Ito pa naman ang hirap sa buhay ng mga O-Ip-Dobolyo mag isa ka lang sa ganitong laban walang asawa,anak o magulang at kapatid na mag aalaga,your on your own ika nga (inenglish ko lang hehehe) sa ganitong karamdaman at sitwasyun di ko maiwasan maalala at ma miss ang uminon ng royal tru-orange (family size) at may kasamang skyflakes o kaya marie sabay inom ng medikol.(puntong bisaya) na tinununaw at ilagay sa kutsara pag di kinaya ang pait sabay sundot ng isang kutsaritang asukal lol’s (naalala mo noh?) eh! nasa poder tayo ng ameriki kaya sangkaterbang taylanol at adbil ang tinugga ko, ooppss!! nasa poder nga pala ako ang ameriki it's not adbil it's eeeyyyddddViyellllll!!!!!! kunting slung at may kasamang landi hahahah......
Pag ganitong masama ang pakiramdam pag kasarap sarap pa namang humilata ng magdamag... dito naman kasi tsk! tsk! kahit me sakit pilit bumangon kilangan hilahain ang katawan palayo sa higaan kilangan pumasok sa trabaho eh di naman pedeng mag padala ng excuse letter o kaya I text na lang si Bossing.na bossing me no coming work today me sick teka-teka nahahawa na ako sa english itik ah! lol’s(bawalditoangcelepono). at sempre ang ugaling pinoy laging tayong may salitang Sayang!....sayang din kasi! proud!
Sa kasulukuyan po habang sinusulat ko ito mejo okay na ako humupa na at umaayus na ang aking wankata. sa shortcut na sabi na re-charge na ako o kaya na right klik refresh na ako! huking huki na at bagong hasa pa ang ulo ko (bembol roco na lols) at lumipat ako ng bagong room at semperds bagong roomates rin ( mga bisaya) kaya oks na oks....
Ganunpaman kahit wala man sa tabi ang mga mahal ko sa buhay para alagaan ako alam ko nman kasama ako lagi sa kanilang mga panalangin. at alam ko kaya ko rin menor de sakit lang ang mga ito yakang yaka to'its sempre sa gabay din ni papa lord....
Sa aking pag muni-muni pag papahinga at pag kawalasatamode, dito sa mundo ng blogesperyo wala parin akong nakaligtaan sa mga banat niyo palihim pa rin akong dumadalaw, nagmamasid at semperds basa basa (di nga!?). oo naman aking ngang napag alaman na kinasal na si Alma Moreno kay Mayor...di kay Mayor Joey kundi yong Mayor ng Marawi, ang hilig niya sa Mayor baka susunod niyang pakasal yong Mayor na ng Bilibid hahaha.oh! alam ko yun! sa mga ka bloggers ko pa kaya?
Nga pala pag paumanhin po sa lahat ng Tag sa akin, kay POPE ang bagong nating kabayan,kaibigan sa mundo ng blogesperyo, Poging Ilocano , Apshie pasensya na po kayo mejo natagalan ito, heto gagawin ko na lol's (di ako napilitan ) hehehe sabi nga huli man daw at magaling salary deduction pa rin niyahahahaha..
TAG/Sulat kamay/Graphology sabi ni Pope/Vandalismo/ ito ang tawag nila pero ang tawag ko dito ay Kudigo lol's dito ko sinusulat ang mga sagot noong hay skollayf ko hahahaha.
Wag ng OA sa tranlation ko! at penmaship ko huki? sabi nag ni pareng LordCM masyado na tayong seryus kaya wag ng mag KJ yaan na lang natin yan sabayan pa ng Why so Serious? ni POGI!.. at baka mag tanong kayo baka lang naman yang "keep the faith" jan ko talaga isinulat sa ring finger kasi jan tayo sinusubukan ng ating Faith sa mga asawa natin heheh.... di dahil wala ng espasyo hehehehe palusot pa eh pis!!....
Wow Eggs! este! Legs pala...ito nman ang tag ni Poging Ilocano sa akin....
Wag ng OA! uli ha! yan na lang ang pics ko na di makikita at di halata ang mala dos pesos na coin na mga peklat ko. isang alaala na lang din ang pics na yan sa dati kong room. at sa roomate kong feeling cameraman (otographer hehe) kahit sa pag suot ko ng sapatos kinunan feeling ko tuloy model ako ng nike niyahahahaha..... hayyyy sa wakas tapos na ako sa aking mga ka Tag tagan...
Bago ko tapusin ang mga ka ek ek kan inimporma ako ng luvs ko na Earth Hour pala, mag uumpisa ngayong alas otso ymedya ng gabi local time kahit saang sulok kaman ng mundo ngayon, kong gusto mong makiisa sa panawagan nato patayin mo lang ng isang oras ang inyong kuryente/ilaw/ref/tv/ercon/fan-naelektrik/calculator/celpon/kaaway/kapitbahay isang oras lang nman eh wag KJ! wag lang patayin sa sindak si barbara niyahaha, ito'y bilang pagsusuporta at pag bibigay kaalaman patungkol sa usaping Global Warming teka teka tunog manunulat na yun ah. lol's basta yun na yun,wala man lang akong kamaymalay sa mga pangyayari sa mundo lol's tinanong ko mga ka opis mate ko baka sakali sila may alam tungkol dito naku! napatunganga pa ano daw yun? pareho kami walang alam hehehe( luvs thank you). sa tingin ko at malamang di pede maki isa ang buong Iraq sa panawagan na yandahil baka yan pa ang magiging metsa sa pag hasik ng lagim ng mga teroringsta!
Nakikiisa din ako kahit di ako mag tuturn off ng lights kasi nasa simbahan ako ng mga oras na yan....hehehe pag uwi ko na lang, ang sabi naman ng luvs ko di daw siya mag turn off ng lights kasi natatakot ang chikitings namin, at saka naka ilaw pa rin daw ang mga nasa kapitbahay namin pinaburan ko na lang. Happy Earth Hour.......
Sa lahat ng mga dumaan,tumambling,bumisita o was here maraming salamat sa inyo, pinag tyagaan niyong bisitahin ang blog ko kahit inaamag na hehehe sa lahat ng mga katutu ko sa mundo ng Blogesperyo at sa mga darating pa na maging katutu ko rin maraming salamat.... nakikiisa rin ako sa pahabaan ng post ni Proff Pajay at Lord CM lol's Pis!..... salamat din sa bumasa.....
Keep the Faith...........
Bomzz