Ang sulat pong ito ay galing kay Blogusvox ,naibahagi na rin ito ni Everlito at LordCM gusto ko rin ibahagi ito sa lahat ng dumadaan sa Blog ko.
Halika kabayan basahin natin ito....
Foreword: Another email was forwarded to me by my friends. They asked that I post this to remind everybody the experiences and sacrifices OFWs encounters for the sake of their families back home.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.
Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.
Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.
Frederick ArceoFrederick Arceo’s words reflect the true sentiments of most of our OFW “kababayan”. It is sad to think that some relatives and friends back home equate “working abroad” to big salary, better lifestyle and material possessions. Some relatives totally relies on OFWs even if they are already of “working age” or have families of their own. “Walang problema, nasa abroad ang (itay, inay, kuya, ate, anak)” is a typical phrase. As if the cornucopia will never run dry.
Salamat Kay Blogusvox, at LordCM
Mabuhay ang O-IP-DOBOLYO
11 komento:
mabuhay ang mga bayani!
lols
may post akong kritiko sa tag na yan nuon sa ow-ep-dobolyu..pero dahil post mo to pareko, nakikiisa ako..
oo nman... OFW, tao din.. pero yun nga, kung hindi matatag, hndi tatagal sa pagiging OFW.. yun lang yun!
hahaha.. wow.. ispesyal na nabati si LordCm ahhhh bakit kaya? sya ba ang isa sa nakilala mong ow-ip-dobolyu na napapanot na? hehehe
peace
oo Kosa mabuhay tayo!
tatag,tiis, at sempre humingi ng guidance kay papa lord..
Kay Lord CM ko kasi nakakuha ng idea dahil siya nag suggest don kay Blogusvox na kong maaring i post sa mga OFW na may BLOG sa may gusto lang naman heheheh nakikiisa na rin ako..
Kosa salamat....
pis be weed yo! also...
hahahaha taena mo kosa...malapad lang noo ko at proud ako jan kasi dahil sa noong yan eh kumikita ako...
Ayos pareng bomzz, sana mas marami pang makabasa nito para naman maliwanagan silang hindi biro ang pagiging OFW...
Tips lang sa mga pamilya ng OFW sa Pinas...Ang kumustahin ang kapamilya mo na OFW eh napakalaking bagay para mas magiging matatag pa sila at magpatuloy sa pangarap nila para sa inyo...kahit kaplastikan, basta maramdaman ng OFW na may nag aalala sa knila eh ok na...
@ LordCM kahit naman papano magbigay ito ng liwanag! sa kanila.lahat ng maling inaakala nila sa OFW dto mabasa nila ang katotohanan..
ayun! kosa! malutong na Taena! lol's
salamat sa dalaw at comen
at sana hindi masamain ng iba ang kwentong ito, hindi kami nagpapaawa, nagkukwento lang at nagbibigay linaw...
hindi man lahat pero mas marami ang nakakaranas nito...
sana nga rin..
ika nga ang taong nakakaintindi sa yo ay ang taong OFW lng din..
sana lang itoy tanggapin din nila ng maluwag tama ka di tayo nag papaawa,, itoy kwento lang pero maraming tatamaan..
mabuhay ang mga OFW na kagaya natin....sana tumaas ang palitan ng piso para masaya naman ang valentines....toinkz...
ang OFW tao din..may puso na nasasaktan...
Wow! ang bigat ng post mo ah. I can relate to that. Di man ako OFW, but I am here in the US. Kala ng mga relatives ko sa PInas ang yaman ko, di lang nila alam, aba, ang hirap din magtrabaho, di naman pinupulot ang dolyar, euro o kung ano pang tawag sa pera. Pinaghihirapan, pinagpapawisan at halos ikamatay nating mga nasa ibang bansa, mabigyan lang ng ligaya ang ating pamilya sa Pinas. Yung iba talaga, kapag di mo napautang, madamot ka na, na kala mo ka na kung sino nakarating lang sa ibang bansa, at madami pang kung anu anong kabulastugan... Hay! BAkit kaya ganon noh??? OH well....
kay lord cm ko yata ito ikinomento...
gusto kong maging OFW!
sa akin kasi kahit mahirap maging OFW, masarap maging isa sa kanila.
sa pananaw ko, sa pagiging OFW lang naka salalay kung paano ako/kami (pamilya ko) uunlad!
bitaw tinuod na. though never ako naka work abroad pero ha feel nako an ijo mga hinaing..
naks!
disagree lamang ako, waya daw kwarta???? pagchure!
mga astig na mga OFW, mabuhay!hehhehe
@ PogingCano lahat yata tayo binabantayan ang pag taas ng palitan kaso tumataas din ang bilihin sa atin ganun pa rin ang... kinalalabasan...
@ Mom of Four una salamat muna ako napadpad ka dito sa mansiyon kong barong barong lol's
di man ako naka punta sa states marami ako kaibigan na Fil-am's dito na nagsasabi yun ang akala nila pag nasa Tate ka mataas expecatations nila o basta abroad..ka hayy!! OIL! tama ka lol's
@ Ka mulong di ko na kailangan sabihin sayo kong anong maging sandata mo kong gusto mong maging isa sa amin, sa mga blog pa lang nababasa muna ang kunting reyalidad nag aming mundo..
sige gala gala ka lang! sa MAKATI hehehe ingats sa mga fakeruiter!
@ Veta salamat ug usab na makanunay og bisita sa ako payag..
sa ako ang panaw aw gud mao nga moingon me nga walay kuarta.. ang unang rason gud ana naay gitagan aw sa maong kuarta depensa lang sa mangayuay ba! hehehehe pero kay kita mga pinoy sentro man ta sa pamilya mao na bisag walay jutay kuarta tungod kay pamilya halag sige padala....moingon na lang bawi na lang sa sunod sweldo..lol's
Mag-post ng isang Komento