Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Martes, Oktubre 28, 2008

80 Sayd Epeksz! Pagtratrabho Bilang Admin sa IRAQ..

1. Dahil halos di na kayo nagkikita ng kakwarto mo, nag iiwan ka nalang ng post it na hiniram mong portable dvd nya...

2. Pag nag ye -yes ka habang tumatawag sa kaibigan sa pinas, roger o copy na gamit mo....

3. Eksperto ka na sa power nap, yung mga 15 min break nyo, itinutulog mo na lang...para fresh maya na yung 1 hour nap...

4. Sa mga pang gabi...di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang bus dun sa north gate....

5. Pag tawag mo sa mga barkada mo sa pinas...dude, bro, howdy, sup, ang tawag mo sa kanila

6. pag nag tenk you ka may "i appreciate it a lot" na! aba sosyal!

7. Tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati materials used ng department nyo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kakwarto mo dahil nagsisigaw kang P1! P1! P1!

8. Pumuputi ka na dahil di ka na lumalabas ng opisina.

9. Sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng hooch nyo.

10. Kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

11. Sanay ka na sa mga bunkers at mga red alert...sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito araw araw sa trabaho eh.

12. Di ka na sanay sa traffic. pero sanay ka na sa convoy...

13. Di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.....disorient ed na ang body clock mo...(naytshift)

14. Alam mo na paano i type ang ........ò.

15. Nangangarap ka na baka dumating ang araw ma absorb ka nga bilangKBR.....

16. Nasusuka ka na pag nakita mo ang laptop sa kakwarto mo..

17. Pag CASH delay/advance day or a-21 ng buwan... all roads lead to PX & POPEYES..PIZZA,CINNABON,TACO BELL.. sa mga pasosyal Green Beans Coffee.

18. Updated ka sa mga bagong artista at latest tsismis....kasi palagi sa abs-cbn.com or gma.net.tv

19. Kaso hinde mo na alam itsura ng mall...

20. Sanay ka na umeebs sa porta john

21. May kano din palang batangueòo... ......... electric 15!

22. Puro kalyo na wrist at daliri mo.

23. Marunong ka na ding mag espanyol. don federico munchado conquistador! leche!eeheh

24. Sanay ka ng kumain sa harap ng PC mo...

25. Papasok ka sa office na naka-jeans, tshirt and cap (astig!)

26. Mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila ....

27. Puro expats mga ka-opisina mo, walang mga asungot pero puro kupal din yung iba...

28. Nagpapadala ka ng perfume, caps o t-shirt sa mga expats na nag R & R

29 Nag papa order ka rin sa expat pag may gusto kang bilhin sa online

30. Pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

31. Na inlove ka na sa kape at iced tea...o tea lang

32. Marami ka ng naipon na microwavable popcorn at MRE (meal ready to eat)

33. At ketchup galing burger king at pizza hut

34. Pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng P3 or Work order..of kaya SRD

35. Bumibimili ka ng mga DVD o Baladiya sa lahat ng indiano na makita mo.. hehehhehehe

36. Pag gumagamit ka ng cr.... di ka na nagpa-flush. . kc akala mo nasa porta john ka.

37. Sawa ka na sa internet kasi sa trabaho panay ang browsing at surfing..

38 At least may natutunan ka sa weekly meeting dati, unforgettable yun kasi natutunan mo ang word na ............ ..redundant or stuff like that....syeettttttttttttt!

39. Pag may problema ka sa PC mo, una mong ginagawa ay clear history at cookies.. saka nagdadalawang isip kung may buburahin dun sa may control panel....he he he!

40. Bihasa ka na masyado sa internet.... ....updated ang profile mo sa yahoo members gallery! nag ba blog kana ngayon hehehe

41. Nag ho-hoard ka na din ng tissue kung sino man mga house keeping on duty

42. Umaasa ka na lang na sana pagdating ng panahon na magdala ng breakfast ang mga kupal mong X-pat...

43. Libre parking mo sa building, kasi hinahatid ka ngbus....hahahaha

44. Pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na may hot at cold...

45. pinapahanap ang mga kapitbahay mo sa pinas na penpal na kano....

46. naka ID ka pa kahit nasa cr

47. pagtinatanong ka ng mga tropa mo kung ano ang sinusupport mo...sinasabi mo LOGCAP III!

48. Kahit may malaki kayong component sa hooch nyo gusto mo pa din naka-earphones!

49. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng "love moves in mysterious ways" ni Nina! at Pinoy ako.. Balut Kayo hehehehe

50. Nung nawalan ng kuryente, magsisigaw ka ng PowerGen!!! PowerGen!!!

51. Oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo ang right click ngayong ctrl C at ctrl V.

52. Dati 1 word per minute ka kabilis magtype, ngayon 2 words per minute. sanay kc copy and paste lang kya na SF.

53. Kahit sa cheesebox, iniisp mo pa rin ang Text Twist, Jewel Quest, Pyramids at Backgammon.. .

54. Sanay ka nang matulog ng dilat ang mata...kasi di pwede pahuli

55. Lahat ng style ng pagtulog.... maiisip mo...

56. Walang christmas vacation, holy week, pero may summer kasi most of the time mainit

57. Umiihi ka na lang sa bote ng Nova Mineral water kasi mainit kong summer lamig pag tag lamig at malayo ang cr..

58. Lahat ng holiday pumapasok ka kasi yun ang nasa kontrata.

59 Dito ka na sa opisina nakabili lahat ng gamit mo..

- Gerber

- Applegate

- Camelback

- Phone card

- VCD/ DVD
- iPod
- PSP
-Lop Top

60. D2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

61. Dami mo na naiipon na stirrer(red) kakatimpla ng kape.

62. Di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa . bad trip!!

63. Ice tea o orange juice at soda ka lang, mga barkada mo sa pinas.. red horse beer, gin bilog o tequila!! syet!

64. Sumasama ka pa sa email chat miski wla ka na sa *****... shift pa nila! ayus move on with your life....

65. Lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

66. Dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

67. Dito lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap...lalo na pagdating sa mga babae

68. Kapag may gusto kang bilhin...titingin ka muna sa ebay... o kaya walmart

69. The word for the day and everyday is spreadsheet. . or everyday is Monday hayzzz!

70. May kasama ng f&*k! at Damn! ang mga salita mo...

71. Akala mo dati pag yumayanig ang tubig sa baso, si T rex sa jurassic park.....controlled blast lang pala

72.Pag incoming dead ma na lang sanay kana hehehe

73.Nakatatak na rin sa utak mo ang salitang How u Doing ng mga Puti.

74. Pag Winter gabi ka na maliligo dahil lagi ka ng nauubusan nag mainit na tubig sa umaga hahahha (tinanghali ng gising)

75. Sanay kana sa mga dumadagunding na tunog ng Blackhawk,Chinook ,Apache at Tanke di Gira!

76.Faborit Chichiria mo ang Cheetos at Doritos o Lays

77 .Sanay ka ng mangutang ng pambili ng phone cards

78. Dinamdam mo masyado nong pinatangal ang Skype.. (Loser!)

79.Sa Ofc kana mag putol ng koko mo pati sa paa

80.Pang huli wala kang ibang kinatatakutan kundi mga IT lang....ha ha ha ha



............ ..at ito na po ang kabuuan ng lahat ng karamihan ng kaututang tae ng mga Admin Personnel ng Iraq..tama na pewde? lol's

10 komento:

paperdoll ayon kay ...

putang ina! wala acong naintindihan! hindi aco nakarelate! syet!

salingPUSA ayon kay ...

kakatuwa naman to Kuya BOOMZ---ang daming effects. Ibig sabhin ang dami mong naoobserbahan sa work at sa daily life mo dyan sa Iraq. Buti dika nasasaktan ng ktrbaho mo dahil nanghihiram k ng portable dvd na notes lang....parang nanghiram lang ba ng eraser.keke

Ay, bat naman tinanggal skype? skype gamit ko panturo ng mga studyante ko sa Korea kasi mas malinaw ang voice. Sayang....

Bomzz! ayon kay ...

oissst! babaeng pelpa! bawal mag mura may bata d2 ang lutong pa namn!leche!! hehehe pilitin mong intindihin...



@ oo Marami talaga ako natutunan dito pakikisalamuha sa kanya kanyang kultura ng mga tao dito..
di nman magagalit ang tropa kasi tropa na hehehe

tinanggal ang skype kasi kilangan bawasan ang bandwithds usage at bawal daw against the law daw ek ek... kainis nga eh hehehe..

JoShMaRie ayon kay ...

grabeh ang side effects. 80 talaga. haha. magiisp din ako ng side effects ng trabaho ko. hehe

Bomzz! ayon kay ...

@Jmarie.. sige alam ko marami ka ring sayd epeks! heheheh

Roland ayon kay ...

hindi ko kinaya yun!!!! hahaha, talagang nag-oobserba siya.

salingPUSA ayon kay ...

musta na 80 sayad epeks? este---side effects pala.keke

Dylan Dimaubusan ayon kay ...

ilang taon ka na sa Iraq? nurse ako at nagbabalak mangibang bansa pwera lang sa Middle East.. ayus lang ba trabaho jan?

kosa ayon kay ...

andami.. ayaw ko na magtrabaho sa iraq kahit gawin pa nila akong presidente ng mangagawang pilipino dun..lolz ayoko

bomzz ayon kay ...

@ roland hehe kayan yan.. Noyi pa!


@ hahaha ayus lang di ko naisip yun sayad epekss.. heheh ayus yun ah!

@dylan 4 years na ako dito ayus lang trabaho dito di nman kami ng work sa mga arabo sa mga puti kami ng work oo pang wayt cawntres yang natapos mo ..

@Kosa tawanan lang kita hahahahhahahaha

Lagot ka! - Layouts and Images