Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Biyernes, Mayo 15, 2009

Kong Pinoy si "NOA"

"Pics from Google Basahan o Trapo"




Ganito ang mangyayari sa barko. Read lang …..... ......


Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing


"Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.


Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?!!!" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo." At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.


Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.


Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.


Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.




Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".



"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.

" Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing,

"Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."


" Naalala ko lang nong kumuha ako ng NBI Clearance,Naalala kong lang ang BAN dito IRAQ.... kaya tumatagal ang proseso kasi may laging gustong sasakay at makiki -angkas... hayzzz......

"May Pag-asa pa rin tayo... mga Kabayan...... yung taga broadcast ng weather..lolzzzzz

P.S. Forward Email lang sa akin ito..alam ko napangiti ka rin dahil totoo.. pero minsan ang totoo... masakit....kong sino man ang sumulat nito GALING MO!!





12 komento:

Mike Avenue ayon kay ...

I like this!

A-Z-E-L ayon kay ...

sounds real!

di ko alam kung tinamaan ako o nakiwelga... pero siguro nga tama lng na mabasa ng publiko upang maiwasang masira ang ating mundo!

EǝʞsuǝJ ayon kay ...

hala sige..tara na sa mendiola at magrally...

MAKIBAKA..
IPAGLABAN..ANG KARAPATAN...hehehe

asteeg kuya Bomzz..makatotohanan..

Rhodey ayon kay ...

haaayyyy... buhay pulitika nga naman...

may pagbabago pa ba kayang magaganap?

puro nalang ba tayo abangan ang susunod na kabanata?...

poging (ilo)CANO ayon kay ...

matagal nang wasak ang pinas....

rally tayo para tumaas ang palitan ng pera padala sa pinas...lolz..

mabuhay ka BOMZZ...

poging (ilo)CANO ayon kay ...

matagal nang wasak ang pinas....

rally tayo para tumaas ang palitan ng pera padala sa pinas...lolz..

mabuhay ka BOMZZ...

The Pope ayon kay ...

Nakakatuwa ang post mong ito at nakaka-awa naman si Noah, inabot ng katakut-takot na corruption, hehehehe, purihin ka Bommz.

Pero huwag tayong mawawalan ng pag-asa sa ating bansa, makakabangon din ito, maaaring hindi sa ating henerasyon, maaaring sa henerasyon ng ating mga anak magkaruon ng tunay na pagbabago ang ating bansa.

tonio ayon kay ...

hatop to pare... ang lupet ng artikulong to.. panalo to bro!!! kakabilib...

Joyo ayon kay ...

tsk!

honga naman, di na kailangan wasakin dahil wala nang wawasakin.

:)

Nice post!

Ruphael ayon kay ...

Nabasa ko na 'to.. Ako nga din natutuwa nito..

abe mulong caracas ayon kay ...

buti na lang hindi pinoy si noah!

日月神教-任我行 ayon kay ...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛

Lagot ka! - Layouts and Images