirahin na lang namin.. at nakababad na ayt?
Paroroy gaya ng dati kilangan natin yang talent mong pag hihiwa ng mga rekados, hasain natin ng maiigi yan dito habang libre pa , baka sa susunod may talent fee kana hirap na baka mahal ,di ka mura kamukha mo lang silang dalawa (Mahal at Mura) hehehe tatlo pang he-he-he
Pakisabi kay Cris Artis siya na bahala sa sangag talent ng mga illonggo yan (nambola pa eh!Artis for short ng Arthritis kasi tumatanda na kumikir0t na lagi hehehe)
Mike Nginig balita ko lagi kana nanginginig na nman jan bakit kaya? Hmmm anong meron jan ha.. coming English now? Hehehhe joke3x punta ka don mamaya sa tambayan.
Lyn wag masyadong mag chat pula na mata mo kala mo makakaligtas ka sa akin hahahahahheheheh (Opis meyt ko to eh hehe)
Ayt! Mga ka Astig Ang kilangan natin Lungto2x ay ayus na…kunting effort para sa lahat bilang ka tropa .. at kapwa (OFW) Overseas Filipino gWAFFUUUU!!!ay…ayosss patosss payongggg!! sungkit!! Sinampay lol
As usual ang mga mababait na bata di mawawala don sa tambayan at you know what to do na.. at sa mga pasaway na mga bata intindihin na lang natin heheheh kaysa ipa kain natin sa buwaya mejo Brutal! kasi yun hehehehahahahah see u there mga panget!!!!
Ang Sumagot:
BADONG- WALA TAYONG ULING NAUBOS NA ANG STOCK NATIN
AKO -Na asikasu na ni GUS yan LaWa na tayong problima jan andito na sa Opis ko dinala na kanina Sangkatirba to Dalhin ko mamaya
MIKE NGINIG- OK, MGA KAPATID SO MAGTIPON TAYO MAMAYA DIBA, PAG UUSAPAN NATIN ANG DAPAT PAG UUSAPAN ,IRAL NATIN ANG KAPAYAPAAN SA ATING MGA PUSO BLESS U GAYS.
(Ang haba ng sinabi nito sa totoong email niya eh alaw's din namang sense (joke) deletedeletedelete ko na ang iba, napasirku ako sa tawa sa huli ng email BLESS YOU GAYS!! What the H***L ginawa pa kaming Badinggzz! hayyzzz si nginig talaga kahit kilan.. nginig!! Parin..)
RITCHIE BISAYA- Pagusapan lang natin mamaya yan ano ang pwede maitulong natin jan para sa masa hehehhehe.. grabe oyyyyy!!!!!
Merong ibang email na di ko na isama dito para sa kapakanan ng lahat at di na dapat pang banggitin pa dito mejo sensord ang dating o may dating siyang mejo sensord (parang binaliktad lang ah) dina pag usapan pa at sabi ko nman HoleSome :) akong tao ayokong haluan pa ng kabiikan ang blog ko at dahil blog ko to hayaan nyo na lang ako hehehe ayt! Poks
Kinagabihan in english Sunday Night:
Sa wakas nakasama rin ako sa picktyuran may mabait na nag boluntaryo oo! ako na yan, yan na ako ang Pinaka?
A.POGI
B.GUAPO
C.Magandang Lalaki
D. ALL of the ABOVE
Sagutin ng maayos, wag nyong i jack en poy o kaya i-pompyang di pede yan LOL,ang di sasagot pipingutin ko sa singit! oh wag kanang mag react jan wag ng kokontra hayaan muna ako simple lang yan eh(pagbigyan nyo na ako sa munting hilig ko Gary Granada :).. )
Ang Pag kain in english the Poop, the Food pala..
At pag katapos ng aming kainan tyempong may Festival ang mga kasamahan naming mga INDIANO na tinatawag nila na DEWALI 0 DEEPAVALLI "Festival of Lights" nakinuod kami muna nag mamasid masid at sa aking nalalaman ito ay sampong araw na selebrasyon nag simula sila nong Sep 30 at matatapos ngayon Oct 9, gabi-gabi ito nila ginagawa malakas na tug-tug at lahat sumasayaw paikot-ikot tila walang silang kapaguran at nasa gitna ang kanilang sinasambang diyos napakasayang tingnan ang lahat
At dahil busog ang Tropa at naing-ganyo kami sa sayaw nila dito namin ibinuhos ang lahat para magutom uli at gulatin kong ano mang nilalang na meron sa ilalim ng aming tiyan..ayun! sumali kami nakisawsaw, nakisayaw.... ang saya saya! di pala madali ang ginagawa nila isipin mo ba naman ang isang kanta halos isang oras bago huminto hayyyzz ngalay ang aking mga nerves sa aking binti at isa mo na ring yung i smell something.. bunos na yun hehehe ayan ako para akong tokmol sa likod nag hahabol sa steps nila hehehe ng nakuha ko na steps panis sa akin hanggang may nag sabi na Indiano good dancing you.. :) ha? hehehe
Tuwang tuwa ang aming mga kasamahang mga Indiano ngayon lang daw kasi nangyari na nakihalo ang mga Filipino sa kanila at nakisaya sa kanilang Dewali "festival of light" Celebration..(supersawsaw kasi ang tropa namin) it was fun after all may pa singit na english hehehe ayt! Poks yan ang kaganapan mula dito sa tambayan ni Bomzz.. hanggang sa uulitin..
Note: di ko alam kong ano i taytol ko nito.. kaya yun na lang anong taytol? :)
9 (na) komento:
pards,ayos yung salo salo nyo...nagutom ako.buti pa kayo nakalabas nung bakasyon,kami bahay lang eh...namiss ko na yung ganyang salo salo...
sa iraq pare kilangan maging creative kong ano ano na lang pag iisipan na ek ekan para lang maging masaya ok na to kesa mag mukmuk hehehhe salamat Ever... sa bisita..
nagpapatunay lamang na kung saan man mapadpad ang Pinoy, hindi mawawala ang kasiyahan. hahaha
nakakatuwa naman kayo...ang daming pagkain, nagutom din ako. ;-)
oo onats kasama na natin yan sa ating kultura naka tatak na sa ating mga nuo ang ugaling ganito hehehe salamat sa bisita at komento..
welcome back. wag mag-alala, lahat naman tayo tinatamad talaga mag-post minsan. at least you are alive uli. At syempre ang barkada. hmmmm.....sarap na naman ng pulutan don a......mukhang kalog din yang mga kasama mo kuya Boomz....
saya naman dyan sa iraq? pwdeng pabang makapasok dyan? hehehe...
parang ang saya ng buhay dyan ah. actually may mga frends din akong engineers dyan.at nakailang balik na sila. madami daw foods dyan eh. nakakatuwa talaga ang pinoy! da best!
@ Ronald oo Pare pede pang pumasok gusto mo mo mag tour ka dito heheheh joke lng kong walang tatak ang passport mo not valid to iraq pede pa...
@ Eliment ganun ba oo marami dito mga noypi na big cheesse! marami kasi noypi dito hhehe oo marami pag kain dito libre pa...hehehe
masarap din ang maghappy happy sa abroad paminsan minsan, kanya kanyang istorya ng kahomesickan. hehehe.
Mag-post ng isang Komento