Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Biyernes, Setyembre 5, 2008

Huebes! Nights...



Huebes Nights ito ang gabi ng Lagim este! ito ang gabi ng Tropang Astig Pinoy sama-sama,salo-salo,kain-kain bahay-bahayan biro lang di kasama yang (bahaybahayan),sempre ang di matawarang jamming namin di masaya ang Tambay pag walang tipa ng Gitara at tambol ng Cajunes, isa rin ito sa mabisang paraan ng pampatanggal ng bahaysakit (homesick) at sempre ang bahayanim anak ng kuting! kayo nman oh! Namannamannmananaman Oo yun na yun parang di nyo alam ang HomeToott! (Sinsord) Wholesome ako at ayaw kong bahiran ang Blog ko ng mga kabantutan lol…kunwari lang :) ito na yong mga pics namin sensya na kayo ha mejo ang Camera kasi Teka teka eh!

Sempre bagu upakan yung aming mga inihanda pasalamat muna sa maykapal sa lahat ng biyaya at patnubay na binigay nya sa amin amen.!..


oh! ayan.. bogchi na!kain na!mangan tamo!mangaon ta bai! kain taey! hehehehe



Semperds ang putahe namin yong bihira namin matikman o bihirang lutuin sa aming mga kitchen staff sa canteen,messhall,chowhall, yan basta may hall barangay hall pede na rin lol.. yan ang tawag sa aming kainan. libre po lahat sa canteenmesshallchowhall kahit araw-araw sabihin mong birthday mo imbitado ang lahat ng empleyado pede.. don sa canteen ang kainan hehehehhe.

ito na! jarrrraaannnnnnn!!

Inihaw na baka,manok at may kunting Aso este! hotdog pala hmmm.. sawsawan pa lang ulam na.....

Garlic rice with hotdog, Escabecheng isda,Paksiw na isda sarrappp pang masa talaga ang ulam namin mga lutong bahay simpley lang pero masarap kasi pinaghirapan at pagsasaluhan ng mga magkakaibigan.

"Busog na"

Pagkatapus mabusog ang aming mga ka Bulate-an sa tiyan di lang sila bubusugin aaliwin pa namin sila (tama na yan inuman,hoy! parekoy tumagay ka) sempre anjan ang Jamming! awit ng Barkada...


kaya ito na tama na yan inuman na talaga to near beer nga lang ang makakaya namin (Non-alcoholic) lumaklak ka man ng isang timba nito ihi ka lang ng ihi walang epekto bawal kasi dito ang tunay na alak ang mahuli na may alak no questions ask pack your things an go home..buti na lang di na ako umiinom at saka law abided citizen ako pag sinabing bawal is bawal..grrhh!




Kwentuhan na lang habang tumutuma sa walang tama kahit ano na lang basta meron lang mapagkwentuhan maging masaya lang ang gabi ay ayus na at least isang gabi naman ang lumipas na may ngiti at tuwa sa aming mga mukha at walang matulog na gutom :) at bukas ay ibang araw na nman sa pag sisikap at pag suong ng buhay OFW at Buhay Iraq. nga pala baka hanapin nyo ako ajan ha! wala ako jan sa pics kasi ako po ang cameraman kasi ang camera ko kilangan ng haplos ng pagmamal nangangamo eh parang si Birdie ng Parokya ni Edgar ayaw pahawak sa iba teka teka kasi ang Camera heheheh ...ok poks dito lang muna ako out na ako sa tambayan ko.(wink)

Huebes nights kasi di kami pede sabado at linggo kasi may simba kami, Oo nag sisimba po ako :) Bass guitarist kaya ako sa Church namin :) (wink uli!)


"Nabitin"

Nabitin kami ng Huebes Nights kaya may Friday nights na rin ito yong mga kuha namin kagabi ng Tropang AstigPinoy




Hirap talaga pag Cameraman ka di ka lagi kasali sa Piktyuran.. hayyy!


wow! mejo may nag bago na sa aming mga putahe mejo nag improve na may palamuti na pede na pang Iraq Lol..


ang mga naihanda Adobong Baboy nay may Mirinda,Inihaw na Baboy,Matamis at Maasim na manok (Sweet & Sour),Garlic rice na may Manok, at ang sawsawang maanghang ahhhh!!

"To Astigpinoyiraq mabuhay po tayong lahat god bless us all"





11 komento:

Roland ayon kay ...

sarap ng mga food... anong okasyon meron? ...saang lupalop kaba naroon?

Bomzz ayon kay ...

@ roland meron o walang okasyun naugalian namin to pag may naburaot kami sa Kusina nga pag kain o karne namin yun ihaw ihaw na dito po kami sa sa Camp Taji, Iraq

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wow astig! daming pulutan! salamat sa pagdalaw! astig ang mga kwento mo..nakakatuwa. add rin kita link ko. salamat kabayan

Admin ayon kay ...

Nice naman....

Talaga bang nasa Iraq kayo?

Parang Pinas lang ah!

rehabman ayon kay ...

Nasa Iraq ka pala. Naku, di ba may travel ban jan? hhehehe

Bomzz ayon kay ...

Travel ban? oo totoo yan.. but ill be honest with you if there's still Lacoste (buwaya) on our immigration employee walang kwenta ang ban na yan. just sad to say rehabman but its true. just an FYI most of us were already here before the Ban impose.

pusangkalye ayon kay ...

Mukhang me kulang. Bakit di San Miguel yan? wala bang San Mig dyan kuya Boomz? Sarap ng inihaw....
....ngapala, bakit Hwebes?

Bomzz ayon kay ...

@ eli salamat sa dalaw

@lion heart oo nasa iraq po kami kong nakikita mo po yong bacground sa pics namin hesco yan or Barriers at sakay yung parang Arko bunker jan kami nag tatago pag may incoming pero sa awa ng diyos almost a year wala ng incomint attacj at sanay tuloy2x na salamat sa dalaw..

@ saling pusa salamat sa komento walang San Mig dito meron pala kayang Drawing lang heheheh huebes kasi! ammm basahin mo nalng post ko bakit huebes hehhehehe

jigs ayon kay ...

ayus ka bay! lamia sa pagkaon oi. naglaway man hinoon ko! salamat sa pag duaw sa akong payag. kambak soon. :D ehehehee

GMG ayon kay ...

miss these foods! wala bang kinilaw? :)

Bomzz ayon kay ...

@ jigs dong salamat kaayo sa komento i will return of the kambak ra ko sa imo hang payag..

@gmg hmmm kinilaw bihira lang kasi ang isda dito paminsan pag meron.. salamay sa komento..

Lagot ka! - Layouts and Images