Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Huwebes, Pebrero 19, 2009

Sa Blog nga Naman

Sa Blog nga naman......................... kala mo kong ano na hehehe taytol lang yan kaibigan.. di yan ang totoong pakay ko o tema ng aking wento, nitong mga nakaraang araw kasi may mga taong nag aamok sa aking mga kapitbansa.

Habang ako namay atubili sa aking mga gawain at pag asikaso sa kunting aberya sa buhay buhay (kunti lang naman napawi din). di ko napansin ang kapitbansa kong nag amok na si Pogi at Yanah nasa likod ko na pala.. may dala dalang Itak at winawasiwasss! hayunnnn! bigla na lang! Tag!!!-(a) ako.. kaya ito gagamutin ko muna.. gaganti din ako.Lintik lang ang walang Linta! lol's

Tag Name Game daw may batas pa! nga naman "OO!" hehehe, Ilista ko daw ang pangalan na tawag sa akin ng mga tao at isulat ko kong sino ang (salarin) taong tumawag sa akin ng pangalan na yun.. yun ba yun?? ewan! basahin niyo na lang tsk tsk sensya nagulo utak ko english kasi yun rules nila eh! heto na ..baka nalilito na rin kayo.. hano? sensya na uli hehehe..

Lang- yan ang tawag sa akin ng Ismi ko, yan ang pinaiksing salita ng bisaya na (Langga o Palangga) pag naglalambing hmmm..

Luvs- tawag din to sa akin ng Ismi ko ( yan ang aming tawagan)

Boom- Ang tawag rin ng aking Ismi pag galit! na siya sa akin.pag narinig ko na yan gawa na ng Alibi lol's.

Bombet- Ang tawag sa akin ng Erpats at mga kapatid ko. at sa mga taong malapit sa buhay ko O! ayan may idea na kayo kong bakit ang blog ko Bomzz-in-Iraq ang pangalan . tama lang talaga kasi nuon dito mejo maraming pang pa Bomzz! ang mga teroring! (mortar madalas! kaya yun naisip ko, parang yung sa Komiks noon Pratatatatatatt tattatattt boomzz bomzzz! hiya!!! tigidig tigidig..hahaaha)

Jhim- Ang tawag sa akin ng mga tamad.ayaw tapusin pangalan ko

Jhimbo- Ang tawag sa akin ng mga ka tropa ko dito sa iraq (astigpinoy)

Bo-Ang tawag sa akin ng kaibigan kong Fil-Am na sundalo dito eh tamangtama Ilonggo siya (Toto), pag tinawag niya ako BO!! TO! bakit? sagwa noh?..hehehe

Pareng J o Pare- Ang tawag sa akin ng Pakner ko sa opis na si engot Dodong Len2x lol's( len wag ka makialam blog ko to gaganti ka? Mag Blog! ka lol's)

Bong-Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko nong nag layas ako sa Leyte (back in the day)

Dodong Jhimbo- Ang tawag sa aking kaibigan kong si Dodong Manny Lead guitarist at Lead Vocalist namin sa Church. (mga bisaya kasi)

Bombeto- Ito ang tawag sa akin ni Mama Berling ko nong maliit pa ako,

Big- J- Ang tawag sa akin ng isang americano naming kasama sa Dept,


KuyaBomzz,Tito Bomz,Pareng Bomzz- Ang kadalasang tawag sa akin dito sa Blogesperyo. ma respeto lang talaga at profesyonal ang mga tao sa blogesperyo. o talagang Welcome to the Club na ako lol's

Ito nagamot ko na ang isang Tag(a) sa akin may isa pa... heto...

Mag sulat daw ako ng sampung bagay tungkol sa aking sarili ang siyam nito ay kasinungalingan isa lang ang Totoo teka2x baliktad yata.. hmmm?? kayo na bahala... the readers will digest the story wat??? hehehehe. sige gagamutin ko to uli, mejo malalim ang pagka taga kaya malalim din ang pag tatahe ng wento.

Babala lang: Mamula ka hanggat gusto mo! Tag ko To! In English Read at ur own Risk Tag ko To!

1,May Asawa at dalawang anak na ako. ipagyabang ko na magaganda sila mana sa Papa nilang Guapo (gamit na masyado sa blog ang Pogi lol's), Luvs sensya na Blog ko to ako ang Bida dito, wag kang mag alala ikaw naman leading lady ko eh. hehehe

2, Paborit ko ang SuT-To-KiL...... relaks di ako mamamatay tao, yan po ang tawag sa bisaya sa putaheng Inihaw na Isda,Tinolang Isda, at Kinilaw na Isda. (sarap lalo na ang kinilaw at templa ng luvs ko hmmm gutom tuloy...ako)


3,Mahilig ako sa hip-hop clothing,nag koleksyon rin ako ng Football Jersey.mahilig din semperds sa Hip-Hop music (di yung mga nagmumura na lang),R&B, Reggae,Old Skol,Love Song Music pero I love BisayaRockers!.(nasabikonato)

4,Membro at Founder ako ng pinakasikat na Dance Group noon (The Shaker Boys) sa lalawigan namin 15 Years ago.(kaibigan walang iwanan kahit malaki na ang mga tiyan tuloy ang sayawan .our iwa motto)

5,Two time's Table Tennis Champion ako (2008) at isang Second (2006) dito sa Campo namin,(nakatsamba lang)

6,Merchandizer ako sa LadysChoice at Selecta Ice Cream, noong di pa ako sumuong sa buhay O-IP-DOBOL-YO!

7,Naging kaladkaring waiter ako sa Dubai at naging isang taga Kiskis-pakinis sa isang furniture company sa Al Quos Dubai noon.

8,Gusto kong mag Aral at Matuto sa trabaho ng mga Astig! na Graphics Designer o tapusin ang pagiging Teacher ko.di pa huli yata hehehe

9,Muntik ng makulong dito noong 2005 dahil naiwanan ang ID ko,buti na lang mabait ang mga MP napakiusapan (naubusan ako ng english sa paliwanag ko nun No malom english!hehehe).wheewww!

10. Dahil ayokong mag sabi ng kasinungalinagan (nakss) ito na lang pangsampo ang magiging kasinungalingan ko. this is a Lie! i repeat this is A lie! (brek! dah Rowls yo! lol's)

Sa wakas natapos din..ang mga Tag-(an) nato,pinahirapang ako sa Tumang kalisod (bisaya lang ka intindi) olrayt's that's all poks. kayo na bahala uli wala ako sinabing kasinungalingan. kayo na ang mag pasya...

hayyyy ang Blog nga naman.........di ko ito ipapasa makikisuyo na lang ako...salamat sa mga Nag TAG!......nahalukay ubi tuloy ako heheheh.

Pakisuyo ko to sayo
DODONG LEN2x Mangarap ka Pare walang Bayad to.







21 komento:

Bhing ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Pangarap na walang BAYAD ayon kay ...

dali mo akong doon pareng J hahahaha hayaan mo pag gumana ang utak ko uli mag post na ako!

Bhing ayon kay ...

nice! tagtagan b yan or laglagan, joke! ang dami mo pala name, bsta ako tawag ko pa rn sau Prof Jhimbo bakit? kc kaw lng naka hot seat sa akin sa confe.

Yes, sir yes sir! pagpatuloy!

~yAnaH~ ayon kay ...

ayun oh!
neybor! salamat sa pagkuha sa tag.. hehehehe
honga nakakamiss ang sutukil..
malimit ako mag sutukil nung asa davao pa ko...
nkkatuwa...dapat buong-buo ung pangalan mo kapag tinatawag ka na ni wifey mo kapag galit para feel na feel mo talaga na galit sya..
nyahahahahahaha

I am Bong ayon kay ...

"Bong-Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko nong nag layas ako sa Leyte (back in the day)"

kapangalan pala tau parekoy a.k.a. kuya bomz. hehe

Bomzz! ayon kay ...

@ Pangarap na lang Bayad alam ko lagi gumagana utak mo, ang pag ganahin mo pano di ka tatamarin hahahaha...
umpisa na yan pare pa comen-comen ka muna...

@Bhing Aydol! ok lang yan mag pa feeling Proff na rin ako heheheh
tagaan sabay laglagan to.. eh TAG ko na lang to sa iyo Din... ur officially been TAG!! lol's sige na

@Yanah huhunga noh naala ko doon pala nabuo si pangatlo mo sa davao napaisip ako tagalog ka kasi at alam mo ang sutukil hehehe salamat din... sa iyo

@ I am Bong kasi yong Malapit kong Kaibigan don BONG2x pangalan niya kaya ginawa na Bong na lang ang tawag sa akin..salamat gising ka pa? subsub ka yata sa inidoro este trabaho?hehehe

Mike Avenue ayon kay ...

Ginawa kong tula mga pangalan mo,
Para maiba naman ang aking komento,
Alam ko kasing hilig mo rin ito,
At magaling ka sa tula, totoong-totoo!

LANG ang una sa iyong listahan,
Pagkat iyan ang tawag ng iyong PARALUMAN,
Sa LANGGA pala galing hindi sa kung saan,
Parang sinabi ding "BOMZZ, JAN KA LANG!"

LUVS na itinawag ng mahal mong asawa,
Sa akin ay laging nagpapaalala,
Na ang LUVS na turing ay may halaga
Pagkat umiibig ng taos at dakila!

Pangatlong itinawag sa pagkatao mo,
BOOM na mabangis at mataas pa ang tono,
Mag-iingat lagi 'pag narinig ito,
Galit na si Misis, Outside de kulambo!

Pang-apat sa listahan, ay may tunog pa,
Lagyan ng antenna at parang radyo na,
Pratatatatatatt tattatattt boomzz bomzzz! hiya!
Tigidig tigidig..ang idinagdag pa!

Jhim ang sumunod, parang APO hiking,
Siguradong sa kanta ikaw ay magaling,
Tamad lamang pala ang dito'y may hiling,
Sa JHIMBO nagmula ang pangalang mong JHIM?

Pumang-anim na name ng mga katropa
JHIMBO na mayroong lambing sa ibaba,
PAra naman kahit wala ang asawa,
Ang lambing sa ngalan hindi mawawala!

Fil-Am na kasama ay may tawag din,
BO na sa dinig ay tumataginting,
Ngunit ako lamang may isang hiling
Wag ulitin ang BO, pangit ang dating!

Ang pakner naman doon sa trabaho,
Dodong lenlen ang itinawag mo
Engot ba siya? parang naloloko?
PAreng J na tawag, senador sa senado!

BONG ang isa pa na pinagmamalaki,
ang involve na tumawag Friends mo sa Leyte,
Bakit nung naglayas, hindi nagpasabi,
Dito sana sa bahay, nagpalipas ng gabi!

DODONG JHIMBO at BOMBETO tunog mayayaman,
Pangalang ganito bihirang malaman,
Sarap sa pandinig sa puso't isipan,
Kaya okey lamang, dapat na payagan!

Sa isang nahuli, nagtataka ako ,
Big J na pangalan hugis manlalaro,
Alin kaya ang "big" tinutukoy dito,
Ibabang bahagi ba ng katawan mo?

Sa huling kategorya ng iyong mga bansag,
Madalas ko rin namang sa iyo ay itawag,
PARENG BOMZZ! ako dito ay may ihahayag
SALUDO SA IYO pati sa iyong blog!

Lord CM ayon kay ...

Hehehe :D Magkakasundo tayo, hip-hop ka at rakista ako...ayos!!! lolz

bomzz ayon kay ...

@ Mike Avenue

Galing naman ng iyong Comento,napapabilib talaga ako sa iyong Talento
ginawa mo ito ng tula,
sa iyo'y wala ng mapagsidlang ang aking paghanga.


Maraming maraming salamat sa iyo
Mike Avenue Aydol!....

bomzz ayon kay ...

@ LordCM huhunga hehehe mahilig din ako sa rock music Bisaya at Pinoy rocker Artist nga lang di ako fan sa mga dayuhang artist na rocker..... Pis... yo!

onatdonuts ayon kay ...

naks astig naman ng mga tawag sayo...

enjoy akong basahin tong blog mo pareng boomz...

bomzz ayon kay ...

@ Sir Onats maraming salamat at natuwa ka naman sa pagsusulat kong ewan hehehe... kita kits lng tayo sa Asalan mo..

kosa ayon kay ...

kakaiba ka parekoy..
at dahil sa kadahilanang galng ito kila Yanah at Pogi,

isang tagay para sa Tagumpay..
hehehe
kitakits

poging (ilo)CANO ayon kay ...

hahaha...taga taga lang yan parekoy...halatang hiphop ka nga, sa pananamit pa lang andrew e style na..hahha..

maihlig ka din pala sa sayaw...cge tanggo tayo wag ka lang magpa bogie..lolz..

BIG J na rin tawag ko sayo kasi CANO ako eh!toinkz...

jEn ayon kay ...

eheheh..akala ko naghahanap ng away yung taytol eh.

ava ava...tagay tayo pre!..dami mo din namesung ah.:P

kitakits..hehe..

bomzz ayon kay ...

@ Kosa di naman kakaibang iba.. iba iba lang talaga gulo lol's

@ Pogi idol ko din yan..nakahiligan ko na talaga ang pagsasayaw... Big J? pede....hehe

@Jen taytol lang..yan lol's di naman marami kunti lang..

salamat sa inyo...

eli ayon kay ...

sige palitan ko narin ng pareng bomz ang tawag ko sa iyo..para kunwari close na tayo. basta painom ka ha. hehe

may bagong jingle ako para sa iyo.
j-bomz, j-bomz
yadadadadda... j-bomz!

Bomzz! ayon kay ...

@ Ka Eli lol's ano naman yang naisip mo na jinggol hehehe... wari lang sige tagay na... di na nga pala ako umiinom pas na muna..

salamat ka Eli.

Dylan Dimaubusan ayon kay ...

Ang dami mo namang pangalan, pero halos pare-pareho lang ah..

AStig naman sports minded ka ata.. Nakatsamba lang eh noh, pahumble effect?! wehehe..

Halata ngang hip hop ka.. ahaha! Nagulat ako sa comment ni Mike! Astig! Ang tindi nyo ha..
cheers ulit!

PaJAY ayon kay ...

Aaaa...yun pala si Boomz...ayos!...naglabasan na ang mga tinatago ng mga blogero..lolz...

sinayaw ba ng shaker Voyz ang "chochoo train" ng maneuvers?..lolz...

wa'y lisud kung giganahan...lolz...

bomzz ayon kay ...

@Miss D! semperds may epek yan ahaha.. mahilig na talaga mula nong hayskol pa panahon pa ng UMD at E'heads...

@Proff di ka nagkakamali nasayaw talaga namin yan... at sempre ang "La Bambola" ng Street Boys jan kami nakilala....

Miss D!,Proff- salamat sa lagi niyong pag dalaw at comen...

Lagot ka! - Layouts and Images