Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Biyernes, Setyembre 26, 2008

My Home na Malayo sa Home!

Ito ang aking Home na malayo sa Home ko, dito ko ginugol ang aking panahon at oras, mga pangarap, pag asa at pananabik sa aking mahal sa buhay, mga patak ng luha at di mapigilang pag hagulgul at di maiwasang ang paghalo ng ohog at laway at sabay lubo ng sipon :) eewww! ang aming tirahan dito ay gawa sa Trailer o Connex na tinatawag naman na Hooch o Cabin. hanggang anim ang ang pedeng manirahan sa bawat Cabin o Hooch kahit mejo may kaliitan sinikap ko parin maging at home na at home ang aking tirahan a taste of home kumbaga :) sa baba po ang higaan ko at nasa taas ko nman ang ka tropang kong Kumag :).


Di naman siguro masyadong makalat ayus lang :) di na masama kahit puro mga lalaki ang nakatira ,masipag kasi mag linis mga ka roomates ko at ako rin pag di tinamad hehehe


Ito naman ang aking kama oy! impernes nilinis ko rin yan bago ko kinunan hehehe at sempre laging nanjan ang pics ng luvs ko at chikitings para mula pag idlip hanggang sa pagising lagi ko silang nasisilayan at ang bibliya lagi anjan yan , yan ang ating sandigan sa lahat ng oras.

Naisipan kong i post ito na kahit man lang sa ganitong paraan maibahagi ko ang buhay OFW sa Iraq at kahit papano mag karoon ng ideya ang iba at maialis ang maling konsepto o paniniwala na pag sinabing iraq ay magulo at may gira, maayos naman ang aming tirahan at pamumuhay kaya sinabi ko ito ang aking home na malayo sa home.




"A house is made of walls and beams; a home is built with love and dreams.

Lunes, Setyembre 22, 2008

Anong Meron sa Iraq?


Ano nga ba ang meron sa IRAQ? Pag sinabing Iraq ang unang tumatatak sa isipan o kukute ng mga tao ay gira, magulo maraming masamang elemento ng tao yun yun diba? Ano pa ba? Sa mga nag iisip ng ganun on the other side tama kayo jan but on the other side Mali! kayo di naman lahat ng iniisip ng tao ay tama diba? Oo kana lang para wala ng diskusyon pa, pero sa totoo lang nung di pa umapak ang dalawang betlogs ko este! Dalawang paa ko sa bansang ito marami din nag lalaro sa sa utak ko maraming baka! dahil sa takyut pa ako nuon eh baka masungkit ng AK-47 ang wetpaks ko ng mga terorista mahirap na di pa nman ako mabigotilyo o mabalbas na nilalang :) pero ok lang yan tapangan lang yan ng apog at sabay sindak at dilat ng mata hehehe,
Subalit itoy aking mabusising pinag iisipan,ilang araw din itong aking pinagmumunimunihan at aking napagtatantu (naks kala mo totoong manunulat hehe tuloy sa wento) na baka ito na iyong greener pasture na sinasabi ng karamihan at hinahanap ko ito na ang pagkakataon kong umahon sa utang dahil kong sa Dubai lang ako baka hanggang Camel manure lang siguro ang aabutin ko dahil alam naman ng karamihan na di madali ang buhay sa Dubai kaya aking pinag isipan ko ng mabuti at bukod sa pag iisip (kindat sa kaliwang mata ) kinikwenta kong magkano ang kikitain ko kong sisimplang at tutuloy ako sa iraq hmmm 1$ to Ph56 (2004) twwwinggg! Tumataginting na salapi,pera,datung,wawart,kwarta hmmm sa walang pagdadalawang isip (in English no two by two minded).
Nag alsa balutan agad ako and to make the long story very very long I will cut is short twiingggg! uli parang magic nasa iraq na ako. Oo short na lang baka tamarin kang mag basa Sana wag naman at sana sipagin ang mga tamad magbasa :) kaya hanggang ngayon andito pa rin ako sa Iraq nag ba blog yun yun! ang short cut hehehe enihow!enihoo! balik na tayo sa tanong ano nga bang meron sa Iraq? Will… will Ferries well On my own pananaw hmmm kala nyo eenglisin ko ah :), On my own pananaw sasabihing kong maraming maraming marami ah! basta marami Ang nabigyan ng magandang buhay, magandang trabaho, magandang pag kakataon, magandang pag kakitaan,magandang kinabukasan dito sa Iraq suma total ikaw lang ang Pangit hehe joke lang sempre may hitsura naman ang ang mga bumabasa ng Blog ko ngiti ka naman jan sige na, yannn.. tama na kita na gilagid mo :) ang nagpapangit lang ay ang ating walang wentanggg! Uulitin ko at isigaw ko walaanggggggggg wentangggggggggg Gobyer-NO!!!!! (Wag mong sabihan yan Bomzz) may nagtaas ba ng kilay? tumaas ba kilay 2000 nyo kahit maging kilay 3000 pa yan Walang akong PAKI!
A.Alam
B.Pot
C.Ki
D.Rut
E.Ntot
F.Nsheyts!)
Kayo na ang bahala kong anong gustong nyong idugtong sa “Paki” choose the correct answer ayt, I have my own personal deep reasons why I strongly said that hehehe joke lang..teka teka baka may mga English grammar watchers dito baka madali pa ko sa english baruk ko hehehe back to Bisaya este! Tagalog eniway sinabi ko yun dahil sa rasong di ko sasabihin sa inyo :)
Actually,Eventually,Respecfully,Tutuli,Kili2x lumang joke ere! kong sana wala lang Lintik na Ban na yan mas maraming kababayan pa natin ang mabibigyan ng lahat na nabanggit kong Maganda,Sa madaling sabi mas marami ang Meron sa Iraq kesa Pilipinas puro Wala, kong sa Sabungan palaging Meron tayo sa Iraq In Bisaya terms “ Inilog ta permi way ayo ang Biya ” Sa totoo lang On a serious manner (nakss uli!) ang nakita ko at kong anong meron sa iraq ito ay OPPORTUNITY / OPURTUNIDAD sabi nga ni Ai-Ai De Las Baba DI-SI-SIT 2x (this is it sa mga nalito hehe) at ikaw na ang bahala pano mo palawakin at palaguin ang oppurtunidad dumating sa buhay mo na minsan lang din ito kumatok sa buhay ng tao masakit at nakakalungkot mang isipin na ating pang mismong sariling Bayan ang nag alis ng opurtunidad na dumating sa kanilang kababayan, ang kababayan ni lang minsan tinawag na isang makabagong BAYANI.
ito lang ang masasabi ko sa inyo! Mga korap! Mga hipokrito! Dalawa lang naman ang itinuring nyong Bayani yong isa yong bayani na naninipa, nag tataub at nag tataboy ng mga gilid-gilid vendors, at yong isang Bayani na ka apelyido ni Techie! Kilala nyo? yan lang ang dalawang ang Bayani niyo , Hanggang dito na lang nag mamadali na ako eh may isang opurtunidad na dumating sa akin via email, sa susunod kong Post ito ang aking tatalakayin ko kong ano tong Opurtunidad na dumating, antayin nyo ha? sigurado ka? Sure ka? Hmmm bola! Ok ok sige-sige vs Oxo hehehe ok Poks always remember kahit na ano iba-BLOG ko basta walang magulo!!

Opportunity-Fit or convenient time; a time or place favorable for executing a purpose; a suitable combination of conditions; suitable occasion; chance.

Linggo, Setyembre 14, 2008

Sali kayo at Pasasalamat

Gusto niyo bang mag karoon ng kasing luffiitt! ng aking Templatong Desinyo? gusto niyo?pwesss! ito na ang inyong pagkakataon para mabago ang hitsura ng iyong Blog sumali kayo sa Patimpalak ni Carlota, Para sa dagdag kaalaman kong paano sumali maari lamang ay inyong pindutin o clik ang link sa ibaba.

Oh! ano pa ina-antay nyo sakay na! este sali na!

" Pasasalamat"


Maraming salamat kay Carlota sa pag gawa ng aking bagong Templatong Desinyo

Huwebes, Setyembre 11, 2008

Happy Fiesta! Surigao! (Marajaw Karajaw)



Happy Fiesta!Surigao Marajaw Karajaw!! Wow.. kahit wala ako sa amin feel na feel ko pa rin yung Spirit ng Kapistahan sa amin Nagpapasalamat kami sa aming Patron na si Senior San Nicholas de Tolentino sa lahat ng binigay niyang biyaya at magandang buhay sa aking pamilya at sa aming Probinsya (Surigao Del Norte) Mabuhay po tayong lahat.. ibahagi ko lang sayo ang pinaka aabangan sa lahat ang BONOK-BONOK Festival (Street Dancing) salamat sa aking pala Luvs sa Pictures kuhang kuha daw nya dahil nasa Front Seat daw sila
(kuha ng cellphone lang po ito ha)


Naala ko lang nong high school pa ako kasi lagi akong kasali sa mga ganito kahit nakapagod pero sulit ang lahat biruin mo buong araw kang nag sasayaw sa kalsada umulan o uminit tuloy ang selebrasyun.




walo ang naglaban-laban ngayong taong at ang Surigao West Central Elementary School ang nakakuha sa Grandiyosong Premyo

(The fiesta is part and bundle of Filipino culture. Through good times and bad times, the fiesta must go on. Each city and barrio has at least one local festival of its own, usually on the feast of its patron saint, so that there is always a fiesta going on somewhere in the country.)



ito nga pala ang handaan sa bahay namin na pinagka abalahan ng Luvs ko hmmm.. nakakamiss naman ang balat ng Litson.mga bisita namin pamilya ko at pamilya ng luvs ko at mga kapitbahay.

(Sisters ko at pamangkin ko yung mejo bata pa at yang isa iwan ko sino yan naki kurot lang yan yata sa litson hehehe)


(Luvs ko at chikiting at Sis ko at mga pamangkins)

(Pinsan buo ng Luvs (kling-kling) at ang asawa nya, dati kong Boss sa Pinas pa ako nag work)




I just want to share with you the history of BONOk-BONOK Marajaw Karajaw Festival


HISTORY OF BONOK-BONOK One of the oldest and still existing tribes in the Philippines is the Mamanwas, who are quite alike to the Negritoes in physical profile. Although forced to settle in the hinter islands because of the arrival of development, they still practiced, however, their customs and traditions. Among these is the faith about “KAHIMUNAN”, a tribal festivity, where music and graceful dancing are typical features. They chant and play accompanied with their inst ruments, such as: the gimbar (drum), the gong and the bamboo called the “kalatong” and “katik”. A “baylan” or priest preside the celebration as a tribute to their God, “MAGBABAYA” and ancestors for good health and abundant harvest intercessions. During the “kahimunan” or ancestral festivity, wild pigs, chicken and different fruits are offered to the ancestors. A thanksgiving dance called “BONOK-BONOK” is presented by the different village chieftains and babaeyons. Happiness and friendship are expressed through dancing, shouting and singing. They wave scarves of “BANAY” as signs of good will, wealth and blessings for the whole tribal village.Thus, Bonok-Bonok is a ritual dance which originated from these early settlers. The rhythm usually starts with a slow beat and slowly gets faster, causing the dancers to work at pace with the music. Adding to the attraction of the dance is the colorful costumes, which includes beaded headdresses or tubaw, bracelets and anklets of the women. The ceremonial dress of the men and women are likewise elaborate in design, and of various colors.The dance ritual has been brought down through the generations and still being practiced today. In respect to the Patron Saint San Nicolas de Tolentino, the people have already adopted the “Bonok – bonok Maradjaw Karadjaw” Festival which is a reflection of Surigao’s rich cultural heritage.Held in honour of the city’s patron, San Nicolas de Tolentino, this famous Mardi Gras celebration features street parties and traditional ethnic dance rituals. The day-long festivities take place in the area around the Provincial Sports Complex which is a great place to see the many different dancers perform. This deeply traditional event is a way of asking the gods for excellent health and abundant harvests.

Biyernes, Setyembre 5, 2008

Huebes! Nights...



Huebes Nights ito ang gabi ng Lagim este! ito ang gabi ng Tropang Astig Pinoy sama-sama,salo-salo,kain-kain bahay-bahayan biro lang di kasama yang (bahaybahayan),sempre ang di matawarang jamming namin di masaya ang Tambay pag walang tipa ng Gitara at tambol ng Cajunes, isa rin ito sa mabisang paraan ng pampatanggal ng bahaysakit (homesick) at sempre ang bahayanim anak ng kuting! kayo nman oh! Namannamannmananaman Oo yun na yun parang di nyo alam ang HomeToott! (Sinsord) Wholesome ako at ayaw kong bahiran ang Blog ko ng mga kabantutan lol…kunwari lang :) ito na yong mga pics namin sensya na kayo ha mejo ang Camera kasi Teka teka eh!

Sempre bagu upakan yung aming mga inihanda pasalamat muna sa maykapal sa lahat ng biyaya at patnubay na binigay nya sa amin amen.!..


oh! ayan.. bogchi na!kain na!mangan tamo!mangaon ta bai! kain taey! hehehehe



Semperds ang putahe namin yong bihira namin matikman o bihirang lutuin sa aming mga kitchen staff sa canteen,messhall,chowhall, yan basta may hall barangay hall pede na rin lol.. yan ang tawag sa aming kainan. libre po lahat sa canteenmesshallchowhall kahit araw-araw sabihin mong birthday mo imbitado ang lahat ng empleyado pede.. don sa canteen ang kainan hehehehhe.

ito na! jarrrraaannnnnnn!!

Inihaw na baka,manok at may kunting Aso este! hotdog pala hmmm.. sawsawan pa lang ulam na.....

Garlic rice with hotdog, Escabecheng isda,Paksiw na isda sarrappp pang masa talaga ang ulam namin mga lutong bahay simpley lang pero masarap kasi pinaghirapan at pagsasaluhan ng mga magkakaibigan.

"Busog na"

Pagkatapus mabusog ang aming mga ka Bulate-an sa tiyan di lang sila bubusugin aaliwin pa namin sila (tama na yan inuman,hoy! parekoy tumagay ka) sempre anjan ang Jamming! awit ng Barkada...


kaya ito na tama na yan inuman na talaga to near beer nga lang ang makakaya namin (Non-alcoholic) lumaklak ka man ng isang timba nito ihi ka lang ng ihi walang epekto bawal kasi dito ang tunay na alak ang mahuli na may alak no questions ask pack your things an go home..buti na lang di na ako umiinom at saka law abided citizen ako pag sinabing bawal is bawal..grrhh!




Kwentuhan na lang habang tumutuma sa walang tama kahit ano na lang basta meron lang mapagkwentuhan maging masaya lang ang gabi ay ayus na at least isang gabi naman ang lumipas na may ngiti at tuwa sa aming mga mukha at walang matulog na gutom :) at bukas ay ibang araw na nman sa pag sisikap at pag suong ng buhay OFW at Buhay Iraq. nga pala baka hanapin nyo ako ajan ha! wala ako jan sa pics kasi ako po ang cameraman kasi ang camera ko kilangan ng haplos ng pagmamal nangangamo eh parang si Birdie ng Parokya ni Edgar ayaw pahawak sa iba teka teka kasi ang Camera heheheh ...ok poks dito lang muna ako out na ako sa tambayan ko.(wink)

Huebes nights kasi di kami pede sabado at linggo kasi may simba kami, Oo nag sisimba po ako :) Bass guitarist kaya ako sa Church namin :) (wink uli!)


"Nabitin"

Nabitin kami ng Huebes Nights kaya may Friday nights na rin ito yong mga kuha namin kagabi ng Tropang AstigPinoy




Hirap talaga pag Cameraman ka di ka lagi kasali sa Piktyuran.. hayyy!


wow! mejo may nag bago na sa aming mga putahe mejo nag improve na may palamuti na pede na pang Iraq Lol..


ang mga naihanda Adobong Baboy nay may Mirinda,Inihaw na Baboy,Matamis at Maasim na manok (Sweet & Sour),Garlic rice na may Manok, at ang sawsawang maanghang ahhhh!!

"To Astigpinoyiraq mabuhay po tayong lahat god bless us all"





Miyerkules, Setyembre 3, 2008

Eng-Lis Baruk

Likas sa ating mga Pinoy na may angking talino sa pag Spokening Dollar pero minsan merong pagkakataon na kilangan mo baguhin mo o retukihin ang iyong spokening dollar para lang sa kapakanan ng iba na ikaw ay maintindihan. kaya ito ang kaibigan kong si Astig BRO-G (aka Burog) at ang kanyang malufffiiit!! na balitaktkan ng Englis sa kanyang mga kustomer at ka tropang mga Itik (indyaniks), siyanga pala ayaw nga niya tawagin Burog kasi malaki na raw sya nakakahiya na at di na raw burog ang mukha nya makinis na raw ang mukha nyang burugin hehehe pero pag dugtungin mo ang BRO-G ang labas ay.. Brogggg! lol ganun pa rin..

Burog: Wy u no Coming me loking2x me no see u!
Itik : Me coming here u no coming outside!
Burog: ah OK! me rawnding-rawnding outside
Itik : Wy like this u!! wy to much awting-awting u.( gumala kasi si burog hinanap nya)
Burog: ok! ok! u coming bak tomarow sim-sim taym..ok? me burning sangs u.

hehehehe english ni burog kausap nya Customer nyang indianiks(nag pa burn ng CD)

Burog: hey! u! u! wy no giving me to mats burning burning Sangs! u only now asking me.!. why no giving u.. this guy no good!
Itik: Wy me No good?this one no giving onli Seling! problem dis after no baladiya..
Burog: Ok haw mats dis one! no to mats price ok? u to mats baladiya coming..
Itik:ok! ok! i gib dis 5$ onli! ok after me ! u burning me sangs!! ok!
Burog: ok! me burning now sangs u!

Ayun! nadali nman ni Burog ang itik 5$ lang na memory stik.8Gb pa! galing talaga! ni burog! makipag itikan! sa mga ITIK... galing talaga mag englis ni burog!

Burog: halu sadik! wy u kaming her?
Itik: me turning dis CD dis one no sangs coming to mats skratsing.
Burog: wy lyk dis u me giving giving yesterday good now coming again asking dis one no good
Itik: u problem sadik after cheking dis no working
Burog: ok me telling u I burning dis wan din u paying paying agin?
Itik: ok me witing witing u, after finish me paying sim sim price ok

Sinauli ng Itik sira daw ang CD na bi nurn ni Burog dali pa rin ang itik pinabayad uli heheheh

Ganun po mag english kadalasan ang mga Itik at gamitan mo rin ng sign language(sign of the Cross) meron naman iba talaga na no coming english, di po ito sa panlalait tayo po ay nakikibagay lang sa kanila tama lang na ikaw ang makikisabay sa kanila kasi di ka nila pedeng sabayan u have to considered them just to communicate and understand them, teka teka! nawawala yata ako sa wesyo bat nag spokening dollar ako Lol nag eenglish ba ako ? di ah! di nga? owssss!! never ako nag e-english neverr!!!!eniwey kaya ito nabansagang Englis Baruk by Mike Burog si Brog-G. oh ikaw oo ikaw! ano na learning learning u english now? coming englis? :) kong din nyo maintindihan to, mag paturo kayo sa mga itik jan sa pinas mga nag pa Fayb-Six jan magaling din ang mga yan! heheheh enjoy poks rem? kahit ano iba-blog ko basta walang magulo

Friends Reunion

I just want to share the pictures of my wife with her best friends since elementary days it’s quite amazing sometimes long time friend gathered together and reminisce all the good old days


my Wife(in lady in red no stripes)Eman,Sheryl&Sheila,(there Twins),


(Best Friends Reunion)


and of course now that there grown up a lady turn into a woman and becomes a Mom, heres the Pictures with there Chikitings..(kids) oopss! Eman still Single though..

“A friend is a hand that is always holding yours, no matter how close or far apart you may be. A friend is someone who is always there and will always, always care. A friend is a feeling of forever in the heart.” Bomzz

Martes, Setyembre 2, 2008

mga Bisdak!

the Visayans (Visayan, Filipino: Bisaya) are the largest ethnolinguistic group in the Philippines Visayans commonly identify themselves based on language, ancestry, or geography. For instance, a Cebuano of Chinese or Spanish ancestry may call himself Bisaya because his mother tongue, Cebuano, is a Visayan language. Others base their Visayan identity on their ancestry; a Manileña of Visayan parentage, for instance, may identify herself as Bisaya in spite of not speaking any of the Visayan languages. Ancestry could also be seen as the basis for having several Visayan languages. From this point of view, one is not a Bisaya because the language one speaks is Binisiya. It is the other way around; the language one speaks is Binisaya because one is Bisaya. Thus, several ethnolinguistic groups can equally claim that their language is Binisaya since they are all equally Bisaya.

Ito ang mga ibat ibang Klaseng Bisaya na nakaksalubong ko at nakasama ko


1.Biglang Tagalog- ito yong klase ng Bisaya na kasabay mo sumakay ng barko papuntang manila sa pier nagbibisaya pa yan ..ng sabihin mo sa kanya Bai nasa Manila Bay na tayo sasagut yan, Anak! ng tipaklong bat di mo agad sinabi Manila na pala di tuloy ako nakapag bihis.. hoy! amaw! Bisaya ka pa kanina ah

2.Di ako Bisaya- ito yong Bisaya na pag sinabihan Bisaya ka anoh? Sasagut yan ng nakalambitin ang nguso akala moy sabitan ng kaldero sa kusina di ah! Waray ako! Di ako bisaya! Pasigaw pa yan! hoy! Kulas Nasa Luzon na ba ang Samar? kasama pa rin kayo sa Visayas region your categorize as Bisaya tanong mo sa betlogs mo lol.

3.Yabang ng Bisaya-ito yong bisaya na pag na pag uusapan ang pag kain lagi niyang binibida at pinagyayabang ang Shotokill (inihaw,tinola,kinilaw na isda) ang tinulang isda na di alam kadalasan ng mga tagalog na ang isda ay gawing tinola ng mga bisaya Sasabihin nila pede bang itinola yun?

4.Huling huli na Bisaya - (Pare! don sa amin pag ako nag Laga-Laga laging akong naka karsones,( ito ang tama ....pag ako nag gala-gala laging akong naka pantalon hehehe) ito yung bisaya na akala moy mag tagalog akala mo true eh lie nman pala .sa bandang dulo Bisaya din at pag nanuod pa ng malaswang palabas ang ingay pa grabe! Bai yung babae kinain ng Etit”s ha? ano kamo bai? Kumakain na pala ang Itit"s ng babae ngayun ha?

5.Ganti ng Bisaya- ito yong mga bisaya na di patatalo pag sinabihan na ang mga bisaya pag na punta daw sa manila ay parang mga tanga laging naka tingala tinitingnan ang mga matataas na building ay! lintik lang ang walang bukol! sagut ng bisaya ikaw ang tanga! sige nga! tingnan mo yang building na nakayoko ka! Makita mo ba ang building na yan Amaw! man diay ka.. hmmmm tama nga nman si bisaya di ka naman higante para di ka na titingala hehehe

6.Manila Boy ako- ito yong mga Bisaya na nagsasabi alam nyo Pare sa tagal ko sa Manila di na ako marunong mag bisaya Ambot oy! ngano na ni. (ayun nadulas Cebu boy ka pa rin heheh)

7.Bislog-ito yung mga bisaya na pinanganak na sa Manila Perents nya Bisaya kaya Bisaya pa rin sya, kong may Fil- Ams tayo (Filipino American) may Bislog din tayo(Bisayang don initlog sa Manila kaya Bislog) Oy! dong Bislog ka pala..

Ang mga Bisaya kahit san mapunta Bisaya pa rin itanggi mo man ito lalabas at lalabas pa rin ang Pagkabisaya ni Dodong at Inday kaya batu batu sa langit ang tamaan ay sigurado bukol ikaw ba naman tamaan Lol! ilan lang ito sa mga napapansin ko sa mga klase-klaseng kaugalian ng mga bisaya di lang napansin ha alam ko. Oo! alam ko kasi isa din akong Seinto Porsientong Bisaya kahit san man ako tingnan sa likod sa harap sa north sa south sa kuyokot sa kulangot isa akong Bisaya! Yang ang mga Bisdak! ok poks sa uulitin ingats sa mga bisaya hinahinay mo diha noy! hehehee

Chikiting ko


Haayy! tumatanda na yata ako kamakailan lang yun karga-karga ko pa tong chikiting ko na ito kay bilis talaga ang takbo ng panahon ngayun isa ng Girl Scout di ko maiwasan tuloy maalala noong kabataan ko pa. gustong gusto kong sumali ng Boy scout isa rin yung sa mga pangarap na mga kabataan at pangarap ko rin ang masali sa Boy Scout of the Philipines BSP at makasama sa Camping pero di mo talaga maiwasan minsan may isang bagay di maibigay sayo at naiintidihan ko yun dahil sa sitwasyun namin nuon mejo kapos kami sa erap talagang alaws arep!kaya boys kain na lang ang bagsak ko ,kaya sa aking mga chikiting na lang pipiliting kong sila ang tutupad sa aking mga pangarap, mga pangarap kong naudlot dahil sa kakulangan kahit papano luluwang ang puso ng isang magulang na unti unting nakikita at natutupad ang mga pangarap mga pangarap kong nilamon na ng kahapon at panahon at sa kasalukuyang unti unting maabot sa aking mga supling at itoy napakalaking tuwa at galak sa aking kalooban maging sa aking palaluvs , ang Pangarap kong maging Boy Scout nuon, sila ang tumupad bilang isang Girl Scout ngayun ( ha? senti! na ba di nman masaya lang semperds Proud kami ng Pala-Luvs ko sa mga naabut ng aming dalawang chikiting .


"A daughter is a mother's gender partner, her closest ally in the family confederacy, an extension of her self."

" There enjoying the Games"


" A daughter is the happy memories of the past, the joyful moments of the present, and the hope and promise of the future" Bomzz!!

Mag kamukha at ang Ilong!

Nag gym kaming dalawa ni ka tropang trompo kong si rakingworms mejo matagal na rin yun mga isang araw na ang nakalipas siguro:) habang ginagalit namin ang ang aming ka masel maselan sa wan kata may napansing kaming isang tokmol sa gillid na tingin ng tingin at pangiti ngiti at sunod ng sunod sa amin kong saan kami lilipat ng gagamiting machines namin andun din sya naka buntot. sabi ko kay rakingworms baka bagong salta to sa Irak at nagyun lang nakapasok sa gym kaya nag mamasid muna sa palibut ang tokmol .Habang gumamit kami ni Rakingworms ng Baras pull-up work out nasa likod namin sya at ganun parin pa ngiti ng ngiti kala mo ka tropa nya kami sa isip-isip ko baka bakla yata tong tokmol natu at gustong birahin ang betlogs namin humahanap lang ng tiyempo :) ,pag ngumiti pa nman halus nawalala na ang mata kala mo Chinese at kong makatingin may pag nanasa kay Rakingworms :) eniwey tuloy pa rin kami sa aming workout akalaing bang bigla na lang sumingit ang tokmol sa ginagamit naming baras at ginaya nya ang work out namin wala man lang sinabi (o excuse me man lang) na gagamit siya aba! Aba! Pinapakitaan yata kami nito tokmol natu ah!Nailing at nangiti na lang kami ni Rakingworms yung ngiting mejo inis at sabay simangot (sumimangot ka rin ba?) tumabi muna kami at Sempre pinabayaan na lang namin syang gumamit .. hanggang di nya kaya nangalay ang tokmol tatlong ulit lang nagawa nahihirapan sya talagang namang mahirap ang pull up work out kaya pag ka baba nya eh mejo nainis pa ako eh! sabay sabi ko “Kala mo madaling lang ha! kala mo lang yun!!” di nman gaanung kalakasan ang pag kasabi pero dinig nya iyun Ang buong akala ko di nya maintindihan ang sinasabi ko dahil Nepali ang mukha biglang ba namang sumagot sya sabi niya “Hirap talaga kabayan pag di ka sanay!” Watttttttttt!!!!!!!!!! Anak ng camote Pinoy pala ang tokmol hehehe buti gumana agad ang KuKute ko gumawa agad ako ng paraan defense mechanism kom baga para di sya magalit sabay sabi ko sa umpisa lang yan Kabayan! Sa mejo mahina na boses Masanay ka rin nyan parang umaamong tupa ako hehehe pero sa isip-isip ko Tokmol nato di man lang nagsalita at nag excuse nong gumamit ng machine di yung pangi ngiti lang hoy! tokmol mukhang kang Nepali talaga! ng lumabas na kami sa gym don namin binuhos ang tawa yung tawang tokmol ahahahah yung ganun… habang tawa kami ng tawa biglang kong na isip na baka kami ni rakingworms ang napagkamalan nyang mg Nepali din kaya ganun na lang sya kong maka ngiti at maka titig sa amin, sa dami kasi ng nepali sa campo namin na mejo kahawig at mukhang Pinoy din yung iba di mo maiwasan na ang Pinoy mapagkamalang Nepali lalo na yung mga Pinoy na mejo singkitin na mata naku! minsan sabihan ka pa sa kapwa Pinoy na “ Sadik wer go wy lyk dis u?” akala kasi nepali ka Natatandaan ko pa noong 2004 ang nepali dito ay 35 lang nagyun 450 na sila lahat tingnan nyo lang yan sa dami nila at ihalu sila sa mag betlogs na Noypi kong di ka ba malito sa mukha nila..sa pangyayaring iyun kahit naman papano may natutunan din ako na “ wag agad husgahan o pagsalitaan ng di maayos ang kapwa tokmol mo Lol at di lahat ng singkit at mukhang Nepali ay Nepali na ! may Balot Pinoy pala na mukhang Nepali din. At sa mga Pinoy na mukhang Nepali hoy!! mga tokmol! dilatin yung mga mata ninyo kahit paminsan minsan para di mapagkamalan.. sa tuwing naalala ko to di ko mapigilang ngumiti na mukhang tokmol na ngiti din hahahah! Ayan natawa ako tuloy hahahahaha…!! tawa ka nman jan mukhang ka ring tokmol eh.. Oppssss teka teka teka!!! teka nga di pa ako tapos ito eh.! ito pa........

Nag aantay kami ng bus pauwi sa campo namin kasama ko ang katrabaho ko noon na Itik (Indyaniks) ng may naamoy ako parang may nag iihaw ng Akab ata yun sa kabilang ibayo tindi ng pang amoy ko noh! sa kabilang ibayu amoy ko pa.. enewey. Hmmmm ang bango talaga nakakagutom ahhhh! sa amoy palang ulam na ..kaya tinanong ko ang Itik! kong naamoy nya rin at para dalawang kaming magutom sa amoy at idadadamay ko sya (matawa ka sa sagot nya)Ako: Sadik do u smell samting? Smells gud men! (sempre englis itik eh)Itik: No! me no good smelling! Now dis one problem.. tinuro nya ilong nya..Ako: tanong ko siya uli Why? Wat happen to ur nose sadik?Itik: My Nose problem no good maybe Leaking insayd…waahahahahaha tawa talaga wahahahahahah Nag leleking na pala ng ilong siguro sinisipon sya englis itik talaga ,oy oy! o y! oy!bago ka sumabay sa tawa ko chek mo ilong mo baka leaking na rin yan para ma chek na yan natin sa Tubero cge! tawa na walang leking ang tawa cge tawa pa! ayan tumalsik na salayba mo tama na.. tikom muna bunganga mo ... yannn! Lol

Bhoying Skimmer



"Bro Bhoying"
Dubai U.A.E. Skim Club.
Skim isang laro na kinahihiligan ng mga taong nais umiwas sa mundong ka hipokritohan (sabi ng utol ko yan ha!) ang pag i skim daw ay bagay na nag bibigay saya sa mga taong nahuhumaling nito iba daw ang feeling ika nga nila! at least may feeling diba! ang larong ito kilangan mo ring daw mahalin at pag aralan ng mabuti matinding insayo at pag sanay ang kinakailangan dahil kong hindi siguradong ihambalos ka sa alon at madagukan ng iyong skimboard :) at kong mangayari man yung ihambalos ka sa alon at madagukan! ang advise ko dagli-ang bumangon at sabay sabi sa mga nakakita kaya niyo yun? Lusot karin don pero masakit yun at ayun sa aking pag sasaliksik pag nag i skim ka daw umiitim ka raw (totoo ba yun? LOL) maliban na lang daw kong ikaw ay Ameriki! namumula lang kong ikaw ay Noypi sigurado Nog-nog ang labas mo pati betlogs mo nog-nog na rin :)
kaya si utol ko Nog-nog narin o kayo gusto nyong matoto mag Skim?
may kunting TIP"S ako sa inyo ito ito makining ng mabuti este! basahin nag mabuti ha babasahin mo ba? sigurado ka?ok sige ito na nag mamadali ka nman eh! Unang Tips:Bumili ka ng Skim Board sempre! bili ka muna alangan namang mag buraot ka lng! at mang hiram di ka tawaging Skimmers nyan kundi Burauters. Pangalawang Tips:Pagtutunan pano pag Skim diba obyus! kilangang mong matuto halleerr! di yan bangka sagwan ka lang takbo na na.Pangatlong Tips:Pag aralan pano sumampa sa tabla sa skimboard pala ano kaba sinabi ko lang tabla para malito ka :) at pag katapos mong sumampa yun bahala kana makipag bunuan sa alon.Pang apat na Tips:kong ayus kana sa tatlong kong Tips Skimmer kana at ito pa ang Skimmer dapat daw "U should Be Cool" walang express ha! ma anghang yun pero matsalap yun! :) ok ito na Panglimang Tips: sa totoo lang di ko alam ang pag ii skim (skim milk paborit ko pa) kong gusto mo talaga bahala ka! skim at ur own risk Lol! sinulat ko lang to dahil gusto ko at skimmer ang utol ko :):) diba sabi ko kahit na ano!! i-ba blog ko basta wag magulo Lol!

Lagot ka! - Layouts and Images