Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Miyerkules, Pebrero 11, 2009

Baon sa SKOL


“Anak ang Baon mo sa skol nakahanda na wag mong kalimutan”


Diba kay sarap pakinggan?

Nakaka miss ang mga ganong salita sa tuwing umaga pag pinaghahanda tayo ng baon ng ating ulirang ilaw ng tahanan lalo tayong excited, ganadong ganado, papasok sa skol lubusang gaganda ang ating umaga lalo’t sa bawat baon na ating bitbit kasama na rin ang pabaon ni inay na pagmamahal,pag-aaruga,pag-aasikaso at baon na rin ang kanyang payo na magpakabait sa skol wag makulit para di mapingot ni teacher “uso pa pingot non” yan ang pabaon ni inay na di natin makakalimutan

Di ko man lubos naranasan ang ganong mga tinig ng aking inay sa tuwing papasok ako skol noon, dahil binawi na siya sa amin ni papa lord ng maliit pa lang kami, subalit ito’y binunuan naman ng kapatid ng mama ko siya na ang pumuno sa kawalan ng aking inay. gumabay at ginampanan niya ang lahat maging ina sa dalawang pamilya ang sarili niyang pamilya at kami..sa kanya ko ulit narinig ang “anak ang baon niyo sa skol nakahanda na” at ngayon akoy may sarili ng pamilya ang aking luvs naman ang magsasabi sa aking dalawang chikitings
anak ang baon niyo sa skol nakahanda na”



Di ko lang akalain sa pag aabroad ko at sa edad kong ito at sa panahong ito manumbalik ang lahat maririnig ko muli ang mga linyang ito “oh! mga baon niyo sa skol wag kalimutan” ang pag kakaiba nga lang wala na yong malamyus na tinig ni inay wala na arin ang salitang “ANAK” napapalitan na ito ng “Pare!Kabayan! mag baon ka sa skol para bukas sayang to maraming sobra!
Tirahin na natin ito baka tirahin pa ng iba ,sabay kanya kanyang hakut at balut ng babaunin. para may mabogchi sa trabaho kinabukasan minsan nakakahiya pero kabayan isang plato pa umapaw na eh. lol’s

Nag umpisa ito sa dahilang para rin kaming mga estudyante dito sa iraq pag papasok sa umaga hinahatid ng bus at pag katapos ng trabaho sinusundo ng bus at para ding mga batang nagkukulitan sa loob ng bus o madalas tsismisan lol’s minsan pag binabalaan ng driver na wag ilabas ang mga kamay sa bintana baka mahagip! hahaha, ako man sa sarili ko pag pasok ko sa skol este! sa trabaho may daladala akong baon,para di gutumin habang tumu-nganga sa harap ng PC,

Ito ang naging word of the Town dito sa iraq lalo na sa tropang astigpinoy pag may handaan, kainan
“ang baon sa skol wag kalimutan”

Sa tuwing may birthday o handaan dito sa Iraq ka kilala man o hindi basta Pinoy, imbitado ka basta pumunta ka your in!, semperds ang inyong lingkod ay malakas ang apog, at makapal ang _____? kayo na bahala kong ano idugtong niyo hehehehe (wag lang brutal ha).
lagi kong iniimbita ang sarili ko sa ganitong okasyun at pag may nag tips sa akin na may handaan, on the way na kaagad yan at dahil akoy likas na palaboy at maraming ka achukaran-kaibigan,-katutu-katropa- kakilala kahit hindi! basta pag dating sa venue ng Party. batiin mo kaagad ang celebrant at ipangalandakan kaagad ang Universal name ng mga Pinoy ang Kabayan!

Happy Birthday!


anong balita jan.??


sigurado may BAON KA SA SKOL “


tulad nito….............

Naalala ko lang ang aking kamusmusan at kabataan,saglit maiiwaglit ang edad na nadagdagan lol's sa kwentong baon sa skol naidugtong ang kahapon at ngayon...trip trip lang Pipol... hehehee





14 (na) komento:

poging (ilo)CANO ayon kay ...

"Anak ang Baon mo sa skol nakahanda na wag mong kalimutan” - masarap ngang pakinggan ang linyang yan mula kay nanay noon pero iba na ngayon.dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi na ganyan ang sinasabi ng mga nanay..."wag ka nang magbaon wala tayong pera......minsan pasigaw pa....

kaya pala malaki katawan mo, olweys present k pla sa handaan, pero hndi obyus..hahaha...lolz....peace

tagay na....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

"Anak ang Baon mo sa skol nakahanda na wag mong kalimutan”

Ende ko binilang kung ilang beses mo sinabi to, pero madami, hahahahaha! piz!

Mukha ngang alaga ka ng baon mong yun, kasi anu, uhm ok lang bang sabihin kong di ka naman mukhang napabayaan sa kusina, slight lang..

PEACE!!!

Hapi Puso!

abe mulong caracas ayon kay ...

ano kaya ang mga pabaon sa skol kung nasa iraq ang pinoy?

bakit naman kasi may foil yung ipinakita mo sa litrato eh!

may adobo kaya? kare-kare? pancit? chicharong bulaklak? sisig? tilapia? tinapang bangus? halabos na hipon? sinigang na baboy? leche plan? atchara? patis?

ginugutom lang kita parekoy! hehehe

Kosa ayon kay ...

masarap talaga ang mgbaon...
hindi lng yung sa pagkai kundi yung kaakibat na pagmamahal at pag-aaruga dun!

hehe

sige wag kalimutan ang baon.. baka mgutom..ta mangayayat..hehe

peace

2ngaw ayon kay ...

Ayos...uso rin dito yan eh, naghihintay matapos ang handaan tapos biglang balutan na ng natirang pagkain lolzz ... kaso hiya ako eh, kaya sila lang :D

A-Z-3-L ayon kay ...

anong baon mo sa skol ngayon? ahahaha!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ POGIngCano hahaha tama ka minsan may ganun na ngayon.. at buti na lang sinabi mo malaki katawan ko kong hindi sinungaling ka! hahahaha

@ Dylan ma'am salamat uli..siguro mga 5 beses hehehe di naman tama lang yung slight...lang...lol's

hapi puso din sayo..


@ MUlong naka foil na kanya kanyang balut na eh hehehe sa lahat ng binaggit mo ang wala dito yung halabos na hipon at atchara lang may hipon pero yung halabos na hipon na luto wala..pang nagluto dito niyan..


@ Kosa salamat Idol talaga naman! buti na lang walang ang Trade mark mong "TAENANG BAON" eheheh
pis!


@LordCM pag ako makakasamo masasanay ka rin heheheh o lalayo ka sa akin hahahahah

@Azel baon ko ngayon sobra namin kagabi na POPEYE"S binaon ko na kasi muntik na nman itapon nila heheheh


salamat sa inyong lahata totoo talaga ang mga blogger...
takte!
mag diet na ako tapon ko na yung listahan ng may mag bibirtday...hehehehe

Jez ayon kay ...

sa opis nga, ang mga plastic hndi tinatapon for "future use" daw

nga pala, hwag mong itapon listahan ng mga may birthday, bka mkalimutan mo pa silang batiin at magalit pa sa iyo. maski batiin mo lang at hwag ng makikain...:-)

PaJAY ayon kay ...

pre may saddiqi (alak) din ba jan pag may bertdey kayong pupuntahan?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@ Jez salamat muna sa dalaw hahahah di ko naisip yun nga noh sige sige....hold muna lol's


@Pajay proff walang gumagawa ng sadiki dito at saka proff bagong haybu na ako.. no bisyu na hehehe..

I am Bong ayon kay ...

hai.. namiss ko rin ang mga ganyang points ng aking lyf parekoy. hehe. im living in a boarding haus now kaya wala na akong nanay na naghahanda ng aking baon. haha. i live all by myself and do all the things for myself...

about sa pic... dami naman ng baon mo. hehe

EǝʞsuǝJ ayon kay ...

hmmmm..uso din ata yan dito..kya lang mahiyain ako at "prim and proper" kapag hindi ko maxdong ka-close ung pinupuntahan na party. Hindi nga ako maxdo kumakain ng madami eh, kita mo chekchi ako..hehe...(kapal!).

cge cge...keetakeets..:D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

@Bong hahaha marami kasi yung mga ka roomate ko dinadalhan ko rin..
salamat

@ Jen dito kasi malakas ang apog kong mag baon di masyado magastos dito kadalasan libre.. donations lang ang iba.. hehehe

salamat sa dalaw...at comen

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

rh@Jen pahabol nakita mo si Ben Aplek? lol's

Lagot ka! - Layouts and Images