Lunes, Pebrero 16, 2009
Kayo ang Bob-ong ko
Sa bawat pagdaan,pagtumbling,dalaw2x,bisita o kaya "was here" ko sa inyong tahanang blog, lagi akong may pinupulot (di po basura) o napupulutan (di po bicol express) kundi aral,leksyon,koro-koro,words of wisdom na pede kong i apply sa aking sarili, nag bigay ito liwanag sa mga bagay bagay na di ko naiintindihan minulat ako sa mga katagang ginamit ninyo nakss!. napangiti,napatawa,napahanga,na-inspired ako,Kayo ang aking BOB-ONG sa Blogesperyo.
teka teka.. napaka akrobatiko na yata intrada ko..heto na...
I'm not a Religious person,But i believe and i Pray.trial lang po sa akin ito eh hehehe.
1,Mas nasasaktan lang ako kapag alam kong ako ang nagdudulot ng sakit sa aking minamahal.
2,Mahilig akong magbigay ng sarili kong gamit kapag nagustuhan ng iba, pag naibigay ko na, magsisisi ako.
3,Sa buong buhay ng isang tao.. mas madalas sa minsan, may makakabungguan kang tatlong klase ng tao.
4,Isang masayang gising ang aking umaga ngayon. Pagmulat ng aking malalagkit na mata dahil sa mga natuyong muta, agad akong bumangon sa aking pang prinsepeng papag
5,Mas mabuti na ang ganito, wala na ang iyong paghihirap…hindi kana dadaing dahil sa sakit..ngayon makakangiti ka nang muli…dahil isa kanang anghel.
6,The mountains we have climbed to get this farYou learn to take the laughter with the tearsAfter all these years.
7,Ah alam ko na…magaling pala akong magsulat, madami lang nga akong Angst sa buhay.
8,May lamat na yun... kahit mabuo pa un, hindi na mawawala ung lamat.. makikita at makikita pa rin yun dun.
9,Magkasakit man ako o kahit ano pa pagdaanan ko para lang masolusyunan ung problemang pampamilya eh gagawin ko, sa ngayon, kahit IKAMATAY ko maging maayos lang sila.
10,Hindi ko na sya inobliga..sumobra na ako sa pagkatanga.
11,Bakit nga ba ganun ang nature ko? ako lang ba ang ganito na hindi nakukuntento?
12,Hindi na yan masisira. Hindi na masisira ang nasira na.
13,Mga pangako natin sa isat isat na tayoy magsasama sa "hirap at ginhawa", sa "lungkot at ligaya" at ang bago "kung may load man ang celfon natin o wala" ay tayo pa rin, pero lahat yon binaliktad ng tadhana.
14,Wala namang mangyayari wala rin namang mababago kung sabihin nilang pareho tayong "PANGET",kahit anu gawin natin "PANGET " parin tayo.
15,Sige pa…malapit…lalabas na salsalin mo pa! tingnan natin kung papasa sa mapanuring panlasa ang mabulaklak kong salita.
16,Sana nga lang huwag ka magsisisi sa huli kasi isa ako sa mga taong malulungkot para sa iyo at sa pamilya mo.
17,Kahit mala-impyerno na ang kinalalagyan mo, pakiramdam mo pa rin nasa heaven ka dahil nagagawa mo na paniwalain ang sarili mo na okey ka pa, kahit hindi na.
18,Pababayaan na raw ako ng babaeng mahal ko pagkat nagkulang ako ng isa sa dalawang SEKRETO sa pag-ibig.
19,Muntik na akong malunod ngunit para sa mahal ko,pilitin kong kumampay ng husto ang paa ko habang nag aantay ako ng magaling na sasaklolo.
20,Kasabay talaga ng ating pag-alis sa ating nakasanayang paligid ay ang pagtanggap na isang araw, sa ating pagbabalik sa pook na nilisan ay hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam.
21,Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya.” Mas masarap na may kasama, sa hirap man o ginhawa.
22,Doon, nagsasalita ang aming katahimikan. Nagiging pipi sila sa aming galit at taghoy. At kahit pa nagkamali kami sa aming desisyon sa buhay, kailanman ay di kami itinaboy.
23,Bagama’t maingay sa lugar na iyon pakiramdam ko ay naka-mute sila upang kaming dalawa lamang ang magkaintindihan, “KUNG FEELING MO HINDI MO NA AKO KAYANG ABUTIN, SABIHIN MO LANG PARA MAKABABA AKO AT AKO NAMAN ANG AABOT SA IYO”.
24,Takbo ng buhay, pabago-bago, paiba-iba,Tulad ng tao pangako nawawala,Sa masayang araw sila ay kasama,Ngunit pagdating ng unos namalayan mong ika'y nag-iisa.
25,I guess you can't have it all but you can get used to having a piece of life.......But indeed, all's well that ends well.
Wag kang mag alala ang araw ay lulubog para mag ipon ng lakas upang kinabukasan sisikat ng kay sigla at tikas.-sabi ng sampayan sa damit na nakasampay na basa pa. (sa akin din po ito)
ang inyong nabasa ay galing din po sa inyo, pinakikialaman ko ang inyong arkivo hinalughug,hinalungkat ito ang aking ibulatlat (parang Rap) lol's, meron din po sa mga kasalukuyan ninyong post.ito ay mangilan ngilan lamang sa aking mga naipon.
yan po ang mga linyang nag pa inog sa natutulog kong mundo (wolfgang)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lagot ka! - Layouts and Images
27 komento:
wowwwww naman poh ahihihihi
sana nilagay mo kuing kanino nanggaling..para mabasa din namin. hehehe
para poh magkakilala kami nung number 8 :D
@ Yanah hayaan ko muna hulaan ninyo ang mga sinabi niyo sa blog, kaya diko nilagay kong kanino galing basta lahat nasa blog roll ko galing ang mga iyan.
tulad sayo.. meron ka pang di na alala. dalawa jan sayo o yan may clue kana hehehe
Aba..aba...aba! Na-ekstra pa ako dito Pareng Bomzz! hehe.
Salamat sa pagpapahalaga! Talagang mas masarap kapag may kasama, sa hirap at ginhawa!
kanino ba tong mga posts parekoy para mabasa ko rin. hehe
@ Mike Avenue di ka pedeng mawala,at di ka extra isa ka mga hinangaan kong blogista.. (sipsip joke pero totoo)
@ I am Bong sa mga ka bloggers lang din yan lahat, parekoy di mawawala ang sa iyo jan...
naalala ko tuloy ang motto ko sa buhay ngayon "minsan ka lang mabuhay, kaya jez ayusin mo buhay mo!" hehehehehehhe
@ Jez may naalala ka tuloy salamat sa dalaw..
"...lahat ay may pananagutan sa isa’t isa..."
#21..
Gusto ko toh! Tama. Walang nabubuhay para sa sarili lang..
Ang ganda ng mga nahukay mo ah, para ng bagong hukay sa baul.. amoy mothballs..lolz
Thanks for sharing.;)
God bless!
ano yan commandment ni bommzz...lolz..
masakit mata ko eh...naiwan ko kasi sa trabaho shades ko kaya di me masyado mabasa...
inum na lang ako..toinkz..
@ Miss Dylan yan din ang top pick ko kay Idol galing yan kasi..
naamoy mo ba? may bago din yan tulad nong sayo.. mejo bago pa yun hehehe
@PogingCano lang hiyang inuman na yan..pas na ako uli..
di ko commandments napulot ko lang lol's
w0w naman... kilala ko ang ilan sa mga nagsulat jan... ung iba naman... nabasa ko na din.. kaso ndi ko maalala kung kanino...
at alam kong wala akong naiambag jan... kasi... wala namang ganyang kagagandang parirala sa blog ko.. ahaha
wow.. astig nga naman yung mga napagpupulot mo na to...
tinatamaan ako sa ilang nakalista ahhh
sige pareng bomzzz, kitakit panrin
pasensya na parekoy ngunit hindi ko na talaga maalala. hmmmm... guessing guessing... familiar sa akin ang line na ito:
"Hindi na yan masisira. Hindi na masisira ang nasira na."
I am not mistaken, don't tell me binasa mo yung short story na yun. ang haba kaya nun...
hehe...
Putek!!!Akin ung No.9 ah!!!Idedemanda kita...Rape!!! lolzzz
tagal na nung entry ko na un ah...nahalughog po mo pa? ... astig pareng Bomzz...
naks ibang klase at mukhang mabulaklak nga yta ang iyong mga salita at nag enjoy basahin ito.
@ oo talagang makilala mo ang iba jan binasa mo eh hehehe salamat Pre
@Kosa sabi ko nga ito yung ( see wolfgang) lol's astig kosa lalo na yung sayo..sige takits lang..
@Bong sayo nga yan.. binasa ko siya until i found that line don ako nahinto pero nakuha ko yung punto ng istorya... mejo lol's
@ LordCM hahahaha rape!! tawa ako don ah.. minsan kasi natuwa ako sa mga post niyo sa kasalukuyan tinitingnan ko din yung nakaraan.. kaya ito naisip na i post nakaka antig yung mga linya..kasi..
salamat Pare..
para kang scavenger...talagang nahalughog mo pa ang mga "tamang linya"...aken nga ba ung numero bente? di ko maalala eh..ahahha.salamat sa pag-aprisieyt..:D
@ Jen tumpak sayo yan.. yun yong malungkot na araw sayo pero masayang araw sa kaibigan mo dahil makakasama na siya ni papa lord..
salamat ng madami
na extra ang qoute ko...
kip it up...
@ Bhing walang Anuman my playsure! hehehe
salamat sa kip it up...
taena!...ang lufeet netong ginawa mo parekoy!...natats ako...
yung iba hangtagal na pero talagang nahalungkat mo pa...
two thumbs up parekoy!...ang sipag mo!...
...nga pala..salamat at napansin mo ang linya ko..
taena!..pinabilib mo ako dito pre!....
@ Pajay salamat parekoy sumipag lang nong araw na yun hehehe...
kita kits..
Nyak! Ngayon ko lang napansin yung no. 2! wahahaha!
Parang pamilyar nga..wehe, buti pala bumalik ako..
cheers bomzz!
iba talaga kapag may kasama...lalo na sa hirap.
tito boms, napadaan lang po para magsalamat sa bday greetings mo.
Godbless!
@ Miss Dylan hmmmm ok ok... pag bibigyan nakaligtaan heheheh
sa iyo nga yan... salamat uli..
@ Ka Eli salamat din sayo sa lagi mong pagdalaw sa blog ko.....mabulaklak talaga isa rin jan sa iyo galing eh..
happy anniversary uli sayo.. patuloy ang obra mo....
pareng bomzzz, sana nga inilagay mo kung kaninong blog mo nakuha ang mga kalatas na yan... para nmn mapuntahan namin. hehehe
@ Pareng Roland salamat sa dalaw muna.. alam ko pa yun kanino galing ang mga iyan kasi nasa outlook ko naka save pero di ko nakuha kong ano title nong mga istorya kasi binasa ko at kinuha ko ang mga linyang iyan pero susubukan ko uli...hehehe
Mag-post ng isang Komento