Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Miyerkules, Disyembre 17, 2008

Simbang Gabi na!


Simbang Gabing/Madaling araw na mga kabayan! nag simba ba kayo? (nag simba na ang luvs ko at chikitings) ako hindi! nag patigas lang ako sa kama ko lol’s (lamiggggg), unang una wala nman kasing simbang gabi/madaling araw dito, kaya nakakamiss talaga, itulog na lang ang tangi kong magagawa, memorabol sa akin ang simbang gabi dahil sa tanang buhay ko for the 1st taym sa wakas, nakakumpleto ako ng siyam na araw na pagsimba sa pag tiyagang pagising ng maaga kahit nasa kasarapan pa ng??,(Bak in dah Day! taong 2000) nangyari lang din yun nong nag asawa na ako (nong binata pa kasi ako wan-E! ko lng ,alaws akong matandaan na nag simbang gabing/madaling araw ako sarap kaya matulog lalo na sa edad na Dise!) buti na lang matiyaga rin ang palaluvs ko na pagsasampalin ang puwet ko para magising, kong di dahil sa pa laluvs ko malamang nag papatigas din ako nung mga umaga na yun, at talagang mapilitan akong bumalikwas sa higaan, ayoko rin namang pabayaan na maglakad siyang mag isa lalo’t TisBun siya nun (lam nyo na probinsiya may MoMO! daw) kaya babangon ako’t dudurr.. :) mag bihis at mag simba wala ng ligo-ligo pa.

Ang di ko makalimutang pang yayari ng simbang gabi magpa sa hanggang ngayon pag naalala ko yun napangiti akong mag-isa (giggle),Buntis nun ang Palaluvs ko sa aming
anak na panganay dahil nga sa pamahiin at tradisyun nating mga pinoy ayaw rin naming pumaltos sa simbang gabi. kaya nung isang madaling araw mejo tinanghali kami ng gising ng palaluvs ko (ang pamahiin rem?.)
Nagsimba pa rin kami kahit tapos na tumilaok ang manok (pa-us na!) , as expected lahat mabilisan mabilisang hilamos mabilisang bihis mabilisang lakad, hayzz buti na lang umabot pa rin kami, na di pa tapos ang mesa , di na nga kami naka upo nihalos nga di na kami makapasok sa simbahan punong-puno (daming humiling kay papa lord), kaya nakatayo na lang kami sa may bandang bungad ng simbahan,habang tiningnan ko ang magandang mukhang antuk na antuk pang buntis na palaluvs ko , may napansin ako bat ang damit nya nakalabas yung mga tahi? naku! luvs baliktad damit mo! ,ha! gulat din siya,at sempre di mo mawawala yong mahihiya ka, di namin napansin dahil nga sa pag mamadali, at isipin nyo na lang sa dami ng tao simbahan san kaya kami mag tago para baliktarin ang damit niya(tek nowt! hubarin pa yun) laki pa naman tiyan nya hehehe.naghanap ako ng puwesto, sabi ko dito na lang tatakpan na lang kita bilisan mo lang dali dali naman ang Palaluvs ko, don kami sa ilalim ng hagdanan yung hagdanan ni kampanerang Kuba sa ilalim ng kampana hehehe.kaya napaka anforgetabol,memorabol sa akin ang simbang gabing/madaling araw na yun, pag bumabalik o sumagi sa aking isipan napangiti na lang talaga ako tsk tsk … tama na! to leche,gatas,supass kape!! na hohomesick na ako ho! ho! ho!, he! he! he!

At isa pang nakakasarap pag mag simbang gabi sa madaling araw kasi sa probinsiya namin (ewan ko lang sa inyo hehehe) pag katapos ng mesa meron inahanda ang taga-simbahan para sa lahat , may libreng pagkain, alam nyo tradisyun na rin yang mga kakanin sa umaga, natandaan ko nun meron silang Bud-Bud (suman sa tagalog), Sikwate o Tabliya (tsokolate sa tagalog) at Pandesal (Pandisal sa bisaya lol’s) at meron ding kape ewan ko na lang ko anong bisaya sa kape,hmmm! nakakatakammm... naman.. namannnn!


Alam ng sambayanang Pilipino kong ano ang pamahiin sa simbang gabi diba? di na kilangan pang iladlad kong ano yun basta ako,ikaw,tayo ay naniniwala, di dahil Pinoy ako,ikaw,tayo kundi dahil ako,ikaw, tayo ay Kristiyano/Katoliko, maliban na lang kong ikaw ay nasa sektor na dihins na niwala kay PaPa Lord.


Ang aming winiwish kay Papa Lord binigay o tinupad niya rin :) ,iniluwal,pinanganak, ng luvs ko ang panganay naming anak (ate Issa) na maayus at normal.



"Maligayang Pasko sa Inyong Lahat. ituloy ang Pagsimba sa Gabing madaling Araw"

9 (na) komento:

Randy Santiago ayon kay ...

Una ako dito Pareng Bomba!

Natawa ako sa entry mo. Lalo na dun sa pagpwesto ninyo sa ilalim ng hagdan para baliktarin ang damit ng asawa mo. LOL. Hahahaha.
What a memorabol ekspiryens!

Bomzz ayon kay ...

@ Mike salamat una kang nagpuputok

oo memorabol talaga yun,sa katunayan tinitext ko asawa ko habang sinusulat ko ang entry nato.
kong naalala pa niya yun! OO daw tanong siya kong bakit?

sinabi ko lang kanya basahin mo na lang Blog ko mamaya, sigurado matatawa yun...lol's

salamat uli mike maligayang pasko

Randy Santiago ayon kay ...

Maligayang Pasko din sa asawa at mga anak ni Bomzz.
Sana kahit malayo si Papa Bomzz ay nasa puso't isip ninyo ang kaniyang katauhan. Hehehe. Parang madrama!
Pasasaan din at magkakasama-sama na ulit kayo kahit ba hindi na pasko eh di i selebreyt nyo ang pasko kahit hindi pasko kahit mahal na araw siya umuwi o kaya eh todos los santos eh di selebreyt nyo pa rin.
Ingat ng marami at magandang gabi. Kung gabi man jan, at magandang araw naman kung araw, kung tanghali aba eh kainan na!

veta ayon kay ...

Maradjaw na Pasko sa imu Bomzz:-)

pusangkalye ayon kay ...

yun ba sekreto u kuya boomz? hmmm...cge nga gayahin kita para madali din sakin ang life. haha

________

December pala Bday baby u ha---cguro plinano nu yan...kaso di ymabot ng 25, maganda pag 25 ng December Birthday u---di nawawalan ng handa at kasiyahan....

....merry Christmas Kuya Bomz...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

honga honga pano mo nga naman makalimutan ang simbang gabi memories mo hehehe..

nakakamiss din ung mga kakanin after simbang gabi.. hu hu hu

meri krismas kabayan...
magsisimnba na ko.. babushki..

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ mike nabasa na ng ismi ko tawa daw siya ng tawa. hehehe

sa ngayon sa pusot isipan muna talaga tiis2x din.

@ Pusang Gala-di naman sekreto i apply lang natin sa deli layf.lasapin natin minsan.

wala nga sa plano eh.. butas yata ung condom nabili ko hehehe.


@ Veta- Marajaw sad na pasko sa imo Ma'am salamat sa pag bisita.


@ Yanah-di talaga malimutan yanah 1st taym kasi ehehe sige simba kana.. maligayang pasko.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nakakatuwa naman ng experience nyo ng misis mo.

talaga nmang ang biyaya, minsan higit pa sa ini-expect. kaya nga daw dapat be ready!

bago ako magtapost isa munang...blaag, taag, clik, BOOOMM! merry christmas and a happy new year po.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Eli maraming salamat sa pag dalaw mo ha, ala boy scout tayo laging handa :)

talagang may pasabog pa hehehe

Lagot ka! - Layouts and Images