Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Miyerkules, Hunyo 3, 2009

TSOKOLATE MO!!!

BABALA: Basahin ng Malumanay


Mula sa istorya mo kay mang Iming hanggang sa kwento ng pag iwan ng bisyo mo sa buhay itoy sinusubaybayan ko na parang Teleserye ng Dos at Telenovela ng Siyete (tama ba?). at mula noon hinahangaan na kita dahil sa galing mo sa larangan ng pag susulat at maraming pang humanga sa iyo at sa kalaunan naging tagapagsunod mo na rin, ngunit dinismaya mo naman ako/kami/sila (di lahat), di kita kilala ng personal tulad din ng ibang blogista, sa pamamagitan lang ng ating mga blog dito lang tayo nagkaroon ng kunting ugnayan sa bawat tipa ng letra sa bawat komento at sa mga aral na napupulot sa sinusulat ng isang blogista, at ang ugnayan nayun ay pinutol mo dahil sa
BALUKTOT MONG PANANAW!!!

OO! Opinyon mo yun bilang isang Blogista karapatan mong mag pahayag ng gusto mo but be responsible sa mga sinusulat mo at di ito ang magandang paraan na makilala ka at sumikat (kong yun ang entisyon mo) wag mong maliitin ang mga kababayan mong O-IP-DOBOLYO ,di ko piniling maging BAGONG BAYANI wala naman kwentang salitang yun…si Gloria “MAKAPAKYAW” Aroyko! (sorry po madam pres. heheh) lang ang may PAKANA! non para sa pansariling mithiin o layunin niya lang yun hindi ang O-IP-DOBOLYO ang may gusto non (sorry po ulit), iisa lang ang aking layunin bilang isang O-IP-DOBOLYO ito ay para sa Pamilya ko at wala ng iba pa (tuldok), di ko inisip sa bawat dolyar na pinadala may naiiambag na pala ako para sa ikakauunlad ng ekonomiya ng ating bansa,di ko inisip yun dahil sa bawat kwenta ko 1$X47.20 ay laging tama naman ang pera na dumarating sa bangko ko heheheh.BAYANI ako sa para sa PAMILYA ko, at BAYANI rin ang Mahal ko sa buhay na iniwan ko. dahil pareho kaming nag sakripisyo. at di mo alam yun dahil wala ka sa posisyun ng isang O-IP-DOBOLYO.

alam ko at alam ng lahat na may “PUNTO” ang mga pinagsusulat mo kaya ka nga hinangahangaan ka ng karamihan eh,ngunit Di lahat ng ‘PUNTO’ mo! ay TAMA!at di lahat ng punto mo ay TATANGO-AN ko! di lahat ng punto mo ay may PUNTO!talaga (Alam mo ba yun?), di yun nakukuha sa galing at sa punto ng pagsusulat kong ang puso mo naman ay may galit at poot ,may inggit ,ang lahat ng galing mo mapupunta sa wala, ang matalino mong utak kong itoy nasa talampakan mo.walang ring saysay.

Mga Tabas ng dila …este Daliri pala!

Ngumiti siya at iniabot ang mga tsokolateng may tatak na “Made in China” sa likod ng pakete. Ang mga tsokolateng ito sa kamay ko ang isa sa mga sagisag na siya’y kagagaling lamang sa ibang bansa – sa Canada.
Maswerte ka nga binigyan ka imbis na mag pasalamat nanlait ka pa.. sana may Melamine yun.. lolzz


Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. diba may adsense ka? sino ba may ari non sino nag babayad non diba dayuhan!


babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan. basahin mo ang post nato ni Miss AZEL ng Dubai “hindi lahat ng OFW ay kailangan ng pera… minsan puso ang nagdidikta!” at tingnan mo rin ang estado ng Pamilya niya kong pera ba ang kategoryang babagsakan niya? . PUSOOOOOO!!!! yun!! uulitin ko PUSOOOOOOOOOOOO!!!!! Pis azel hehe...


Napakasarap pa naman ang mga komento mo sa BLOG ko parang Tsokolate masarap namnamin ang mga sinasabi mo, ang lahat pala iyon ay walang kwenta! walang silbi! kaya inisip ko ang TSOKOLATE nayun ay TSOKOTAE!! pala. bagay lang ang taytol sa TSOKOTAE MO! kaya TSOKOTAE MO RIN! (sorryhehehe)

Sa lahat ng nakakabasa opinion ko lang po ito, kagaya rin ni Bro mike.para sa iyo Bro Mike hangad kong maging maayos ang lahat ng ito, ipinagdarasal ko na sana sa mga oras na binabasa mo ang mga entry ng mga OFW bloggers ay matauhan ka sa ginawa mong kamalian. at wag kang ngingiti-ngiti jan. hindi po masama ang pag hingi ng paumanhin kong itoy mula sa Puso.di kita inuutusan pero di ito kawalan sa pagkatao mo at hindi ito masama kong gagawin mo. after all tao lang tayo nagkakamali rin and im still Haciendiro sa Blog roll mo.PEACE!!! at pang huli try mo to “RESPETO” ito lang kailangan namin.


" Heal the Bloggers, Make it a better place for you and for me and the entire bloggers "

sa mga hindi pa nakababasa sa Post ni Bro Mike ito ang Link



http://pinoy-blog-mike-avenue.blogspot.com/2009/06/tsokolate.html


P.S. Sensya na di ako marunong mag sulat ng masyadong seryoso laging may kunting churva chok chak chenissss hahahah.....

22 komento:

Bomzz ayon kay ...

First Come first Serve.. wag magalit uulitin ko Opinyong lang at saloobin.. lang ito ng isang O-IP-DOBOLYO.. heheh

lenz ayon kay ...

bomzz padala tayo ng chocolate kay mike sakay natin sa mortar..hehehe dami pa nman chocolate dito...

Gumamela ayon kay ...

sabi nga ni spiderma: freedom comes the great deal of responsibilities...

kanya-kanyang pananaw, ipinion, kuro-kuro ngunit iisa lang nmn ang gsto ntin ipaabot bilang OFW. REPESTO.

salamat sa pakikiisa!

Ching ayon kay ...

dong,

ayos yan! isang opinion ko sa pakiisa sa mga blogero lalo na sa mga OFW...

pag uwi ko galing dito sa irak bigyan ko si mike ng tsokotae...

ayos banat mo dong tagus sa wetpo ni ni miketsokotae.

ching

A-Z-3-L ayon kay ...

aba! at starring ako... hehehehe. ayus lang na mabanggit, no problemo.

matanong kita, masarap ba ang tsoko-tae na yan? lolz!

napakainit pa rin sa blogosperyo... halos lahat (karamihan) kase sa atin ay OFW. at sa palagay ko, hindi nya babawiin ang lahat. hayan nga't may pasaring na naman.

sikat na sya gaya ng kanyang inaasahan... sikat na sikat pwede ng ihanay kay cheap tsao... hehehehe!

Joyo ayon kay ...

uhmmm... sino ba yun?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Di ko mabasa ng malumanay.. Galit yung nagbblog nito eh, hehe.. Ang daming naka caps lock at maraming exclamation point! Waha!

Baka makalbo ka nyan Bommz, keep your cool.

Randy Santiago ayon kay ...

Salamat sa pagdalaw Bomzz. God bless!

bomzz ayon kay ...

@ Lenz ang tindi mo naman mamigay ka na ilagay mo pa sa mortar.. IED na lang kaya? lolzz

@ Bhing tama ka RESPETO lang...

salamat din..

@ Ching... Blog nga eh..lolz.. nag pahayag lang din ako Ching tulad ni Bro Mike..

@ Azel kilangan ka don kasi PUSO eh hahahah.. hayaan na lang natin si Bro Mike kong mag pasaring siya opinyon niya yun. patunay na Blogger siya..sa dami niyang Opinion nawawala na ang RESPETO...

@ Joyo.. siya yun oh heheheh


@ Miss D! malumanay nga eh daya mo! pasigaw kang nag basa lolzz..

tama ka makakalbo ako kagabi lang nag pakalbo ako eh (coincedence?) hehehe... were bloggerss...

@ Bro Mike salamat din God Bless..

"HATE THE GAME NOT THE PLAYA"

poging (ilo)CANO ayon kay ...

ayan galit na si bomzz..wala pang bala ng kanyon yan..pano na lang kung meron na....

tiyak sasabok na si Mike..hehehee

Life Moto ayon kay ...

tama ka bro na puso din an gpinaiiral nating mga OFW. marami akong kakilala dito na natagal sila sa saudi not for self, kundi sa kapatid, magulang and later lang bago makapag asawa.
Pera nga but from the heart and for the heart. cOol lang bro!
Nice reaction!

HOMER ayon kay ...

Nabasa ko na to kay pareng mike ganda no? hehe!!

Gud AM po! sana makaboto sa aking blog uli dito www.salaswildthoughts.blogspot.com thanks! JUST CHOOSE IAMSTAYINGALIVE sa polls thanks!

Deth ayon kay ...

yeah...everybody

" Heal the Bloggers, Make it a better place for you and for me and the entire bloggers "

ako man ay kumakanta rin nito...patuloy na nagdarasal na makamove-on sa pangyayaring ito...hehe

The Pope ayon kay ...

Makatarungan at makatotohanan ang iyong sinabi kaibigan Bomzz.
Tayo ay mga OFW na nangangarap mamuhay ng tahimik na at kumita ng marangal para sa kinabukasan ng pamilya... na hindi hinuhusgahan ng
kapwa Pilipino....

Purihin ka kaibigan.

2ngaw ayon kay ...

Hehehe :D pati ba naman dito may comment moderation? lolzzz

Tama ka parekoy, maski ako sinubaybayan ko ang bawat entry nya...di ko akalain na magbabago ang tema ng mga sinusulat nya..

Oist...penge ako TSOKOTAE!!! lolzz

Bomzz ayon kay ...

@ Pogi di ako galit nag BLOG lang ako. lolzz nilabas ko lang yung gusto kong iparating bro mike.kahit sa pabirong paraan na may galit hahahah galit pala tlaga...

@ Jessie di tayo lalayo kong di natin sila mahal dahil sa pagmamahal na yun kinaya nating mag tiis... hirap kay bro mike nang huhusga gayung di man siya nakaranas ng buhay ng isa OFW salamat Kabayang Jessie

@ Pope tayong mga OFW alam natin ang hirap ng bawat isa kaya malaki ang respeto natin sa bawat isa... yun lang talaga malaking tanong kong anong pumasok sa kukuti ni Bro Mike...
Malou F. & Mike A. the same feather flock together...... :)

@ LordCM Masarap yun lolzz pero ni Dodong isakay namin sa mortar lozz

marami tayong sumobaybay sa mga gawa niya.. laking palaisipan yun kong bakit na isulat niya yun ganun pang lalait sa OFW..." DRAGZZZ? hahaha


Salamat Sa lahat

Ken ayon kay ...

nahighblood ako, sorry po, hirap kasi ng kain ng kain ng kafasa at shawarma, buti walang baboy dito, hehe.

Pero honestly, iilang beses pa lang ako nakapunta dito sa kuta mo, napapatawa ako.

Natawa talaga ako at ang misis ko sa post mo, and i admire your witty expression asking for respect. Thanks Boomz, I am following u and I added you in my bloglist.

Bomzz ayon kay ...

@ Mr Thoughtskoto NapapahuwawW! talaga ako sa sinabi mo maraming salamat....talaga yun lang tangging nasambit ko at may kasamang Ngiti....

Kosa ayon kay ...

wow
kung galit na bommz ang na-iimagine nila sayo parekoy, isang cool na bommz naman ang naimagine ko..lols

tama yan!
at 100% thumbs up ako sayo..
tsokotae? masarap ba yun?

abe mulong caracas ayon kay ...

di ko na ito sasakyan...sisikat lang siya

di ko rin binasa yung post na yun!

wag lang kayo paapekto!

Bomzz ayon kay ...

@ Homer ayuss ka ah sa gitna ng kagulohan nangangampanya ka pa rin lolz.. naka boto na ako....salamat sa dalaw..

@Kosa cool lang ako lagi..nasa nag babasa na yun kong isipin nila galit ako lozz Salamat Parekoy..

@Ka mulong tama lang yun wag kana sasakay nasa kapuso ka pa naman baka lalong sisikat hahaha....

di kami pa apekto don.. we are bloggers may rights din kami..

Hermogenes ayon kay ...

bommz ta-rat-ta-rat..
bommz ta-rat-ta-rat..
ta-ra-raat..
ta-ra-raat..
bommz! bommz! bommz!
gudam parekoy!

pero alam mo parekoy, nung mabasa ko yung poste ni mike pati na yung mga comments dun, isa ka sa kinabiliban ko, sinalungat mo at inangalan yung entry nya na nakaharap ang mukha mo, bilib ako sa ganung tao...

mabuhay ka parekoy!

Lagot ka! - Layouts and Images