Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Martes, Hunyo 9, 2009

Eskwela

Mga Anak mag Aral ng Mabuti sa Eskwelahan
Tanging Kayamanang ito, ang aming Mabibigay
Kailaman di mananakaw ninoman
Isa Puso ang bawat turo ng inyong Maestro,Maestra

Maging mabait sa lahat ng iyong Makakasalamuha
Pundasyun niyo ito hanggang sa Pagtanda
Balang araw ang lahat ng Natutunan
Sarili niyo rin, ang Magmamana

Mga anak Respetuhin ang Kapwa
Ugaling ito sa sarili wag iwala
Magulang at Nakakatanda
Mahalin,Igalang wag isabahala

Wag gayahin ang inyong “PAPA”
Pambabayabas ang Inuna
Heto ngayon malayo’t nag iisa
Nagtitiis di kayo Makita
Upang kayo'y makapagtapos
sa inyong pag “ESKWELA”



Parang kailang lang akay-akay pa namin ng Luvs ko si "Ate Issa"kay bilis talaga ng panahon di lang alintana, heto na may dalaginding na ako. Grade III na ang aking Panganay,pumapasok din siya sa aking Alma Mater.sabi ng luvs ko matindi na daw ang kompetisyun sa kanilang section lalo't nat section 1, buti na lang di nag mana sa akin na Last Section, Last Row, Last Sit hehehe..at kasama ang mga pasaway "linis" group.
Kahit matindi ang kanilang ang mga leskyon at competition, ganito na ba ngayon?... sabi ko naman sa Luvs ko wag lang i pressure sa pag-aaral gusto ko lang naman ma enjoy niya ang kanyang murang kaiisipan.susulitin ang buhay ng isang musmus pa lamang....wala na ring sasarap pa sa buhay ng elementarya...diba?



Ito naman ang aking Bunso si "Maymay" Dumadalaginding na rin hehe anim na buwan palang siya nong akoy lumisan at mangibang bansa, ngayon heto na estudyante na rin.hayzz bilis talaga ng panahon eh no?(di na ikaila nagkaka edad na si Bomzz lolz). Nong una ko siyang sinabihan na kailangan na niyang pumasok sa paaralan nitong pasukan. "Papayag lang siyang mag aral basta mag drawing lang daw sila ni teacher niya "drawing lang ng drawing ang gusto. abay nagbigay agad ng kundisyun hehe.ngunit kabaliktaran ito kahapon unang pasok niya sa school. 9:30 palang ang pasok abay alas siete pa lang ng umaga sabi ng luvs ko gising na.at maagang naligo sobrang daw siyang excited. di daw siyang pedeng malate sa school magagalit si Teacher.katuwa naman isipin bata pa lang alam na, na di pedeng sundin ang Filipino Time hehe.(uli di nag mamanasa sa Papa na kilangan pang suhulan ng peso at buhusan ng tubig para lang maligo. lolz..)


Isa ako sa mga libo-libong O-ip-Dobolyo na mimiss ang ganitong yugto sa buhay ng isang magulang , Na maalpasan ang kaligayang dulot ng paghatid at sundo sa mga anak.kaligayang pag hahanda ng kanilang babaonin.kaligayang pagtuturo sa kanilang mag takdang aralin.malungkot man itong isipin pilit palitan ito ng kasiyan, kasiyahang napag aral sila sa maayos na paaralan at mabigyan sila ng magandang kinabukasan, ang tanging magagawa lang ay gabayan. gabay ng salita at pagmamahal.Ganunpaman Masaya na rin akong nakita ko silang masaya.


Kudos!! to all O-ip-Dobolyo..




Maraming salamat din sa aking may bahay sa pag kuha ng mga pictures isa itong memorable na araw sa atin bilang magulang at sa ating mga anak sa kanilang unang hakbang tungo sa kanilang magandang kinabukasan.kaya mga anak mag-aral ng mabuti sa Eskwela.


Salamat




Bomzz

14 (na) komento:

Ching ayon kay ...

dong bomzz,

kay sarap na umuwi para makapiling ang ating mga chikiting.... sana pagbutihin ng pag-aaral di magaya dito sa kasama kong bubuyog ang utak. hehhehehe

ching

EǝʞsuǝJ ayon kay ...

hehe
namimiss ko na din yung mga kapatid ko...
kung paano sila magpayabangan sa mga score nila sa test paper..
kung paano sila batukan ng nanay ko pag isa sa kanila eh naka-setlog..hahah (zero)

pagbalik ko dun panigurado mas matatangkad na sila saken!
nyahaha

:)

lenz ayon kay ...

may kundisyon bago pumasok ang anak eh saan pa magmamana sa papang ng babayabas lang ang inatupag noon hahaha joke lang bomzz..nakakamis nga ang mga bata..

JΣšï ayon kay ...

namiss ko tuloy ung pinsan kong lumaki samen. para ko na rin kaseng kapatid yun.

nweiz, napabilang ka pala sa linis boys! hahaha! pasaway ka kase masyado ata e!

ang bilis lng ng panahon noh? ang laki na ng mga anak mo. at magaling sya sa klase ah. tama ka. kelangan din naman nilang i-enjoy ang pagiging bata nila. pero wag lang papabayaan ang pag aaral dahil yan ang ating treasure na kahit kailan hindi mo maipagbibili.

o siya. regards sa mga anak mo pag tumawag ka. sabihin mo kinukumusta ko sila. nyahahahahahaha!!

Gumamela ayon kay ...

lahat cla may namimis! ako sa araw n ito i miss my old self!!senti-senti n nmn!

prof, last row k?last sit? taga linis?hndi ako naniniwala...

gudluck!

Hermogenes ayon kay ...

saludo ako sa mga kagaya mo na nagsasakripisyo para sa kanyang mga mahal sa buhay...

Kosa ayon kay ...

wow.. isang tula ba yun o payo?
lols siguro kumbinasyon ano?

taena.. kpaag usapang pamilya talaga nababangenge ako... naiinggit sayo parekoy.. inspirasyon ang tawag sa kanila..lols

apiiiir..
mabuhay si Bommz!
mabuhay ang mga Ow-Ef-dobol.U!

poging (ilo)CANO ayon kay ...

clap...clap...

isan kang kahanga hangang ama
malayo ka't nangungulina sa kanila
balang araw makasama mo rin sila
maihahatid at masusundo mo rin sila sa skwela may payong ka man o wala basta ang importante maka uwi sila na may dalang takdang aralin na ikaw ang gagawa...hehehe..

abe mulong caracas ayon kay ...

mukang miss na miss mo ang mga tsikiting mo ha.

pero sana di mo na isinama yung wag kang gayahin sa tula

pde naman kasing...

basta lagi nyo lang tandaan
na ang inyong papa kahit nasaan man
gagawin ang lahat ng makakaya
upang kayoy makapagtapos sa eskwela

Bomzz ayon kay ...

@ Ching wala nag sasarap pa pag uuwi na tayo ano sama ka na.. hehehe

@Jen na miss mo tuloy mga utol mo..
salamat jen.

@Lenz kong ako bayabas ikaw naman "mansanitas" alatiris lolzz
salamat dodong..

@ Manang Dyi lagi akong napabilang jan kasi di nakikinig sa leksyon kaya kasama ko lagi ang linis boys hhehe salamat ha sige regards kita lolzzzz

@ Bhing Emo na naman? heheh

di naman lahat nag pagakakataon naranas lang ikaw kaya maka tulog sa klase di kaya ilagay sa huli? heheheh

@Tonio Maraming salamat pre.


@ Kosa tama ka kombinasyun na yan hehe kaya rin ako nag sipag para sa kanila to kosa..

mabuhay si KOsa! :)

@ Pogi hahaha ayus ah.. semperds ako gagawa nun sa ngayon tiis tiis lang muna... huhuhu

@Ka mulong talagang mi na miss na..
oo nga noh? salamat parekoy nadagdagan na naman aking kaalaman hehehe...

A-Z-3-L ayon kay ...

parang nagmana sayo ang mga tsikiting mo sa pag-popose ah..

halatang "ayaw" nila sa camera... project dito.. project doon... parang ikaw lang! lolz!

di bale lapit ka ng umuwe...
bili ka na ng 2 PSP, 2 laptop, 2 blackberry at madaming mortar pasabog sa mga gustong manligaw!!! lolz!

The Pope ayon kay ...

Tamang homesick hehehehe, thankls for sharing these photos, nagpapa-alala ito sa akig bunsong anak, she's now in College, but she was just 2 years old when I left her.

Isa itong pagpapa-alaala sa ating pagtitiis hindi lamang mga bagong bayani ng bansa kundi isang pagpupunyagi sa pagsasakrapisyo natin bilang mga dakilang ama ng bansa,

Purihin ka Bomzz and Happy Father's Day.

Ruel ayon kay ...

Huwarang ama ka bro..Nakikita ko kung gaano kasaya ang mga anak mo dahil sa napakabuti mong ama..Naway ang lahat ng pagsisikap mo para maitaguyod ng tama ang iyong pamilya'y magbunga ng di mailalarawang ligaya.

Mabuhay ka bro! At sabi ni Pope, Happy Father's day!

Bomzz ayon kay ...

@ Azel sempre mana sa tatay talaga yan lolz.. maluho na masyado sinabi tama na yung barnie doll :) momortarin ko talaga hahaha

@ Pope tamang homesick lang talaga.. tiis tiis.. lang laki na rin pala chikiting mo..
happy fathers day din sayo Salamat

@ Ruphael Maraming salamat (ngiti)..

Lagot ka! - Layouts and Images