Sa aking pakikipagsapalaran dito sa ibang bansa, marami akong natutunan,lalo na sa mga hamon ng buhay naging matatag ako, sa pakikipag kaibigan at sa trabaho naging bahagi na ng buhay ko, dito lalo tayong kakapit kay Bro (papa lord) dahil siya lang ating sandalan sa anomang problima na dumarating sa ating buhay.
Marami na ako nakasalamuhang tao at naging kaibigan na nag karoon ng problima sa pag-ibig, sa buhay, sa pamilya minsan sa financial. maging pinsan at kapatid ko akoy kanilang nilapitan sinumbungan, di man nila hiningi ang aking opinion o payo pero alam ko na kailangan nila yun para ikakalakas ng kanilang kalooban,
“ Di tayo bibigyan ni Bro ng Problima,kong di natin kaya” yan ang lagi kong sinasabi nangyari ang lahat ng iyun para mas lalo tayong maging matatag sa anomang hamon na dumarating sa ating buhay at laging tandaan may Bukas pa para sa ating buhay nag hihintay
Minsan di maiwasan nag tatanong ako sa aking sarili bakit kaya ako? sa dinadami ng tao na ka kilala nila bat ako pa? naniwala kaya sila sa sinasabi ko? naibsan ko kaya ang kanilang dinaramdam? di ko akalain na magiging instant adviser ako o taga pagpayo at lalo nat di pa ako ganun karaming karanasan sa buhay upang mag bigay ng payo sa mga mas nakakatanda pa sa akin. lalo na di ako si (Dr Phil hehehe) pero ika nga bilang kaibigan at sa salitang kaibigan gagawin ko ang lahat. papayuhan ko sila sa abot ng aking makakaya maging tama man o mali ang sinasabi, ang mahalaga sa akin ay maging mapanatag ko ang loob nila mag karoon sila ng kunting pag asa at malaman nila na di sila nag iisa andito ako kong kailangan nila at .malaman nila di ko sila ewan sa oras ng kanilang pag iisa.
Ngayon Masaya akong unti- unti kong nakikita ang kanilang pag bangon mula sa isang bangungot na yugto ng kanilang buhay,Masaya akong nakikita na nag karoon uli ng sigla ang buhay nila, nag ka roon ng kulay (di dahil sa gulay) dahil lahat ng mapait na kahapon ay pinag tagpi tagpi uli sa dahan dahang pag takbo at pag ikot ng panahon,Masaya ako dahil naging bahagi ako sa kanilang pakikipaglaban sa laban ng kanilang buhay….
Ngunit may katotohanan di lang nila alam, mas natuto ako sa kwento ng buhay nila,naging matatag ako sa mga payo na binitawan ko sa kanila ,sarili ko rin pala ang magmamana , may natutunan ako sa pag suong sa ganuong problima. sabay sa pag ahon nila pareho kaming may natutunan sa bawat isa.
Minsan nakakatuwa nga lang din isipin,.....tao lang din po ako dumarating sa buhay ko ang pag subok.baliktarin natin ang pangyayari kong sila kaya naging ako at kong ako naging sila, jan kaya sila para sa akin? kong maranasan ko ang naranasan nila?mag bigay kaya sila ng kanilang payo? o baka sabihin na lang nila di na ako nangangaylangan ng payo, dahil ba matatag akong tao? o dahil di nila ako makitaan sa aura ko na parang sinakluban ng mundo, dahil ba ako lang ang taga payo?,tatapikin kaya nila ang balikat ko na sabihing anjan lang sila kong kailangan ko sila?, gaya ng ginawa ko sa kanila.? dasal ko na lang......SANA…..
Kaibigan ang buhay it’s a matter of give and take, pakiramdaman din natin ang bawat isa, lalo na kaibigan lang ating malingunan dito sa ibang bansa,kaibigan wag tayong palunod sa kunting saya! isipin natin sa ating pag kadarapa anjan ang iyong kaibigan para Iahon ka at alalayan hanggang makayanang mong bumangon mag isa.Dito sa ibang Bansa kaibigan lang natin ang ating kaagapay sa ano mang Problima.Maging tagapayo ka man o ikaw ang Pinapayohan.
“In our life its not always easy, being a thousand miles away from your love ones and family, sometimes I need to be a clown I need to be tough and strong, but deep in me I was bleeding.. coz the time they needed me most (my family), I wasn’t there, I am here far far away and the only thing I can do is to hold on to and to pray to our god almighty.coz as the song says.. God will make a way where its seems to be no Way".. ito po ang testimony ko noong nakaraang sabado sa aming simbahan.dito ko binahagi aking suliranin kay Bro.
as I said tao lang po ako dumadaan din ako tulad ng dinaanan niyo, sa ibang mang paraan sa ibang kwento at sa ibang pangyayari……….kilangan ko rin Advice niyo Kaibigan………
Adviser-advisor n. one who advises.-legal advisor.