Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Lunes, Pebrero 23, 2009

Sayaw ng Cervesa

Ang love story natin ay makulay na pelikula,
Masaya, masalimuot, parang nobelang magkakaiba
Nag-umpisa ang lahat sa Cervesa,
Malagkit na Titig sa iyong ganda, habang Tumotungga
Sinung 'di maaakit, 'di mamamangha?

Sampung sagot sa tanong mo na Why do u love me ba?
isinulat pa isa isa, kamay nanginig,
mata ay naningkit, may amat’s na pala
Espirito ng Cervesa sa akin tumalab na

Kinabukasan ika'y namangha at sumaya,
Bawat titik at letra lahat nasa alaala,
Kala mo ang lasing na senglot wala ng memorya,
Kamandag ng Cervesa sa akin 'di umobra,
Sapagkat sa puso't isipan ikay nakamarka.

Di namalayan naglalakad, magkahawak kamay at maligaya,
Walang pakialam sa paligid, walang ibang pinakinggan
Bulong at pintig ng puso parehong naramdaman,
Tayong dalawa habambuhay magsasama.
Kahit mga buhok natin ay puti na…

Sa buwan na'to at araw na'to nakamit ko ang matamis na OO ng Luvs ko . yan ang umpisa ng kwento ng aming pag iibigan.














Huwebes, Pebrero 19, 2009

Sa Blog nga Naman

Sa Blog nga naman......................... kala mo kong ano na hehehe taytol lang yan kaibigan.. di yan ang totoong pakay ko o tema ng aking wento, nitong mga nakaraang araw kasi may mga taong nag aamok sa aking mga kapitbansa.

Habang ako namay atubili sa aking mga gawain at pag asikaso sa kunting aberya sa buhay buhay (kunti lang naman napawi din). di ko napansin ang kapitbansa kong nag amok na si Pogi at Yanah nasa likod ko na pala.. may dala dalang Itak at winawasiwasss! hayunnnn! bigla na lang! Tag!!!-(a) ako.. kaya ito gagamutin ko muna.. gaganti din ako.Lintik lang ang walang Linta! lol's

Tag Name Game daw may batas pa! nga naman "OO!" hehehe, Ilista ko daw ang pangalan na tawag sa akin ng mga tao at isulat ko kong sino ang (salarin) taong tumawag sa akin ng pangalan na yun.. yun ba yun?? ewan! basahin niyo na lang tsk tsk sensya nagulo utak ko english kasi yun rules nila eh! heto na ..baka nalilito na rin kayo.. hano? sensya na uli hehehe..

Lang- yan ang tawag sa akin ng Ismi ko, yan ang pinaiksing salita ng bisaya na (Langga o Palangga) pag naglalambing hmmm..

Luvs- tawag din to sa akin ng Ismi ko ( yan ang aming tawagan)

Boom- Ang tawag rin ng aking Ismi pag galit! na siya sa akin.pag narinig ko na yan gawa na ng Alibi lol's.

Bombet- Ang tawag sa akin ng Erpats at mga kapatid ko. at sa mga taong malapit sa buhay ko O! ayan may idea na kayo kong bakit ang blog ko Bomzz-in-Iraq ang pangalan . tama lang talaga kasi nuon dito mejo maraming pang pa Bomzz! ang mga teroring! (mortar madalas! kaya yun naisip ko, parang yung sa Komiks noon Pratatatatatatt tattatattt boomzz bomzzz! hiya!!! tigidig tigidig..hahaaha)

Jhim- Ang tawag sa akin ng mga tamad.ayaw tapusin pangalan ko

Jhimbo- Ang tawag sa akin ng mga ka tropa ko dito sa iraq (astigpinoy)

Bo-Ang tawag sa akin ng kaibigan kong Fil-Am na sundalo dito eh tamangtama Ilonggo siya (Toto), pag tinawag niya ako BO!! TO! bakit? sagwa noh?..hehehe

Pareng J o Pare- Ang tawag sa akin ng Pakner ko sa opis na si engot Dodong Len2x lol's( len wag ka makialam blog ko to gaganti ka? Mag Blog! ka lol's)

Bong-Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko nong nag layas ako sa Leyte (back in the day)

Dodong Jhimbo- Ang tawag sa aking kaibigan kong si Dodong Manny Lead guitarist at Lead Vocalist namin sa Church. (mga bisaya kasi)

Bombeto- Ito ang tawag sa akin ni Mama Berling ko nong maliit pa ako,

Big- J- Ang tawag sa akin ng isang americano naming kasama sa Dept,


KuyaBomzz,Tito Bomz,Pareng Bomzz- Ang kadalasang tawag sa akin dito sa Blogesperyo. ma respeto lang talaga at profesyonal ang mga tao sa blogesperyo. o talagang Welcome to the Club na ako lol's

Ito nagamot ko na ang isang Tag(a) sa akin may isa pa... heto...

Mag sulat daw ako ng sampung bagay tungkol sa aking sarili ang siyam nito ay kasinungalingan isa lang ang Totoo teka2x baliktad yata.. hmmm?? kayo na bahala... the readers will digest the story wat??? hehehehe. sige gagamutin ko to uli, mejo malalim ang pagka taga kaya malalim din ang pag tatahe ng wento.

Babala lang: Mamula ka hanggat gusto mo! Tag ko To! In English Read at ur own Risk Tag ko To!

1,May Asawa at dalawang anak na ako. ipagyabang ko na magaganda sila mana sa Papa nilang Guapo (gamit na masyado sa blog ang Pogi lol's), Luvs sensya na Blog ko to ako ang Bida dito, wag kang mag alala ikaw naman leading lady ko eh. hehehe

2, Paborit ko ang SuT-To-KiL...... relaks di ako mamamatay tao, yan po ang tawag sa bisaya sa putaheng Inihaw na Isda,Tinolang Isda, at Kinilaw na Isda. (sarap lalo na ang kinilaw at templa ng luvs ko hmmm gutom tuloy...ako)


3,Mahilig ako sa hip-hop clothing,nag koleksyon rin ako ng Football Jersey.mahilig din semperds sa Hip-Hop music (di yung mga nagmumura na lang),R&B, Reggae,Old Skol,Love Song Music pero I love BisayaRockers!.(nasabikonato)

4,Membro at Founder ako ng pinakasikat na Dance Group noon (The Shaker Boys) sa lalawigan namin 15 Years ago.(kaibigan walang iwanan kahit malaki na ang mga tiyan tuloy ang sayawan .our iwa motto)

5,Two time's Table Tennis Champion ako (2008) at isang Second (2006) dito sa Campo namin,(nakatsamba lang)

6,Merchandizer ako sa LadysChoice at Selecta Ice Cream, noong di pa ako sumuong sa buhay O-IP-DOBOL-YO!

7,Naging kaladkaring waiter ako sa Dubai at naging isang taga Kiskis-pakinis sa isang furniture company sa Al Quos Dubai noon.

8,Gusto kong mag Aral at Matuto sa trabaho ng mga Astig! na Graphics Designer o tapusin ang pagiging Teacher ko.di pa huli yata hehehe

9,Muntik ng makulong dito noong 2005 dahil naiwanan ang ID ko,buti na lang mabait ang mga MP napakiusapan (naubusan ako ng english sa paliwanag ko nun No malom english!hehehe).wheewww!

10. Dahil ayokong mag sabi ng kasinungalinagan (nakss) ito na lang pangsampo ang magiging kasinungalingan ko. this is a Lie! i repeat this is A lie! (brek! dah Rowls yo! lol's)

Sa wakas natapos din..ang mga Tag-(an) nato,pinahirapang ako sa Tumang kalisod (bisaya lang ka intindi) olrayt's that's all poks. kayo na bahala uli wala ako sinabing kasinungalingan. kayo na ang mag pasya...

hayyyy ang Blog nga naman.........di ko ito ipapasa makikisuyo na lang ako...salamat sa mga Nag TAG!......nahalukay ubi tuloy ako heheheh.

Pakisuyo ko to sayo
DODONG LEN2x Mangarap ka Pare walang Bayad to.







Lunes, Pebrero 16, 2009

Kayo ang Bob-ong ko


Sa bawat pagdaan,pagtumbling,dalaw2x,bisita o kaya "was here" ko sa inyong tahanang blog, lagi akong may pinupulot (di po basura) o napupulutan (di po bicol express) kundi aral,leksyon,koro-koro,words of wisdom na pede kong i apply sa aking sarili, nag bigay ito liwanag sa mga bagay bagay na di ko naiintindihan minulat ako sa mga katagang ginamit ninyo nakss!. napangiti,napatawa,napahanga,na-inspired ako,Kayo ang aking BOB-ONG sa Blogesperyo.

teka teka.. napaka akrobatiko na yata intrada ko..heto na...


I'm not a Religious person,But i believe and i Pray.trial lang po sa akin ito eh hehehe.


1,Mas nasasaktan lang ako kapag alam kong ako ang nagdudulot ng sakit sa aking minamahal.

2,Mahilig akong magbigay ng sarili kong gamit kapag nagustuhan ng iba, pag naibigay ko na, magsisisi ako.

3,Sa buong buhay ng isang tao.. mas madalas sa minsan, may makakabungguan kang tatlong klase ng tao.

4,Isang masayang gising ang aking umaga ngayon. Pagmulat ng aking malalagkit na mata dahil sa mga natuyong muta, agad akong bumangon sa aking pang prinsepeng papag

5,Mas mabuti na ang ganito, wala na ang iyong paghihirap…hindi kana dadaing dahil sa sakit..ngayon makakangiti ka nang muli…dahil isa kanang anghel.

6,The mountains we have climbed to get this farYou learn to take the laughter with the tearsAfter all these years.

7,Ah alam ko na…magaling pala akong magsulat, madami lang nga akong Angst sa buhay.


8,May lamat na yun... kahit mabuo pa un, hindi na mawawala ung lamat.. makikita at makikita pa rin yun dun.

9,Magkasakit man ako o kahit ano pa pagdaanan ko para lang masolusyunan ung problemang pampamilya eh gagawin ko, sa ngayon, kahit IKAMATAY ko maging maayos lang sila.

10,Hindi ko na sya inobliga..sumobra na ako sa pagkatanga.

11,Bakit nga ba ganun ang nature ko? ako lang ba ang ganito na hindi nakukuntento?

12,Hindi na yan masisira. Hindi na masisira ang nasira na.

13,Mga pangako natin sa isat isat na tayoy magsasama sa "hirap at ginhawa", sa "lungkot at ligaya" at ang bago "kung may load man ang celfon natin o wala" ay tayo pa rin, pero lahat yon binaliktad ng tadhana.

14,Wala namang mangyayari wala rin namang mababago kung sabihin nilang pareho tayong "PANGET",kahit anu gawin natin "PANGET " parin tayo.

15,Sige pa…malapit…lalabas na salsalin mo pa! tingnan natin kung papasa sa mapanuring panlasa ang mabulaklak kong salita.

16,Sana nga lang huwag ka magsisisi sa huli kasi isa ako sa mga taong malulungkot para sa iyo at sa pamilya mo.

17,Kahit mala-impyerno na ang kinalalagyan mo, pakiramdam mo pa rin nasa heaven ka dahil nagagawa mo na paniwalain ang sarili mo na okey ka pa, kahit hindi na.

18,Pababayaan na raw ako ng babaeng mahal ko pagkat nagkulang ako ng isa sa dalawang SEKRETO sa pag-ibig.

19,Muntik na akong malunod ngunit para sa mahal ko,pilitin kong kumampay ng husto ang paa ko habang nag aantay ako ng magaling na sasaklolo.

20,Kasabay talaga ng ating pag-alis sa ating nakasanayang paligid ay ang pagtanggap na isang araw, sa ating pagbabalik sa pook na nilisan ay hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam.

21,Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya.” Mas masarap na may kasama, sa hirap man o ginhawa.

22,Doon, nagsasalita ang aming katahimikan. Nagiging pipi sila sa aming galit at taghoy. At kahit pa nagkamali kami sa aming desisyon sa buhay, kailanman ay di kami itinaboy.

23,Bagama’t maingay sa lugar na iyon pakiramdam ko ay naka-mute sila upang kaming dalawa lamang ang magkaintindihan,
“KUNG FEELING MO HINDI MO NA AKO KAYANG ABUTIN, SABIHIN MO LANG PARA MAKABABA AKO AT AKO NAMAN ANG AABOT SA IYO”.

24,Takbo ng buhay, pabago-bago, paiba-iba,Tulad ng tao pangako nawawala,Sa masayang araw sila ay kasama,Ngunit pagdating ng unos namalayan mong ika'y nag-iisa.


25,I guess you can't have it all but you can get used to having a piece of life.......But indeed, all's well that ends well.

Wag kang mag alala ang araw ay lulubog para mag ipon ng lakas upang kinabukasan sisikat ng kay sigla at tikas.-sabi ng sampayan sa damit na nakasampay na basa pa. (sa akin din po ito)

ang inyong nabasa ay galing din po sa inyo, pinakikialaman ko ang inyong arkivo hinalughug,hinalungkat ito ang aking ibulatlat (parang Rap) lol's, meron din po sa mga kasalukuyan ninyong post.ito ay mangilan ngilan lamang sa aking mga naipon.

yan po ang mga linyang nag pa inog sa natutulog kong mundo (wolfgang)



Biyernes, Pebrero 13, 2009

WAGIS!!



AAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaAAAAAAAAAAA
AAAAAAAAhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!




Gulat ka ano???


ito pa...





AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHRRRRGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!



Tamang tama ang pag ka Tag(a) sa akin ni Pareng LordCM sapul talaga, kilangan na kilangan ko to ngayon, matagal ko nang gustong ilabas ang dapat na ilabas heto na ang pag kakataon AaaaaAAAAAhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!


relax po kayo di ako nababaliw.... bigyan ko kayo ng rason bat ako napasigaaawwwwwwwwwwwww!

1.Limang taon ko ng hindi naka date ang LUVS! kooooooooooooooo!!!!

2.Pinalayas ako sa aking Home na malayo sa home takte!!! na miss ko room ko.. more than 2 years ako don napalayas pa.. sino bang di mapasigaw? Haaaaaaaaa? sinooooooooooooo!!!!!!!!!!!

3.Hindi mayaman ang O-IP-DOBOLYO lalo na ako!!.. wag na kayong mag text ng mag text!!munaaaaaaaaa!!!!!



i feel good!! tanananananattttt....


Relief..... Relieve.....

ayus ang Tag mo Pareng LordCM back to work na......



Tag-ain ko rin si PogingCano oo alam ko nataga kana mas maigi na yung doble lol's (sensya na Pogi ) ikaw lang muna ha? hahaha nga pala!baguhin mona ang rules ... gawa ka ng rason na nakakasigaw talaga hehehe.....

Happy HEART!! sa ating lahat........





Miyerkules, Pebrero 11, 2009

Baon sa SKOL


“Anak ang Baon mo sa skol nakahanda na wag mong kalimutan”


Diba kay sarap pakinggan?

Nakaka miss ang mga ganong salita sa tuwing umaga pag pinaghahanda tayo ng baon ng ating ulirang ilaw ng tahanan lalo tayong excited, ganadong ganado, papasok sa skol lubusang gaganda ang ating umaga lalo’t sa bawat baon na ating bitbit kasama na rin ang pabaon ni inay na pagmamahal,pag-aaruga,pag-aasikaso at baon na rin ang kanyang payo na magpakabait sa skol wag makulit para di mapingot ni teacher “uso pa pingot non” yan ang pabaon ni inay na di natin makakalimutan

Di ko man lubos naranasan ang ganong mga tinig ng aking inay sa tuwing papasok ako skol noon, dahil binawi na siya sa amin ni papa lord ng maliit pa lang kami, subalit ito’y binunuan naman ng kapatid ng mama ko siya na ang pumuno sa kawalan ng aking inay. gumabay at ginampanan niya ang lahat maging ina sa dalawang pamilya ang sarili niyang pamilya at kami..sa kanya ko ulit narinig ang “anak ang baon niyo sa skol nakahanda na” at ngayon akoy may sarili ng pamilya ang aking luvs naman ang magsasabi sa aking dalawang chikitings
anak ang baon niyo sa skol nakahanda na”



Di ko lang akalain sa pag aabroad ko at sa edad kong ito at sa panahong ito manumbalik ang lahat maririnig ko muli ang mga linyang ito “oh! mga baon niyo sa skol wag kalimutan” ang pag kakaiba nga lang wala na yong malamyus na tinig ni inay wala na arin ang salitang “ANAK” napapalitan na ito ng “Pare!Kabayan! mag baon ka sa skol para bukas sayang to maraming sobra!
Tirahin na natin ito baka tirahin pa ng iba ,sabay kanya kanyang hakut at balut ng babaunin. para may mabogchi sa trabaho kinabukasan minsan nakakahiya pero kabayan isang plato pa umapaw na eh. lol’s

Nag umpisa ito sa dahilang para rin kaming mga estudyante dito sa iraq pag papasok sa umaga hinahatid ng bus at pag katapos ng trabaho sinusundo ng bus at para ding mga batang nagkukulitan sa loob ng bus o madalas tsismisan lol’s minsan pag binabalaan ng driver na wag ilabas ang mga kamay sa bintana baka mahagip! hahaha, ako man sa sarili ko pag pasok ko sa skol este! sa trabaho may daladala akong baon,para di gutumin habang tumu-nganga sa harap ng PC,

Ito ang naging word of the Town dito sa iraq lalo na sa tropang astigpinoy pag may handaan, kainan
“ang baon sa skol wag kalimutan”

Sa tuwing may birthday o handaan dito sa Iraq ka kilala man o hindi basta Pinoy, imbitado ka basta pumunta ka your in!, semperds ang inyong lingkod ay malakas ang apog, at makapal ang _____? kayo na bahala kong ano idugtong niyo hehehehe (wag lang brutal ha).
lagi kong iniimbita ang sarili ko sa ganitong okasyun at pag may nag tips sa akin na may handaan, on the way na kaagad yan at dahil akoy likas na palaboy at maraming ka achukaran-kaibigan,-katutu-katropa- kakilala kahit hindi! basta pag dating sa venue ng Party. batiin mo kaagad ang celebrant at ipangalandakan kaagad ang Universal name ng mga Pinoy ang Kabayan!

Happy Birthday!


anong balita jan.??


sigurado may BAON KA SA SKOL “


tulad nito….............

Naalala ko lang ang aking kamusmusan at kabataan,saglit maiiwaglit ang edad na nadagdagan lol's sa kwentong baon sa skol naidugtong ang kahapon at ngayon...trip trip lang Pipol... hehehee





Lunes, Pebrero 9, 2009

Ang OFW ay TAO rin



Ang sulat pong ito ay galing kay Blogusvox ,naibahagi na rin ito ni Everlito at LordCM gusto ko rin ibahagi ito sa lahat ng dumadaan sa Blog ko.

Halika kabayan basahin natin ito....

Foreword: Another email was forwarded to me by my friends. They asked that I post this to remind everybody the experiences and sacrifices OFWs encounters for the sake of their families back home.


Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.


Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.


Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.


Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.


Frederick ArceoFrederick Arceo’s words reflect the true sentiments of most of our OFW “kababayan”. It is sad to think that some relatives and friends back home equate “working abroad” to big salary, better lifestyle and material possessions. Some relatives totally relies on OFWs even if they are already of “working age” or have families of their own. “Walang problema, nasa abroad ang (itay, inay, kuya, ate, anak)” is a typical phrase. As if the cornucopia will never run dry.


Salamat Kay Blogusvox, at LordCM

Mabuhay ang O-IP-DOBOLYO





Lunes, Pebrero 2, 2009

Ang Buwan nato




Ang buwan na'to
ay araw ng mga PUSO
Sa buwan na'to
nabihag mo Puso ko

Sa buwan na'to
nakilala mo ako
Sa buwan na'to
nakamit ko ang matamis mong “OO”
sa buwan na'to
natikman mo ang unang Halik ko

Sa buwan na'to
ako ang pinaka masayang tao sa buong mundo
sa buwan na'to
kasama kana sa mga Pangarap ko


Oh kay bilis ng panahon
simula ng nagkakilala tayo sa buwan na'to
Siyam na taon na pala tayo
sing bilis ng tibok ng puso ko
nong unang nasilayan ko ang Ganda mo

Salamat sa buwan na'to
Nabuo ang pagmamahalan nating ito
sa buwan pa ng mga Puso


Nagpasalamat ako dahil
sa buwan na'to
ikaw ang makakasama ko
hanggang sa pag tanda ko

Mahal kita Luvs ko...
.





P.S.
Ito ang kaunaunahang tula na ginawa ko sa tanang buhay ko, inaaalay ko ito obyus na obyus para sa asawa ko.wag sanang tuligsain ito dahil first timer pa ako bagkus akoy turuan niyo. kahit sa pamaraang ito masasabi ko ang ibinubulong ng aking Puso.
Salamat sa Tula ni Mike Avenue dahil sa mga tula mo na inspired ako, natuto akong gumawa ng sariling tula ko.salamat sa asawa ko dahil sa pagmahal mo akoy naging inspirado.
Advance Happy Valentines Luvs ko.
Pede na ba to?

Lagot ka! - Layouts and Images