Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Huwebes, Disyembre 11, 2008

Guhit ng Bayag



Sa pag aabroad o pangingibang bansa meron laging nakabuntot na kasabihang "swertihan", swertihan lang yan talaga sa pag aabroad sabi nga ng iba at sabi rin ng Angkol ko(puntong bisaya:)) may kanya kanya tayong guhit ng bayag , nasa bayag daw nakaguhit ang ating swerte (maniniwala ka ba?) siguro kong mangyayari maniniwala ka diba?(malamang hindi rin hehehe) alam niyo mga kaibigan,kabologers,kabatihan,kaututang libag marami na rin akong nabasa na mga kwento tungkol sa buhay ng mga kapwa ko OFW sa ibat ibang lupalop ng Earth, may kwento kapupulutan ng (pulutan) aral,meron ding kwento nag bigay inspirasyun at leksyon sa bawat araw2x na pamumuhay. meron ding kwento ng pag kabigo sa pag ibig,pera,trabaho basta lahat ng kwento. isama mo narin ang walang wentang wento.


ball’s line….


Speking of swertihan sa tingin ko meron din sigurong na I guhit sa aking dalawang hindi pantay na bayag na kunting swerte hehehe isipin mo nga naman napadpad ako dito sa mapayapang matiwasay na bansa ng mga taga Babilonya ng wala sa plano,di man lang sumagi sa kukuti ko noon na makapagtrabaho ako dito, "but a saying goes the unexpected is the one you’ve been expecting" kong di mo nagets! ito ako rin hindi! tabla lang tayo kwits!!, samakabaluktot dito parin ako sa iraq. sa kabila non akalain niyo rin bang ang lahat ng imposible kong pangarap, sa iraq nagiging possible ito o nagiging totoong kasinungalingan (true lies).

feel it!!

Ang lahat ng buhay na di mo matikman kahit kunti o kahit saglit manlang sa sariling mong bayan kahit magkadakuba,magkanda tambling ka na sa trabaho mo alaws o wala pa ring mang yayari sayo (sensya na bayan ko dahil totoo!) dito sa iraq matatamasa mo ang lahat ng gusto mo maayus na trabaho,Maayus na Sayud,pera,datung,warta,Libre bahay,Libre laba,libre kain,libre pamasahe (bus) pwera! sa babae kilangan ibigay mo CA mo,(cash advanzz) heheheh swertihan ika nga diba?Wag niyo lang akong tanungin kong san nakaguhit ang swerte ng mga babae lol’s wala nman silang bayag isip-isip? hehehe.
da'h luck...

Kong Ikaw kaya mabigyan ng pag kataon ma offeran ng magandang posisyun sa trabaho tatangagapin mo ba? o pag munimunihan mo muna,pero kong ako ang tanungin huh! mabilis pa kay speedy gonzalez arriba!! arriba!! OO agad isasagut ko don walang pakime kime, SuSung-gab agad ako ikaw ba naman maging Manager/Supervisor at kong ano-ano pang mataas na pwesto o posisyun aayawan mo? engot ka kumag ka! kong aayaw ka!, Sa akin di siguro mangyari yun Bring it on! Opportunity knocks only once kaya kilangan buksan mo ito agad, baka sasakit na ang kamay sa kaka katok lilipat pa sa ibang pinto,ginto na baka maging tae pa Lol’s

on da'h top!..

Sarap ng buhay kong ikaw ay nasa mataas na posisyun diba? inaasahan ka ng mga tao mo, inaantay kong anong maging desisyon mo at wala silang magawa kundi sumunod lang sayo at kong anong nagiging desisyun mo, pipirma sa mga papeles mag aaprob ng mag projects pakape-kape, malawak na opisina,maayos na mga furnityur sa opisina may sexetary naka pantalon o jeans kasi bawal dito mga pasexyhan o paeksi-an ng damit kala mo yung typical na sexetary ano? pwess hindi! mali ka! heheheh at sempre higit sa lahat malaki ang sahud mo kaya masasabi kong ang tao talaga may kan kanyang guhit ng bayag lang yan. at nabigyan ako ng kunting guhit sa bayag na yung guhit na may dalang swerte hehehehe

wat’s wrong! & da'h Konsikwens...

Pero sa kabila ng lahat tinamasa kong (bayag) na swerte parang may kulang pa rin bat kaya ganun?di ka pa rin masaya kong kilan ka nasa tuktuk, at tayog ng iyong (Etits) kareer! ay siya namang unti unti pag layo o pag ilang ng iyong mga kaibigan, diba parang bale wala parin yun swerte sa bayag na yun kong wala ka namang mga kaibigan,kapamilya o Kapuso. maging laman ka pa ng bulong bulongan,tisimisan kesyun ganun kesyu ganito kana,mataas na daw ihi mo eh ganun pa rin nman isang ruler pa rin eh hehehe, naririning mo sa kong saan saan lang usapan pangalan mo para ka ng pokpok na bilasa na sa buong mag damagang kayud. parang ka naring naipit sa nag uumpukang bayag
(posisyun at kaibigan,)

Ke-ver!!! i dont gib a Lamesa Dam!

Pero Buhaymalisya pa rin ako di ko lang sila pinagpapansin bayaan ko na lang sila,kong ganun ang isip nila sa akin wala akong magagawa isip nila yun eh di ko hawak utak nila. leche!! sila hehehe, basta ako nag tratrabaho lang, minsan isang gabi may mga boses akong naririning sa kabila ng aking opisina may nag bubulong bulongan, gusto kong makinig kong anong pinagkekwentuhan nila pero mejo di ko talaga masyadong maaninag,mejo Malabo pa sa ihi ng bagong panganak ang pinag uusapan nila at di nman ako ging-gang goligoli gong gong ka! gong-gong ka!(kanta bay un?) alam ko na instink ko palang pinaguusapan na nila ako, ako na ang laman ng kanilang pahayagan, sa isip-isip ko naman sana isa sa kanila mag lakas loob na kakausapin ako kaibigan din nman ako nila ah! sana sabihin nila ang kanilang saloobin nila kong ano man ang nagiging mali ko para matauhan ako matuto sa mga pagkakamali ko at maitama ito at mabago ang aking dereksiyon at magising sa katotohanan! hanggang nag katotoo nga may nag lakas ng loob na sabihan ako..

da’h reyality!!!!!!!!



HOY!!! Kumag ka! tapusin mo na yan pag pupunas mo jan tangining ka! nakatulog ka na naman! may dalawang banyo! pa sa baba lilinisin pa natin yun! mag aalas dose na! may pasok pa tayo bukas!!

wag ka ng mangarap pa! tagalinis ka lang dito ! hirit pa nong isa!


Naalimpungtan ako napatalon sa kinauupuan ko papungas pungas ako TiTingin tingin sa palibot, Puchang Igit! di ko pa pala tapos linisin ang opisina ng Manager ng aming pinagpartaym-man, Napagod kasi ako sa sobra ba namang laki ng Opis nato, umupo lang ako saglit sa napagandang poging pogi na opisina di ko napansin napad-idlip na pala ako, buti na lang ginising ako ng mga kasama ko. hayzzz! meron pa nga palang banyu sa baba linisin pa namin yun ihanda ko na nman sarili ko at ang sikmura ko, makipag wrestling sa mga tae ng mga Puti na may nakatatak na $dolyar.sabay kanta (napakasakit kuya eddie ang sinapit ng kanilang Tae!) niloglog ko talaga ng panloglog plung-j-z-er ba yun? ayaw mag flush kasi eh! ewwww!yakssss hehehehe, totoo yata ang sinasabi na ang translation o patsambang hula, na pagnanaginip ka ng tae pera daw! hahahaha

Buti na lang panaginip lang yun ayoko rin ng ganun,mas maigi pang tagalinis na lang ako may mga kaibigan,kapamilya,kapuso,kabatibot pa akong gigising sa katotohanan ng aking mundong ginagalawan at may kasabay pa ako sa pakipag Log-logan sa mga taeng may nakatatak na $Dolyar...

It was all a Dream.....

Pa. Sobra.

Wento lang po to ha bahala ka kong maniniwala ka man o hindi na sayo na yon heheheh , pero totoo pong yan ang aking part taym Opis boy by Day Janitor by Night kumita lang ng tumaginting na Dolyaressss.




(my Piktyurs nat Abilabol yet)

“habang akoy tumataas lalo akong yumuyuko- kawayan”

8 komento:

pusangkalye ayon kay ...

agree ako dyan---dami ko kakilala na kahit ganu kapursigido at kahit ganu ka-qualified, wlang swerte. meron naman akong kakilala na parang walang gana, wlang ginawang effort o ginastos na pera pero the next day ayun na.....cguro minsan nasa kakilala rin.....it;s not what you know but who you know talaga.....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@Pusang-Gala kaya may salitang swertehan para sa taong di nag eeffort o walang ginagawa hehehe.

Pag may swerte pag igihan na lang...ala na ako matsabi salamat uli Ton's

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.

-joshy

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Mam Joshy walang anuman at salamat din maligayang pasko at manigong bagong taon sayo... enjoy..

Kosa ayon kay ...

idol Bomzz**
lols pers taym ko ba magkomento sa post mo? parang hindi ahhh..

pagkatapos kong basahin ang malatelenobela mong akda..

ito ang aking napagtanto..

una,
hindi lang pala ako ang may uneven na proportion ng bayag..

pangalawa,
alam ko ang disenyo na nakaguhit sa bayag mo.. para ba itong mapa ng yamashita treasure? madaming daang liko liko? magulo... parang design nung leeg ni madam auring na laylay na..

pangatlo,
natutuwa ako sa nakakatawang pagkukwento mo..hahaha

pahabol
ganun talaga ang buhay pinas.. parang bulbul.. di mo maayos sa isang suklayan lang.. ang trabaho dito ay hindi pangkabuhayan.. lugi pa nga minsan..

hindi nman masama ang pagtatrabaho sa kubeta eh.. lalo na kung nasa labas ka na ng teritiryo ng pinas.. kadalasan ng banyo sa amerika akala mo kainan.. malawak at malinis..lols

tapos malaman yung kikitain mo sa tatlong araw na tig-6hours mo kikitain mo dito sa pinas ng isang buwan..

pasensya na napasarap sa epal eh..lol interactive kase.. akala ko pa nman nasa irak ka talaga nasa afrika ka nman pala..lol
joke

Bomzz ayon kay ...

@ Kosa mala San Waniko Brijzz! ang Epal mo ah hehehe
at di kana Beer-Gin dito di mo pers taym wang lu kana hahaha..

akin rin napag tanto..

una: Hay Fayb!

pangalawa:kaya di mahanap ang Ginto ni Yamashita

Pangatlo:natutuwa din ako sayo at sa mga Poste! mo hehehe..


pahabol:Maraming salamat Kosa

Africa?? ngeeehh hehehe


No youre My IDOL....
Bomzz to Kosa...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Titingnan ko muna ang mga nakaguhit sa betlog ko. Baka ito ang karugtong ng mapa ni Yamashita sa betlog mo.
LOLz.

Happy Birthday nga pala kay MAYMAY!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Mike Okay lang dito salamat

hahaha baka nga?

ngayon pa lang balatu ko ha..


Salamat sa pag Bati.. sa bunso ko :)

Lagot ka! - Layouts and Images