Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Sabado, Marso 28, 2009

Halo-Halo Lang...

"Masama ang aking pakiramdam pilit kong ayaw pakiramdaman itong aking naramdaman dahil mahirap ang may dinaramdam eh talagang nagpaparamdam”

Ang gulo enoh? nito kasing mga nakaraang linggo,araw ,oras,minuto at segundo nawala sa wesyo ang matsong matso na payat na mataba kong katawan at lalong nawala ako sa ta-mode lol’s (na naman!) dahil narin siguro ito sa pag palit ng panahon dito sa malawak na lupaing deserto nag uumpisa ng mag hari-harian si haring araw.kaya hayun rumanpa,sumemplang,tumambling muna ang apat na magka berks si sipon,sakit ng (bayag) ulo,lagnat, at ubo.. ubo! ubo!,.. naubo tuloy ako... Alak-san wer na u? me sakit me! lol's.

Ito pa naman ang hirap sa buhay ng mga
O-Ip-Dobolyo mag isa ka lang sa ganitong laban walang asawa,anak o magulang at kapatid na mag aalaga,your on your own ika nga (inenglish ko lang hehehe) sa ganitong karamdaman at sitwasyun di ko maiwasan maalala at ma miss ang uminon ng royal tru-orange (family size) at may kasamang skyflakes o kaya marie sabay inom ng medikol.(puntong bisaya) na tinununaw at ilagay sa kutsara pag di kinaya ang pait sabay sundot ng isang kutsaritang asukal lol’s (naalala mo noh?) eh! nasa poder tayo ng ameriki kaya sangkaterbang taylanol at adbil ang tinugga ko, ooppss!! nasa poder nga pala ako ang ameriki it's not adbil it's eeeyyyddddViyellllll!!!!!! kunting slung at may kasamang landi hahahah......


Pag ganitong masama ang pakiramdam pag kasarap sarap pa namang humilata ng magdamag... dito naman kasi tsk! tsk! kahit me sakit pilit bumangon kilangan hilahain ang katawan palayo sa higaan kilangan pumasok sa trabaho eh di naman pedeng mag padala ng excuse letter o kaya I text na lang si Bossing.na bossing me no coming work today me sick teka-teka nahahawa na ako sa english itik ah! lol’s(bawalditoangcelepono). at sempre ang ugaling pinoy laging tayong may salitang Sayang!....sayang din kasi! proud!



Sa kasulukuyan po habang sinusulat ko ito mejo okay na ako humupa na at umaayus na ang aking wankata. sa shortcut na sabi na re-charge na ako o kaya na right klik refresh na ako! huking huki na at bagong hasa pa ang ulo ko (bembol roco na lols) at lumipat ako ng bagong room at semperds bagong roomates rin ( mga bisaya) kaya oks na oks....

Ganunpaman kahit wala man sa tabi ang mga mahal ko sa buhay para alagaan ako alam ko nman kasama ako lagi sa kanilang mga panalangin. at alam ko kaya ko rin menor de sakit lang ang mga ito yakang yaka to'its sempre sa gabay din ni papa lord....


Sa aking pag muni-muni pag papahinga at pag kawalasatamode, dito sa mundo ng blogesperyo wala parin akong nakaligtaan sa mga banat niyo palihim pa rin akong dumadalaw, nagmamasid at semperds basa basa (di nga!?). oo naman aking ngang napag alaman na kinasal na si Alma Moreno kay Mayor...di kay Mayor Joey kundi yong Mayor ng Marawi, ang hilig niya sa Mayor baka susunod niyang pakasal yong Mayor na ng Bilibid hahaha.oh! alam ko yun! sa mga ka bloggers ko pa kaya?

Nga pala pag paumanhin po sa lahat ng Tag sa akin, kay POPE ang bagong nating kabayan,kaibigan sa mundo ng blogesperyo, Poging Ilocano , Apshie pasensya na po kayo mejo natagalan ito, heto gagawin ko na lol's (di ako napilitan ) hehehe sabi nga huli man daw at magaling salary deduction pa rin niyahahahaha..

TAG/Sulat kamay/Graphology sabi ni Pope/Vandalismo/ ito ang tawag nila pero ang tawag ko dito ay Kudigo lol's dito ko sinusulat ang mga sagot noong hay skollayf ko hahahaha.







Wag ng OA sa tranlation ko! at penmaship ko huki? sabi nag ni pareng LordCM masyado na tayong seryus kaya wag ng mag KJ yaan na lang natin yan sabayan pa ng Why so Serious? ni POGI!.. at baka mag tanong kayo baka lang naman yang "keep the faith" jan ko talaga isinulat sa ring finger kasi jan tayo sinusubukan ng ating Faith sa mga asawa natin heheh.... di dahil wala ng espasyo hehehehe palusot pa eh pis!!....

Wow Eggs! este! Legs pala...ito nman ang tag ni Poging Ilocano sa akin....








Wag ng OA! uli ha! yan na lang ang pics ko na di makikita at di halata ang mala dos pesos na coin na mga peklat ko. isang alaala na lang din ang pics na yan sa dati kong room. at sa roomate kong feeling cameraman (otographer hehe) kahit sa pag suot ko ng sapatos kinunan feeling ko tuloy model ako ng nike niyahahahaha..... hayyyy sa wakas tapos na ako sa aking mga ka Tag tagan...



Bago ko tapusin ang mga ka ek ek kan inimporma ako ng luvs ko na Earth Hour pala, mag uumpisa ngayong alas otso ymedya ng gabi local time kahit saang sulok kaman ng mundo ngayon, kong gusto mong makiisa sa panawagan nato patayin mo lang ng isang oras ang inyong kuryente/ilaw/ref/tv/ercon/fan-naelektrik/calculator/celpon/kaaway/kapitbahay isang oras lang nman eh wag KJ! wag lang patayin sa sindak si barbara niyahaha, ito'y bilang pagsusuporta at pag bibigay kaalaman patungkol sa usaping Global Warming teka teka tunog manunulat na yun ah. lol's basta yun na yun,wala man lang akong kamaymalay sa mga pangyayari sa mundo lol's tinanong ko mga ka opis mate ko baka sakali sila may alam tungkol dito naku! napatunganga pa ano daw yun? pareho kami walang alam hehehe( luvs thank you). sa tingin ko at malamang di pede maki isa ang buong Iraq sa panawagan na yandahil baka yan pa ang magiging metsa sa pag hasik ng lagim ng mga teroringsta!



Nakikiisa din ako kahit di ako mag tuturn off ng lights kasi nasa simbahan ako ng mga oras na yan....hehehe pag uwi ko na lang, ang sabi naman ng luvs ko di daw siya mag turn off ng lights kasi natatakot ang chikitings namin, at saka naka ilaw pa rin daw ang mga nasa kapitbahay namin pinaburan ko na lang. Happy Earth Hour.......


Sa lahat ng mga dumaan,tumambling,bumisita o was here maraming salamat sa inyo, pinag tyagaan niyong bisitahin ang blog ko kahit inaamag na hehehe sa lahat ng mga katutu ko sa mundo ng Blogesperyo at sa mga darating pa na maging katutu ko rin maraming salamat.... nakikiisa rin ako sa pahabaan ng post ni Proff Pajay at Lord CM lol's Pis!..... salamat din sa bumasa.....



Keep the Faith...........


Bomzz




17 komento:

EǝʞsuǝJ ayon kay ...

yahuuuu!!!!!
una ako kapit bansa!
mabuti naman at magaling ka na...
ayokong magpatay ng kuryente dito, mainit eh..hhehe..chka pano ko magbabloghop kung makikiisa ko sa earth hour..bawi na lang ako next time..
asteeg ang sagot sa tag..
ok lang yan
huli man daw at "kagagaling" late pa din..
Aja!..:D

poging (ilo)CANO ayon kay ...

tama si adik na jen, "huli man daw at magaling..late pa rin"...buti naman at nagmamagaling este magaling ka na parekoy. hirap tlga magkasakit dito sa outside bansa natin. walang magbibigay ng yakapsul at kisspirin pampatangal ng lagnat..lolz..

wow eggs.....amoy....sapatos..hehehe...

Kosa ayon kay ...

hahaha
taena
astig na astig ahhhh..
ganyan talaga ang buhay ow-ef-dobolyu...wala kang aasahan kundi sarili mo lang.. pray pray at pray..

nga pala,sobrang astig nung legs ahhh.. at yung sulat camay, urig na urig.ehehe

kitakits parekoy..

sana tumaktak ka..hehe

Gumamela ayon kay ...

nakiisa para kay mother earth...

na miss ko ang blog mo sulit nmn ang pag antay nmin.lol!

hup ok k n tlga!

nice legs...gud handwriting!

gud bless!

madjik ayon kay ...

aguy ang true orange naalala ko naman hehehehe.

ang hirap talaga magkasakit dito.. yan ang isa sa mga fears...

Bomzz ayon kay ...

@ Jen mga adik talaga kayo ni Pogi lols huhunga late na talaga salamat...

@Pogi walang din epetren dito.. jan meron na yata? epetren ang inumin mo sakali hehehe joke.. pre

@ Kosa tama ka yan lang panlaban natin... itaktak na ng itak itak natin hanggang sa maging ajinomoto na niyahahaha

@ Bhing ok na ako bhing salamat hehehe si dodong kasi tanong ng tanong kong kilan ko daw gawin yung mga tag ko kaya hayun na pa post hehehehe na miss ko na rin mag blog pati luvs nag tatanong din hehehe

@ Madjik Sir salamat sa dalaw at comen



Keep the Faith Bomzz Jovi

A-Z-3-L ayon kay ...

hanepppp.. ayun eh.. gumawa ng kodiko... tapos tinagalog ang the quick brown fox...

salamat at sobra akong naaliw sa post na ito.. wag mo ng hanapin ung naunang post ko... ninakaw ng magnanakaw na si Lupin... toinks!

uminom ka ng water... isang drum... o inumin mo na ung nasa beach (ewwww!)

pagaling ka.. sa panahon ng krisis bawal magkasakit!

The Pope ayon kay ...

Maraming salamat kaibigang Boomzz, bilang pagpapaunlak sa akin ng "iyong sulat-kamay na isinulat sa iyong kamay" (your handwriting that was written in you hand) bilang tugon sa Graphology Test Tag - nahawa ata ako sa Halo-Halo mong post (hahahaha), mabuti na lamang at ang iyong pagsusulat ay hindi umabot sa iyong mga legs. Salamat naman at magalidng ka na kaibigan. Purihin ka kaibigan.

2ngaw ayon kay ...

Comment ako, nakakahiya at dalawang beses nabanggit ang name ko lolzzz

Pero wala akong sasabihin :D ... para lang alam mong dinalaw kita lolzz

bomzz ayon kay ...

@ Azel lupit naman ni lupin hehehe buti naaliw ka kilangan mo ng aliw ngayon niyayayaya.... salamat nagmagaling na este! magaling na hehehe(napagaya tuloy hehe)

@ Pope Maraming salamat din sa iyo ang bait mo kaibigan....

@ LordCm Lolzz din pre salamat dumalaw ka...

eli ayon kay ...

nung nakita ko yong halo galo na title mo..naisip ko..masarap to ah..tamang tama mainit ang panahon. hehe

at natamaan karin pala ng tag na ito at sa kamay mo pa talaga sinulat ha. hehe.pero tama yun, kase kung sinulat mo sa papel magkakaroon kapa ng basura. eh kung sa kamay eh di erase mo lang malinis na uli ang kamay mo! henyo! hehe

Jez ayon kay ...

ang luffet ng sagot sa tag, tlgang ginamitan ng taktika..aheheh

sana sa bago mong kwarto, at sa mga bago mong roomates eh tuluyan ng bumuti ang pakiramdam mo

ingat, ingat...

Mommy Liz ayon kay ...

haba ng post mo, pero ok lang, funny naman siya. mahirap talaga ang magkasakit kapag malayo sa pamilya, but, ganon talaga ang layf di ba? Ingat ka dyan, sana eh magaling ka na.

pamatayhomesick ayon kay ...

elow pards,ngayon nalang ako nakapasyal dito...at papasyal ulit!

mulong ayon kay ...

panalo yung sapatos...old school!

bomzz ayon kay ...

Una maraming sensya muna ha ngayon lang makasagot sa mga Comen niyo salamat...

@Ka Eli tindi talaga mag isip ang artist di ko naiisip yung na pagtripan lang lol's...

@Jez sana nga.. ganun talaga laging may Sana heheh.. salamat sa dalaw at comen


@Mom Liza salamat u faynd it pani! hehehe...

@Ever cge pre dalaw dalaw lang dalawin din kita one of these days hehehehe

@Ka Mulong oo alam ko di tayo mag layo ng edad... padaan mo pa sa old skol heheheheh
salamat pre...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

yup! keep the faith!

pinag isa mo sa iisang post ang mga tag mo ha.. wahaha! ayus! kaya nakabuo ka ng mahabang tag...

Lagot ka! - Layouts and Images