Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Biyernes, Mayo 29, 2009

Asian Pacific Heritage Month Celebration


Bilang isang OFW malaking karangalan ang maipakita ang ating makasaysayang kultura ng ating bansa.lalo na ang ating mga makalumang sayaw.

Inanyayahan kami ng MWR Dept. Coordinated with the US ARMY. para sa kanilang selebrasyun ng
"Asian Pacific Heritage Month" ito ay pagbibigay pugay sa mga Asians at Pacific islanders sa kanilang mga naibabahagi at malaking tulong sa bansang Amerika. isa na ang Pilipinas,kaya di namin sinayang ang pagkakataon mula ng iparating sa amin ang imbitasyung ito. Cariñosa ang aming pinili dahil ito ang ating Pambansang Sayaw Although Tinikling is favored by many.....

Meet the Dancers ( from left to right) Bomzz,Ritchie,Rodel,Raul,Imelda,Marites,Megs and Rosalyna




With the three US Army Filipino Americans (dont know there names)
With Fil-am US Navy Sgt. Rona (yellow shirt) and US Army 1LT. Katherine Arnold (green shirt the organizer)


With the Fil-ams and two US Army Chinese Americans

Big smile....late night practice was paid off

Sgt. Rona Surrounded by AstigPinoy Hunks.. Lolz..

you can see the faces and smile how proud we are......



here come's the best part......after the Show


Eating Time......ohhh the finger foods and cakes so good.....

Believe me..... (binaon ko to lolz..)



Ito ay nagpapatunay lamang na buhay na buhay pa rin ang ating Kultura/at ang makalumang sayaw sa ating mga Puso't Isipan, kahit saan mang sulok tayo ng mundo sa may gira man ito taas noo pa rin nating isigaw... AKO AY PILIPINO!!!


Maraming Salamat sa aking mga kasama... Ritchie,Rodel,Raul,Imelda,Marites,Megs andAte Rose sa Sipag at tiyasa sa Practice...Mabuhay tayo!.......
PS: wala kaming Picture habang sumasayaw wala kasing Kumukuha...

Biyernes, Mayo 15, 2009

Kong Pinoy si "NOA"

"Pics from Google Basahan o Trapo"




Ganito ang mangyayari sa barko. Read lang …..... ......


Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing


"Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.


Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?!!!" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo." At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.


Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.


Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.


Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.




Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".



"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.

" Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing,

"Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."


" Naalala ko lang nong kumuha ako ng NBI Clearance,Naalala kong lang ang BAN dito IRAQ.... kaya tumatagal ang proseso kasi may laging gustong sasakay at makiki -angkas... hayzzz......

"May Pag-asa pa rin tayo... mga Kabayan...... yung taga broadcast ng weather..lolzzzzz

P.S. Forward Email lang sa akin ito..alam ko napangiti ka rin dahil totoo.. pero minsan ang totoo... masakit....kong sino man ang sumulat nito GALING MO!!





Biyernes, Mayo 8, 2009

Saludo Kay Dodong




Ilang araw na lumampas ah.. di pa ako nakapag post sensya na uli mga katuto mejo busy lang lol’s at di ko kayo nadalaw...hayaan niyo babawi din ako....maraming salamat pa rin.. sa dalaw niyo...

Hanggang ngayon kasi nilalasap at ninamnam ko pa ang pag kapanalo ni pakyaw..(nakssss para namang may hati ako o ma anghihan man lang ng singkong duling sa milyones niyang nahakot) , ang sarap kasi ang pakiramdam ,ang taas taas ng (ehi!) nuo ko sa mga oras na yun na iwiniwagayway na naman ang bandila natin sa Tati! at sempre yung pag ka panalo ni dodong manny, uminog sandali ang (betlogs) mundo ng mga pinoy sa iisang tao lang,lahat ng suporta nasa kanya ,lahat ng mata nakatutok lang sa laban niya, pustahan man tayo, ipinagdasal mo rin siya, ilang santo na ba ang tinawag mo? ........malamang ,....nakipagsabayan ka sa mala war freak na dasal ni Mommy Dionisia………heheheh……………………….. ............................................dahil naka pusta ka…



Sa kabila ng pag kapanalo ni pakyaw dami parin and na bad trip lalo na dito sa company namin , bad trip sa laban.. sabi nong isa nag mumura pa, Puc*a naman yun oh nag da off pa ako tapos yun lang mapanuod. ko walang ka latoy latoy si hatton,.......... ilang dolyares na nabawas sa sahud tapos yun lang mapanuod ko? di man sulit.. buti di na ako nanuod wala rin namang kwentang laban ) sabi naman nong isa...,hay pinoy talaga…di kuntento.. hehehe.sa isip ko naman maigi na lang yun panalo pa rin manok natin mas lalo siguro tayong bad trip pa kong kabaligtaran ang nangyari si pakyaw ang natulog ng sandali sa ring.


Mas lalo bad trip yung mga politikong andun sa vegas na halus lahat ng (kinurakot) na pera nila ipinusta. pati yung mga kulasisi baka ipinusta rin hahahahah ..ang pinaka malaking himala lang don ay di ko nakita si chavit sa ring at yung tradisyunal na yakap at sabay halik niya kay pakyaw.. hehehe o baka di ko lang napasin kasi umalis na ako nong Q&A portions na..hehehe..


ito yung mga maanghang pa sili na banat ng mga MongoLloyd jr.& sr. (save ko talaga para sa oras na manalo makaganti man lang heheh)

Junyor.
“Mayweather's statements that he is the better boxer. “

Dodong Manny-"Mahirap talaga magsabi ng tapos. If you compare my record with Mayweather's, I have a better record. That said, I don't want to compare my abilities with Mayweather or any other boxer," he added.

Senyor-“Hey Pacman, it’s over!," Mayweather Sr. declared during the press conference for the Pacquiao-Hatton megafight in glitzy Hollywood. “Come May 2nd we’re taking your crown away."“Pacman hit the floor, you better stay down if you want to stay around."

Dodong Manny After the Fight-
"Not really. Maybe the results showed it was over quick but it was also hard. I was lucky I tagged him early and the strategy we used was really effective against his style," he said in Tagalog.
(na may Puntong Bisaya/Ilonggo)

Yan ang isa sa pinakapanalong ugali ng ating pambansang kamao, kaya minahal siya ng tao at medya ay yung ugaling niyang mapakumbaba , sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay.. yung ugali niya nakapag pabango sa kanya, di siya nag sasalita ng kayabangan o Trash talk ika nga sa boksing world. ugaling pinoy na pinoy boksidor pa rin...di tulad ng ibang boksidor.. na kong magsalita na parang bang di sila tatablan ng bala at blade, karayum. o sa kamao ni dodong , sabi naman daw ng iba normal lang daw iyon.. ganun talaga sa boksing.. padagdag daw sa pucha! este! pusta.... tulad na lang ni MongoFlloyd (MayBaguio) Mayweather at sa tatay niya si MongoFlloyd Senyor........nag bibilang na ng sisiw kahit itoy itlog pa tama ba? heheh di nila alam bugok yung isa hahaha...

Para kay dodong manny.. bugbugan lang walang personalan,nakatulog ka man boksing lang yan na unahan ka lang.. sa panga pa! ouch!... olats kayo eh ......

Congrats!!!! Mabuhay!! ka Dodong Manny!!.... Aydol.!!!!!..... ...(in bisaya Ayaw og Dool) lolzzz


Sa iyo Dodong Manny sumasaludo ang Milyon-milyong pilipino . sana lang wag ka nang tumakbo sa congreso yan ang panawagan ng karamihan, kong gusto mong makatulong sa bayan mag patayo ka ng sabungan, maraming billiaran at boksingan jan ka magaling sa larangan na yan, sigurado marami kang matutulongan, gusto mo na rin lang talaga makatulong sa mga mahihirap ng ating lipunan, umpisahan mo sa iyong mga kanta.na. "Para sa iyo ang Laban nato” ibahin mo na "Para sa inyo ang Pera na to" hehehe.. for sure pa sa sigurado daming mag kandaugaga niyan… (rhyme ba?) .....yan ang sabi mga taong ayaw nila na papasok ka sa poliTITIko.. PIS!!!
pero.............
Buhay mo yan, Pera mo yan,Pagod mo yan,Hirap mo yan Gusto nila yan Napilitan ka lang Tumakbo ka hanggan saan...............pero boto koy di mo maasahan..... taga norte ako eh.. hehehe



P.S. Sa wakas nakaganti na rin tayo sa mga panlalait ng mga Briton sa pang-gagago nila sa pinay DH,at sa susunod sana matalo rin si mongoLloyd jr ng makaganti na rin tayo sa ginawa nilang panlalait sa atin sa desperet hawswayf…….. wag na lang tayo umasa makaganti tayo kay kwik chow! este tsip tsao ba yun? wala silang talent sa boksing.......


di ako naka pusta......walang pumusta!!... naikot ko na ang kampo pati mga ameriki kay dodong manny sila..... takte!!



Please Watch the MOVIE......lolz...
Pics forward lang... galing nong gumawa....

Lagot ka! - Layouts and Images