Pinag kautangan

myWeb-Blog Designs

Subskrayb na!


RSS Feed (xml)

Biyernes, Disyembre 26, 2008

Party,Parti,Parte,Partae,Partey,Tipar....Part 1

Maligayang Paskooooooo!!!!
Party sa aming company Dec 24 ng gabi, late na ako dumating semperds unahin ko muna pamilya ko bago party party na yan,chat muna kami ng Luvs at Chikitings ko.kahit nasa malayo ako sama sama kaming nag salubong ng pasko sa mag kaibang taym zone nga lang (7:00pm in Iraq 12:00 midnight in Pinas ) at least masaya kami (gib-it-up to skype)


Pag pasok ko sa kompawnd ng aming kompanya pinagtatrabahuan malayo pa lang umalingawngaw na ang ingay ng tug-tug (disco na to!) at amoy na amoy ko na ang umusok na panigurado ng aking mala K-9 na pang amoy boyba! to!...

Puta-he inihaw na Boyba!,inihaw na Nokma,Maja Blanka ,sandamukal na fin's fries na binanatan naman ng mga indiano lol's at di talaga mawawala ang treyd mark sa handaan ng mga Noypi ang Papapansssssitttt...


SSg Horace the "MVP" tumira ng 3 Ppp--ansit hehehe

dito ako nagulat pag dating ko sa sayawang sahig hanap ko agad ang tropang astigpinoy ...Dem! wala sila!! ang mga nakita ko nepali at indyano mga hindusss ang dumali sa dan'z floor! wat dah!??nakakagulat..last year di ko man lang naaninag mga anino nila ngayon daig pa kami dem! matanong ko lang naniniwala ba ang Hindu religion ng Pasko? o baka nakigulo, nakihalo o naki exchange gift ng amoy lol's.naisip ko lang ang laki talaga ng epekto ng lintik na BAN na yan. leche! talaga gobyerno natin ano?isip lang...(im not saying that the party is only for Pinoy, it's a Company Party so all employee is invited, i was just shocked its my 4 years here in taji the last 3 years.. its wasn't like this.. but it was fun after all the party was off the hook wew!!)







ito na ang Astigpinoy .... ang mga makukulit...


Papormahan muna sila..


ris dah roff yo!!!



lorna with her engot! dan'z move hehehe


mga arepapeps...
Arutsski,dong manny,ate mercy,sis dolor, jowey


di pede mawala si Santa open Claus

kapareho to hagdanan nato sa mga club ah! heheheh
(napanood ko lng sa tv)

hirap talaga pag ang camera teka teka di pedeng hawakan ng iba kasi di nila alam ang haplos ng pagmamahal nito.. ayaw pahawak sa iba di tuloy ako maka porma lol's

Ayus na sana ang sayawan.. todo bigay na ang lahat.. ng biglang! may STOP THE PARTY!!! tigil na daw! kasi may pasok pa bukas utos ng amo, natulala ang lahat! tingin tingin kamot kamot.. then the music stop they turn off the lights...dem!!! bitin!!! walang man lang kawntdown para pagsalubong sa alas dose, (sabi ng mga indiano wat to do yani?) alaws magawa ang lahat utos ng mataas eh kaya lugto back to lungga na lang hayzzz....no doubt mag company hopping na lang ako sa new year kaysa ma bitin.. in short mamburaot na lang...
isisingit ko lang to kuha namin sa opis hehehe
with Ma'am Debbie sa kanya yong mga binuraot kong pang gayak sa room namin.
" Maam DB camera"


My pakner sa opis si dodong len2x lol's
(kami rin nag gayak sa opis)

ang mesa kong makalat hehehe
( kasama yan sa looking bise tips)


Masaya na rin ang pasko ko kahit papano nakausap at nakita ko luvs at chikiting ko,busog na rin te-bulat's ko , di man ito tulad sa atin ang aming mga handa dito, yung mga handang pang noche buena talaga, oks na rin kong anong meron yun ang lalamunin, basta ang laging itatak sa ating mga mala helipad na nuo ay ang diwa ng pasko ay pagmamahalan,pag bibigayan, at mag hawak-hawak ng kamay ating isigaw kapayapaan,...
o kayo musta pasko niyo?
Maligayang Pasko uli..




Linggo, Disyembre 21, 2008

Camp Taji Christmas Party

Christmas is the Joliest time of the year its the time of Peace,Love,Hope and Joy and it's the time of giving gift to our love ones, the world will celebrate to remember the the Birth of our Saviour Jesus Christ who was born in the Manger.


Church Service and Christmas Party

Warrior Chapel International Service

Lot of gifts they will be giving it on the Christmas eve, be there folks..


we set a new a record on our attendance 135 plus (fr: 118) the word of god is really spreading in Camp TAJI






We came from a different nationality different backgrounds and culture, but were the same faith to our Lord Jesus Christ (thanks to our brother & sisters from India, Nepal,Uganda,Philippines,America,Sri Lanka)


SSgt C. Principio fil-ams from Hawai a big smile
The Sermon was really good, the Chaplain talks about of a lot what if? in our live's, what if god did not exist? what if we were not born? sure that something to think of....

The Chaplains at the back quitely listening the song (we wish you merry Christmas and Feliz Navidad)



Candle Light its symbolize Jesus is the light of our life



The church band singin" O Holy NIght..

After the Service its time to eat


The food is good (pansit,fried rice with crab meat,cakes,leche plan,Crab meat balls, and a lot more )


Many many thanks to ate Mary for all the effort and sleepless nights just to prepare all of this.

Arutsski and Sister Evelyn pose first before eating :)

Let me taste this Pansit...


on the screen, its a movie (wonderfull life) about a mission of angel ,send to earth to save a man whose trying to kill himself, we have to watch it next saturday for the full story its... an old old movie... cant wait...


Christmas is all about
"PEACE"


"JOY"



"HOPE"














"LOVE"















"May the spirit of Christmas will touch the heart of every warrior here in Taji.May the good lord will bless our simple sympathy in reminisce his existence.The gift of love The gift of peace The gift of happiness the gift of joy the gift of hope. May all these be yours at Christmas."
"Merry Christmas to all"

Miyerkules, Disyembre 17, 2008

Simbang Gabi na!


Simbang Gabing/Madaling araw na mga kabayan! nag simba ba kayo? (nag simba na ang luvs ko at chikitings) ako hindi! nag patigas lang ako sa kama ko lol’s (lamiggggg), unang una wala nman kasing simbang gabi/madaling araw dito, kaya nakakamiss talaga, itulog na lang ang tangi kong magagawa, memorabol sa akin ang simbang gabi dahil sa tanang buhay ko for the 1st taym sa wakas, nakakumpleto ako ng siyam na araw na pagsimba sa pag tiyagang pagising ng maaga kahit nasa kasarapan pa ng??,(Bak in dah Day! taong 2000) nangyari lang din yun nong nag asawa na ako (nong binata pa kasi ako wan-E! ko lng ,alaws akong matandaan na nag simbang gabing/madaling araw ako sarap kaya matulog lalo na sa edad na Dise!) buti na lang matiyaga rin ang palaluvs ko na pagsasampalin ang puwet ko para magising, kong di dahil sa pa laluvs ko malamang nag papatigas din ako nung mga umaga na yun, at talagang mapilitan akong bumalikwas sa higaan, ayoko rin namang pabayaan na maglakad siyang mag isa lalo’t TisBun siya nun (lam nyo na probinsiya may MoMO! daw) kaya babangon ako’t dudurr.. :) mag bihis at mag simba wala ng ligo-ligo pa.

Ang di ko makalimutang pang yayari ng simbang gabi magpa sa hanggang ngayon pag naalala ko yun napangiti akong mag-isa (giggle),Buntis nun ang Palaluvs ko sa aming
anak na panganay dahil nga sa pamahiin at tradisyun nating mga pinoy ayaw rin naming pumaltos sa simbang gabi. kaya nung isang madaling araw mejo tinanghali kami ng gising ng palaluvs ko (ang pamahiin rem?.)
Nagsimba pa rin kami kahit tapos na tumilaok ang manok (pa-us na!) , as expected lahat mabilisan mabilisang hilamos mabilisang bihis mabilisang lakad, hayzz buti na lang umabot pa rin kami, na di pa tapos ang mesa , di na nga kami naka upo nihalos nga di na kami makapasok sa simbahan punong-puno (daming humiling kay papa lord), kaya nakatayo na lang kami sa may bandang bungad ng simbahan,habang tiningnan ko ang magandang mukhang antuk na antuk pang buntis na palaluvs ko , may napansin ako bat ang damit nya nakalabas yung mga tahi? naku! luvs baliktad damit mo! ,ha! gulat din siya,at sempre di mo mawawala yong mahihiya ka, di namin napansin dahil nga sa pag mamadali, at isipin nyo na lang sa dami ng tao simbahan san kaya kami mag tago para baliktarin ang damit niya(tek nowt! hubarin pa yun) laki pa naman tiyan nya hehehe.naghanap ako ng puwesto, sabi ko dito na lang tatakpan na lang kita bilisan mo lang dali dali naman ang Palaluvs ko, don kami sa ilalim ng hagdanan yung hagdanan ni kampanerang Kuba sa ilalim ng kampana hehehe.kaya napaka anforgetabol,memorabol sa akin ang simbang gabing/madaling araw na yun, pag bumabalik o sumagi sa aking isipan napangiti na lang talaga ako tsk tsk … tama na! to leche,gatas,supass kape!! na hohomesick na ako ho! ho! ho!, he! he! he!

At isa pang nakakasarap pag mag simbang gabi sa madaling araw kasi sa probinsiya namin (ewan ko lang sa inyo hehehe) pag katapos ng mesa meron inahanda ang taga-simbahan para sa lahat , may libreng pagkain, alam nyo tradisyun na rin yang mga kakanin sa umaga, natandaan ko nun meron silang Bud-Bud (suman sa tagalog), Sikwate o Tabliya (tsokolate sa tagalog) at Pandesal (Pandisal sa bisaya lol’s) at meron ding kape ewan ko na lang ko anong bisaya sa kape,hmmm! nakakatakammm... naman.. namannnn!


Alam ng sambayanang Pilipino kong ano ang pamahiin sa simbang gabi diba? di na kilangan pang iladlad kong ano yun basta ako,ikaw,tayo ay naniniwala, di dahil Pinoy ako,ikaw,tayo kundi dahil ako,ikaw, tayo ay Kristiyano/Katoliko, maliban na lang kong ikaw ay nasa sektor na dihins na niwala kay PaPa Lord.


Ang aming winiwish kay Papa Lord binigay o tinupad niya rin :) ,iniluwal,pinanganak, ng luvs ko ang panganay naming anak (ate Issa) na maayus at normal.



"Maligayang Pasko sa Inyong Lahat. ituloy ang Pagsimba sa Gabing madaling Araw"

Huwebes, Disyembre 11, 2008

Guhit ng Bayag



Sa pag aabroad o pangingibang bansa meron laging nakabuntot na kasabihang "swertihan", swertihan lang yan talaga sa pag aabroad sabi nga ng iba at sabi rin ng Angkol ko(puntong bisaya:)) may kanya kanya tayong guhit ng bayag , nasa bayag daw nakaguhit ang ating swerte (maniniwala ka ba?) siguro kong mangyayari maniniwala ka diba?(malamang hindi rin hehehe) alam niyo mga kaibigan,kabologers,kabatihan,kaututang libag marami na rin akong nabasa na mga kwento tungkol sa buhay ng mga kapwa ko OFW sa ibat ibang lupalop ng Earth, may kwento kapupulutan ng (pulutan) aral,meron ding kwento nag bigay inspirasyun at leksyon sa bawat araw2x na pamumuhay. meron ding kwento ng pag kabigo sa pag ibig,pera,trabaho basta lahat ng kwento. isama mo narin ang walang wentang wento.


ball’s line….


Speking of swertihan sa tingin ko meron din sigurong na I guhit sa aking dalawang hindi pantay na bayag na kunting swerte hehehe isipin mo nga naman napadpad ako dito sa mapayapang matiwasay na bansa ng mga taga Babilonya ng wala sa plano,di man lang sumagi sa kukuti ko noon na makapagtrabaho ako dito, "but a saying goes the unexpected is the one you’ve been expecting" kong di mo nagets! ito ako rin hindi! tabla lang tayo kwits!!, samakabaluktot dito parin ako sa iraq. sa kabila non akalain niyo rin bang ang lahat ng imposible kong pangarap, sa iraq nagiging possible ito o nagiging totoong kasinungalingan (true lies).

feel it!!

Ang lahat ng buhay na di mo matikman kahit kunti o kahit saglit manlang sa sariling mong bayan kahit magkadakuba,magkanda tambling ka na sa trabaho mo alaws o wala pa ring mang yayari sayo (sensya na bayan ko dahil totoo!) dito sa iraq matatamasa mo ang lahat ng gusto mo maayus na trabaho,Maayus na Sayud,pera,datung,warta,Libre bahay,Libre laba,libre kain,libre pamasahe (bus) pwera! sa babae kilangan ibigay mo CA mo,(cash advanzz) heheheh swertihan ika nga diba?Wag niyo lang akong tanungin kong san nakaguhit ang swerte ng mga babae lol’s wala nman silang bayag isip-isip? hehehe.
da'h luck...

Kong Ikaw kaya mabigyan ng pag kataon ma offeran ng magandang posisyun sa trabaho tatangagapin mo ba? o pag munimunihan mo muna,pero kong ako ang tanungin huh! mabilis pa kay speedy gonzalez arriba!! arriba!! OO agad isasagut ko don walang pakime kime, SuSung-gab agad ako ikaw ba naman maging Manager/Supervisor at kong ano-ano pang mataas na pwesto o posisyun aayawan mo? engot ka kumag ka! kong aayaw ka!, Sa akin di siguro mangyari yun Bring it on! Opportunity knocks only once kaya kilangan buksan mo ito agad, baka sasakit na ang kamay sa kaka katok lilipat pa sa ibang pinto,ginto na baka maging tae pa Lol’s

on da'h top!..

Sarap ng buhay kong ikaw ay nasa mataas na posisyun diba? inaasahan ka ng mga tao mo, inaantay kong anong maging desisyon mo at wala silang magawa kundi sumunod lang sayo at kong anong nagiging desisyun mo, pipirma sa mga papeles mag aaprob ng mag projects pakape-kape, malawak na opisina,maayos na mga furnityur sa opisina may sexetary naka pantalon o jeans kasi bawal dito mga pasexyhan o paeksi-an ng damit kala mo yung typical na sexetary ano? pwess hindi! mali ka! heheheh at sempre higit sa lahat malaki ang sahud mo kaya masasabi kong ang tao talaga may kan kanyang guhit ng bayag lang yan. at nabigyan ako ng kunting guhit sa bayag na yung guhit na may dalang swerte hehehehe

wat’s wrong! & da'h Konsikwens...

Pero sa kabila ng lahat tinamasa kong (bayag) na swerte parang may kulang pa rin bat kaya ganun?di ka pa rin masaya kong kilan ka nasa tuktuk, at tayog ng iyong (Etits) kareer! ay siya namang unti unti pag layo o pag ilang ng iyong mga kaibigan, diba parang bale wala parin yun swerte sa bayag na yun kong wala ka namang mga kaibigan,kapamilya o Kapuso. maging laman ka pa ng bulong bulongan,tisimisan kesyun ganun kesyu ganito kana,mataas na daw ihi mo eh ganun pa rin nman isang ruler pa rin eh hehehe, naririning mo sa kong saan saan lang usapan pangalan mo para ka ng pokpok na bilasa na sa buong mag damagang kayud. parang ka naring naipit sa nag uumpukang bayag
(posisyun at kaibigan,)

Ke-ver!!! i dont gib a Lamesa Dam!

Pero Buhaymalisya pa rin ako di ko lang sila pinagpapansin bayaan ko na lang sila,kong ganun ang isip nila sa akin wala akong magagawa isip nila yun eh di ko hawak utak nila. leche!! sila hehehe, basta ako nag tratrabaho lang, minsan isang gabi may mga boses akong naririning sa kabila ng aking opisina may nag bubulong bulongan, gusto kong makinig kong anong pinagkekwentuhan nila pero mejo di ko talaga masyadong maaninag,mejo Malabo pa sa ihi ng bagong panganak ang pinag uusapan nila at di nman ako ging-gang goligoli gong gong ka! gong-gong ka!(kanta bay un?) alam ko na instink ko palang pinaguusapan na nila ako, ako na ang laman ng kanilang pahayagan, sa isip-isip ko naman sana isa sa kanila mag lakas loob na kakausapin ako kaibigan din nman ako nila ah! sana sabihin nila ang kanilang saloobin nila kong ano man ang nagiging mali ko para matauhan ako matuto sa mga pagkakamali ko at maitama ito at mabago ang aking dereksiyon at magising sa katotohanan! hanggang nag katotoo nga may nag lakas ng loob na sabihan ako..

da’h reyality!!!!!!!!



HOY!!! Kumag ka! tapusin mo na yan pag pupunas mo jan tangining ka! nakatulog ka na naman! may dalawang banyo! pa sa baba lilinisin pa natin yun! mag aalas dose na! may pasok pa tayo bukas!!

wag ka ng mangarap pa! tagalinis ka lang dito ! hirit pa nong isa!


Naalimpungtan ako napatalon sa kinauupuan ko papungas pungas ako TiTingin tingin sa palibot, Puchang Igit! di ko pa pala tapos linisin ang opisina ng Manager ng aming pinagpartaym-man, Napagod kasi ako sa sobra ba namang laki ng Opis nato, umupo lang ako saglit sa napagandang poging pogi na opisina di ko napansin napad-idlip na pala ako, buti na lang ginising ako ng mga kasama ko. hayzzz! meron pa nga palang banyu sa baba linisin pa namin yun ihanda ko na nman sarili ko at ang sikmura ko, makipag wrestling sa mga tae ng mga Puti na may nakatatak na $dolyar.sabay kanta (napakasakit kuya eddie ang sinapit ng kanilang Tae!) niloglog ko talaga ng panloglog plung-j-z-er ba yun? ayaw mag flush kasi eh! ewwww!yakssss hehehehe, totoo yata ang sinasabi na ang translation o patsambang hula, na pagnanaginip ka ng tae pera daw! hahahaha

Buti na lang panaginip lang yun ayoko rin ng ganun,mas maigi pang tagalinis na lang ako may mga kaibigan,kapamilya,kapuso,kabatibot pa akong gigising sa katotohanan ng aking mundong ginagalawan at may kasabay pa ako sa pakipag Log-logan sa mga taeng may nakatatak na $Dolyar...

It was all a Dream.....

Pa. Sobra.

Wento lang po to ha bahala ka kong maniniwala ka man o hindi na sayo na yon heheheh , pero totoo pong yan ang aking part taym Opis boy by Day Janitor by Night kumita lang ng tumaginting na Dolyaressss.




(my Piktyurs nat Abilabol yet)

“habang akoy tumataas lalo akong yumuyuko- kawayan”

Biyernes, Disyembre 5, 2008

Tumigil ka nga jan!


Matagal ko ng pinag iisipan,pinagplanuhan ang bagay na ito nakailang beses na akong sumubok iwasan, at ilang beses na rin ako di nag tagumpay *sigh*sabay kamot sa ulo, walang magandang naidudulot sa akin ito at lalo na sa mga taong nakapalibot sa akin nadadamay ko pa sila ng walang ka malay malay nag tatanga tangahan lang ako nag paka ugag-ugag , nagpakasugapa ng matagal na panahon ,ilang ulit ko narin tinanong ang sarili ko kong di nagyon kilan pa? antayin ko pa ba mangayari sa akin ito (aanhin pa ang damo kong ang kabayo ay busog na) Lol nag isip ako ng mabuti at taos pusong nagdasal at humingi ng gaydans. kay Papa Lord . at aking napag desisyunan isang desisyung na walang regrets sa bandang huli kaya ginawa ko ang pinakamalaking hakbang tungo sa tagumpay.at sabay sigaw! ayaw ko na!tama na! sobra na!tigilan na ayoko ng mag YUSI Kadiri!,Mag-SMOKE!,Mag-Sigarilyo!,

O ikaw gusto mo bang tumigil? ayaw mo na ba? sawa ka na ba sa hiningang masangsang pa sa tae at imburnal ?sigurado ka? kong sa ganun mabuti nman okey isang yusi pa muna isipin mo pang huli na yan ha? nag kakaintindihan ba tayo? okay pa sa olrayts? bibigyan kita ng mga TIPS o Advayzz! ok lang ba? (tango! kana) ito ang mga ginagawa ko pano ko sinimulan
BABALA: ang lahat ng sinasabi dito ay pawang katotohanan at puro katutuhanan lamang so help your self okay ito ay basi lamang sa natutunan at experyenzzz ko lol, kong maniwala ka nasa sa iyo na yan kong hindi naman sige mag sinde kana ng Yusi.
ito na ang mga sampung ewan na ginawa ko at aking sasabihin kong kaya mong paniwalaan ito kaya mo rin itong hindi paniwalaan . lol

1 Pinagtatapon,pinagbabasag,pinagbalibag ko ang ma lighter at astray ko kahit sa mga ka roommates ko pa yun basta pag nakakalat at nakita ko sa hooch namin tapon ko na,pag tinanong ako ewan,di ko alam ang tanging makuha nilang sagot. unang hakbang lang yan hehehe

2 Kong bibili ako ng isang Box/ream kukuha lang ako ng dalawang kaha lang at pamigay ko na ang iba di ko inisip na sayang at least napaligaya ko sila at dagdag nicotine sa baga nila hahahahaha sarap ng feeling pag nagbigay ka diba?

3 Kong ngayon 20 stick bukas 19-bukas 18-bukas17 so on so forth walang back.ayt! basic lang to pero hirap gawin kasing hirap pag wala kang pambili hehehehe

4 Hanggang di na ako Bumibili ng sigarilyo nanghihingi/nangbuburaot nalang ako , semperds tao ang mga binurautan ko aabot talaga sa puntong mainis at nabuwisit na sila pinagtataguan na nila ako ng Yusi pera daw nila pinamili don heheh nga naman noh!, isang magandang signus yun sila na lang gustong mamatay. tinubos na nila ako safe na ako yesssss!

5 Lumalayo o umiwas ako sa mga tropang kong sunog baga, kahit roomates ko di nila ako masyado nakikita sa room namin dahil iniiwasan ko sila galitgalit muna at sinabihan ko mga roommates ko No Smoking sa room or else lumayas kayo ako pioneer,nauna,the chosen one in short ako ang Mayor!!! sa selda (room) nato heheheh (kasi dati nanigarilyo ako sa room namin ngayon bawal na!. sindakan lang…yan.)

6 Ang alternatibong pamalit ko sa sigarilyo basic lang din kendi at chichiria , para makalimutan ko ang lasa ng sigarilyo. parang si Gulom ba yun nag Lord of the Cha-Rings limot na ang lasa hehehe


7 Iwasan din ang kape kasi parang si FPJ yan at E”B”R mag PAKNERS.

8 Pag may di ka kilala nag yusi sa harap mo o sa tabi mo tingnan mo muna estemahin mo ng maigi kong alam mo walang kalabanlaban sabihin mo agad Pare lumayo ka ng kunti para na akong manok dito na binubugahan mo ng usok,kong mejo malaki at may laban siya pa epek ka na lang Sir may Atsma tati ako pede Etop itmoking kayo yan mongoloyd ang dating patok yan. (di galing sa akin to sulsul lang sa lol)

9 Pag naamoy muna ang mala imburnal na baho ng taong nag yuyusi!! hmmmmm ah dodododo adadadada senyales lang yun na bumalik ang iyong natural na sense sa pang amoy.( anong tagalog ng sense di ko alam eh hehehe) dito ko na reyalayzz na pag sinabihan ako ng luvs ko nuon na ang baho ko she meant it talaga na mabaho ako dahil sa yusi kadiri na yan! kaya kayo jan pag sinabihang kayong mabaho talagang totoo yun. hehehehe

10 Pag di kana naghahagilap kong saan saan na may naka sukbit o naiwan na barya sa lahat nag bulsa mo sa pantaloon adododo adadada ka ulit malapit ka ng ma sertepayd lol

Pang huli ito na ang matindi wala na akong ibang maisip na kasinungalingan pa tama na siguro to hehehe basta tigilan mo na lang yun lang…kong ayaw mo eh di wag mo!

In seryus to stop smoking is a long taym prasis talaga yan as a change smokerrrr!!(dati yun ha) a day, a week with out cigarette is a very big success (niwala ka!?) dihins ito isang bunot ng buhok mo sa ilong pag napapikit ka kala mo ay wala na..tapos na well Hindi! kilangan mo ng tibay ng loob lakas ng apog hehehe kilangan din determinasyun, at isama mo na yung inspirasyun. Ja’z mek it a habit take the 1st step and set your goals and keep that goals intact there’s no doubt you will Saksid, (niwala ka uli hehehe) and da’h benefits will continyu to improb your health and kwality of layf for years and it mek’s your family proud and happy masabi mo sa kanila na di na ako nag yuyusi na yung tipong confident na confident ka sa sarili mo at walang halong ka hipokrituhan.( tama ba? hehehe)

Basta Poks I sa lang masasabi ko (kahit marami na) kong kaya mo ay kaya niya at kaya nating dalawa mga kababayan ko dapat lang malaman niyo ako ay di nanigarilyo! (napakanta ka ba?) lol but for goodness sake STOP SMOKING!!!!!!!!!!!!!




For the Record it’s my 4,four,apat,upat months smoking free…. wheeewwww! Long way to go and im on it!

Lagot ka! - Layouts and Images