Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Linggo, Hulyo 5, 2009

Advice the Adviser


Advisead-,at + videre, to look] 1. to give advice to; counsel 2. to offer as advised; recommend 3. to notify ; inform. v.i 1. to discuss or consult (with) 2. to give advice. Source from my Webster new word dictionary.

Sa aking pakikipagsapalaran dito sa ibang bansa, marami akong natutunan,lalo na sa mga hamon ng buhay naging matatag ako, sa pakikipag kaibigan at sa trabaho naging bahagi na ng buhay ko, dito lalo tayong kakapit kay Bro (papa lord) dahil siya lang ating sandalan sa anomang problima na dumarating sa ating buhay.

Marami na ako nakasalamuhang tao at naging kaibigan na nag karoon ng problima sa pag-ibig, sa buhay, sa pamilya minsan sa financial. maging pinsan at kapatid ko akoy kanilang nilapitan sinumbungan, di man nila hiningi ang aking opinion o payo pero alam ko na kailangan nila yun para ikakalakas ng kanilang kalooban,



Maraming silang sumbong sa akin ng kanilang mga hinanakit sa buhay, sa bawat buka ng kanilang bibig ay kasabay ang tumutulong luha sa kanilang mga mata, ramdam na ramdam ko ang kanilang pighati , na may kasamang poot at galit na kanilang nadarama, na para bang nag tatanong, kong bakit nangyari Ito? mabait naman akong tao, nagdadasal din naman ako, bat kailangan danasin ko ang lahat ng ito? alam kong di ko kailangan kaagad sagutin ang mga tanong na iyun, maging ako man ay naguguluhan , mababaw lang din ang luha ko pero mas nanaig sa akin na ipakita ko sa kanila di yun ang katapusan ng buhay ipapakita ko sa kanila na matibay akong tao (kilangan ko yun para sa kanila), pano sila kukuha ng lakas ng loob kong ako mismo ang taong nilapitan ay nag papaapekto sa sitwasyung kinasadlakan nila?


“ Di tayo bibigyan ni Bro ng Problima,kong di natin kaya” yan ang lagi kong sinasabi nangyari ang lahat ng iyun para mas lalo tayong maging matatag sa anomang hamon na dumarating sa ating buhay at laging tandaan may Bukas pa para sa ating buhay nag hihintay

Minsan di maiwasan nag tatanong ako sa aking sarili bakit kaya ako? sa dinadami ng tao na ka kilala nila bat ako pa? naniwala kaya sila sa sinasabi ko? naibsan ko kaya ang kanilang dinaramdam? di ko akalain na magiging instant adviser ako o taga pagpayo at lalo nat di pa ako ganun karaming karanasan sa buhay upang mag bigay ng payo sa mga mas nakakatanda pa sa akin. lalo na di ako si (Dr Phil hehehe) pero ika nga bilang kaibigan at sa salitang kaibigan gagawin ko ang lahat. papayuhan ko sila sa abot ng aking makakaya maging tama man o mali ang sinasabi, ang mahalaga sa akin ay maging mapanatag ko ang loob nila mag karoon sila ng kunting pag asa at malaman nila na di sila nag iisa andito ako kong kailangan nila at .malaman nila di ko sila ewan sa oras ng kanilang pag iisa.

Ngayon Masaya akong unti- unti kong nakikita ang kanilang pag bangon mula sa isang bangungot na yugto ng kanilang buhay,Masaya akong nakikita na nag karoon uli ng sigla ang buhay nila, nag ka roon ng kulay (di dahil sa gulay) dahil lahat ng mapait na kahapon ay pinag tagpi tagpi uli sa dahan dahang pag takbo at pag ikot ng panahon,Masaya ako dahil naging bahagi ako sa kanilang pakikipaglaban sa laban ng kanilang buhay….

Ngunit may katotohanan di lang nila alam, mas natuto ako sa kwento ng buhay nila,naging matatag ako sa mga payo na binitawan ko sa kanila ,sarili ko rin pala ang magmamana , may natutunan ako sa pag suong sa ganuong problima. sabay sa pag ahon nila pareho kaming may natutunan sa bawat isa.

Minsan nakakatuwa nga lang din isipin,.....tao lang din po ako dumarating sa buhay ko ang pag subok.baliktarin natin ang pangyayari kong sila kaya naging ako at kong ako naging sila, jan kaya sila para sa akin? kong maranasan ko ang naranasan nila?mag bigay kaya sila ng kanilang payo? o baka sabihin na lang nila di na ako nangangaylangan ng payo, dahil ba matatag akong tao? o dahil di nila ako makitaan sa aura ko na parang sinakluban ng mundo, dahil ba ako lang ang taga payo?,tatapikin kaya nila ang balikat ko na sabihing anjan lang sila kong kailangan ko sila?, gaya ng ginawa ko sa kanila.? dasal ko na lang......
SANA…..


Kaibigan ang buhay it’s a matter of give and take, pakiramdaman din natin ang bawat isa, lalo na kaibigan lang ating malingunan dito sa ibang bansa,kaibigan wag tayong palunod sa kunting saya! isipin natin sa ating pag kadarapa anjan ang iyong kaibigan para Iahon ka at alalayan hanggang makayanang mong bumangon mag isa.Dito sa ibang Bansa kaibigan lang natin ang ating kaagapay sa ano mang Problima.Maging tagapayo ka man o ikaw ang Pinapayohan.


“In our life its not always easy, being a thousand miles away from your love ones and family, sometimes I need to be a clown I need to be tough and strong, but deep in me I was bleeding.. coz the time they needed me most (my family), I wasn’t there, I am here far far away and the only thing I can do is to hold on to and to pray to our god almighty.coz as the song says.. God will make a way where its seems to be no Way".. ito po ang testimony ko noong nakaraang sabado sa aming simbahan.dito ko binahagi aking suliranin kay Bro.

as I said tao lang po ako dumadaan din ako tulad ng dinaanan niyo, sa ibang mang paraan sa ibang kwento at sa ibang pangyayari……….kilangan ko rin Advice niyo
Kaibigan………


Adviser-advisor n. one who advises.-legal advisor.



Subok lang kong pede na bang mag Emo Emo-an hahaha….lolzzzz…


Salamat

Bomzz



19 (na) komento:

poging (ilo)CANO ayon kay ...

kong sila kaya naging ako at kong ako naging sila - SILA ANG MAS GWAPO...hehe..lolz..

kapit lang kay Big Bro mr.emo...hehehe

lenz ayon kay ...

sa bawat pakikipag usap mo sa tao ay meron tayong natutunan tulad natin dalawa madalas tayong mag usap na kong ano anong bagay ang ating napag uusapan lumalawak tayo minsan nga nag tatalo pa tayo..hehehe..malayo na ang narating natin bomzz...minsan umiyak na ako sayo at minsan umiyak ka na rin sakin...salamat at nagkakilala tayo..

emo hndi bagay (lolzz) tara kain nalang tayo mamaya mag popeye daw si ching..

HOMER ayon kay ...

sabi nga ng Kanta ng Orient Peark if im not mistaken, "Pagkabigo't alinlangang gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at iyong labanan"

Hehe!! :D

Ching ayon kay ...

hehehe ganda na sa una at sa gitna hahaha tawa parin sa huli kahit madrama...

i need your advice MR. Phil... dami payuhan mo dong bomzzz isa na ako..... pangawlawa si len nyahhhh mas lalo na si bubuyog...

ching

Bomzz ayon kay ...

@ Pogi hahah... tindi ng banat.. lagi akong nauunahan ok lang...

si Bro lan talaga pre....

salamat

@ Dodong Len ako umiyak? di ah! tama ka dodong basta wag kalimutan ang sibuyas ang anjan lang ahaha salamat din nag kasama tayo.. maigi ka na kaysa indianiks.. baka no malom ni-ye ako hehehe..

popeye? diet ako ngayon sige bili na kayo hehehhe

@ Homer sa tingin ko tama ang kanta...salamat napadpad ka uli..

@ Ching palitan lang tayo di pede kayo lang takte! heheh..ayus lang dong basta kilangan niyo opinyon ko kong di klusyon lolz... dito lang ako dong..

salamat..

Gumamela ayon kay ...

dhil medyo emo ang post(MEDYO LNG HA) pwd bng emo dn ang sagot?

minsan may mga bagay na madali para sa atin pero sa andun sa sitwasyon napakahirap.(may kilala nga ako nagagalit na kc ang dali and babaw dw ng pblma ko minsan ngunit ako lng dw ang nagpapalaki)Lolz!

bsta ang tunay na kaibigan hndi umiiwan sa laban, matalo manalo maging mali man yn o tama ang totoong kaibigan anjn parati pra umalalay...

sa panahon na tlgng mahirap bumitaw ng pangaral, ANG PAKIKINIG AY ISANG NAPAKALAKING BAGAY.

have a nice day!

p.s. pakisabi sa amaw jn mgtanim p xia ng sibuyas para may kasabay xia kung sakaling maiisipan nya uli un...(nyahaha)

Deth ayon kay ...

ahem emo...

sabi nila ang pinakamagandang payo na mabibigay mo sa sarili mo ay yung mga payong binigay mo sa mga kaibigan mo...dahilmadalas ang mga problema ng kaibigan natin ay waring sumasalamin lang din sa mga problemang dinadala rin natin...

may sense ba yung sinabi ko? ahahaha

SEAQUEST ayon kay ...

Madali magpayo pag di ikaw ang involve, madaling makinig pag wala ka sa sitwasyon ang pagaadvice di basta-basta ibinibigay dahil ang taong marunong magadvice marunong din makinig dapat, kung hiningan ka ng payo saka magbigay pero kung hindi ibig he/she only needs a shoulder to cry on, or ears to hear those emotions, pansin nio ba pag tayo na yung nasa sitwasyon ng taong pinayuhan natin...Did you realized hindi mo na rin alam kung ano gagawin...Sinasabi ko dahil ganyan ako hehehe...o yan naki emo na tuloy ako...Godbless.....

Bomzz ayon kay ...

@ Bhing emo ka talaga! hehehehe tuloy lang buhay, kaibigan walang ewanan peksman lolzz

PS. di na kami mag tatanim sibuyas "Move na daw siya" hahaha

salamat

@ Deth Napanuod mo ba yung "Antwone Fisher" na movie? parang ganun ang pang yayari...
salamat may sense ang sinabi mo...

@ Badik tama ka madali ang lahat para sa atin kong di tayo ang may problima.... ganun lagi yun..eh no?
ok lang maki emo.. lahat tayo may emo moment kasi hehehe

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nice one!
Minsan nga lang yung iba humihingi ng payo pero mas sinusunod pa rin nila yung sa kanila na sa bandang huli ay pinagsisihan nila. May mga tao rin namang magaling magpayo pero hindi nila kayang gawin sa sarili nila...

;)

The Pope ayon kay ...

Dear Charo-t, hahahaha parang pang MMK ang dating mo ngaun. Sa aking paniniwala, may mga tao na talagang epektibo sa pagbibigay ng advice, dahil sa kanilang malawak na pangunawa.

Kahit sino ay maaaring magbigay payo kanino man 'kung' ikaw ay kanilang hinihingan ng payo.

Purihin ka kaibigan.

Bomzz ayon kay ...

@ Dhyoy salamat... naka nice one na ako sa iyo... lolz

napa isip ako sinabi mo ah pero totoo yun.. salamat uli..

@ Pope tawa muna ako hahaha pang MMK ba?

ewan ko nga ba. di ko sinasabi malawak na pag uunawa ko pero di ko alam kong nag kataon lang yun andun ako panahon na may problima sila.. hehehe... salamat uli Sir Pope...

ROM CALPITO ayon kay ...

parekoy ganyan talaga kung ikaw ang nkikitang may kabutihan sa kanila ikaw ang pakikingan kaya sa iyo sila humihingi ng payo.

hihingi na rin ako parekoy
penge ng ka penpal jan (lol)

Bomzz ayon kay ...

@Jethro ganun ba yun? lolz....

penpal? sa chat room ka na lang... hhahah..salamat sa comen..

Gemroy Fuentes ayon kay ...

Hi! I’m new with your blog, nice site! Can we exchange link? I have added your link on my blog. Thank you.


http://qoutes-qoutes.blogspot.com/

Hari ng sablay ayon kay ...

emo-emohan nga ah,hehe

kdalasan nga ganun yung mgaling mgadvise sa ibang tao,pero pgdating sa sarili sablay,hehe

Kosa ayon kay ...

sigurado ako parekoy, maraming natuto sa testimonya mong ito.

at TAMA ka sa mga sinabi mo, paano mo sasabihin na magpakatatag sila kung makikita ka naman nila na marupok at gutay-gutay na?
yun yun eh...
kailangan nating magpakatatag para sa mga taong minamahal natin.

**************

naniniwala rin ako na ang bawat kwento dito sa blogosperyo eh isang baul na may laman na aral na maibabahagi sa bawat isang nagdaan.

Kosa ayon kay ...

sigurado ako parekoy, maraming natuto sa testimonya mong ito.

at TAMA ka sa mga sinabi mo, paano mo sasabihin na magpakatatag sila kung makikita ka naman nila na marupok at gutay-gutay na?
yun yun eh...
kailangan nating magpakatatag para sa mga taong minamahal natin.

**************

naniniwala rin ako na ang bawat kwento dito sa blogosperyo eh isang baul na may laman na aral na maibabahagi sa bawat isang nagdaan.

lovesports ayon kay ...

Hi, I enjoy reading your site! Is it okay to contact your through your email? Please email me back.

Thanks!

Cailyn
cailynxxx gmail.com

Lagot ka! - Layouts and Images